11/07/2025
⚠️BABALA: Panganib ng Leptospirosis Matapos ang Baha
Lumusong ka ba sa baha kamakailan? Maaaring ikaw ay nalantad sa leptospirosis, isang malubhang impeksyon na dulot ng bacteria mula sa maruming tubig.
Sintomas ng Leptospirosis:
• Lagnat, panginginig
• Pananakit ng ulo at kalamnan
• Pamumula ng mata, pagsusuka
• Sa malalang kaso: pinsala sa atay o bato
Protektahan ang sarili at pamilya
Kung ikaw ay na-expose sa baha, magpakonsulta agad sa doktor para sa tamang pagsusuri.
Maagang pagpapakonsulta ang susi huwag basta basta iinom ng gamot!
Mag-Ingat lagi, iwasan ang baha, at magpatingin sa doktor kung kinakailangan.