Ang Probinsyanong Kabitenyo

Directions

Ang Probinsyanong Kabitenyo This page was made for Probinsyanong Kabitenyo na Naninirahan o naka tira na ay sa Cavite.

Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Isang negosyante ang hinoldap ng apat na armadong lalaki habang naghihintay ng kanyang sasakyan sa isang car care hub sa...
13/07/2026

Isang negosyante ang hinoldap ng apat na armadong lalaki habang naghihintay ng kanyang sasakyan sa isang car care hub sa Barangay Niog, Bacoor City noong Sabado, Hulyo 11.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Bacoor City Component Police Station (CCPS), dinala ng biktima ang kanyang sasakyan sa isang car care shop bandang 7:30 ng umaga para ipa-maintenance. Habang naghihintay bandang 1:30 ng hapon, dumating ang apat na suspek na sakay ng dalawang Yamaha NMAX na motorsiklo.

Nilapitan umano ng mga suspek ang biktima, at isa sa kanila ang naglabas ng baril at itinutok sa kanyang likuran bago sapilitang kinuha ang kanyang gold bracelet at gold necklace na may pendant.

Tinatayang umaabot sa ₱400,000 ang kabuuang halaga ng mga alahas na natangay ng mga suspek, na agad tumakas matapos ang insidente.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng Bacoor CCPS habang sinusuri rin ang mga CCTV footage sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek.

Hinihikayat din ng pulisya ang sinumang may mahalagang impormasyon kaugnay sa insidente na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang makatulong sa mabilis na paglutas ng kaso.

News source: Cavite News Network

The Department of Education (DepEd) Schools Division of Cavite Province expressed grief over the de*th of a Grade 4 pupi...
13/07/2026

The Department of Education (DepEd) Schools Division of Cavite Province expressed grief over the de*th of a Grade 4 pupil following a deworming activity at Hugo Perez Elementary School-Annex, saying it is coordinating with authorities and will fully cooperate in any investigation.

In a statement, DepEd Cavite extended its condolences to the student's family and said school officials have been reaching out to provide support to the bereaved.

The division said it is in constant coordination with the appropriate authorities regarding the incident and emphasized its commitment to protecting the health and welfare of learners.

DepEd Cavite also pledged to cooperate with any legal proceedings or inquiries that may arise, saying its officials and personnel will fulfill their responsibilities in accordance with the principle that "public office is a public trust."

GRADE 10 STUDENT, NASAKOTE KAUGNAY NG UMANO’Y BANTA SA TATLONG PAARALAN SA BACOOR Isang 15-anyos na Grade 10 student ang...
12/07/2026

GRADE 10 STUDENT, NASAKOTE KAUGNAY NG UMANO’Y BANTA SA TATLONG PAARALAN SA BACOOR

Isang 15-anyos na Grade 10 student ang isinailalim sa kustodiya ng mga awtoridad kaugnay ng imbestigasyon sa umano'y serye ng pagbabanta na ipinost sa TikTok laban sa tatlong pampublikong paaralan sa Bacoor City.

Ayon sa Bacoor City Police, natukoy ang menor de edad matapos ang isinagawang beripikasyon at pagsusuri sa digital evidence. Kabilang sa mga paaralang nabanggit sa umano'y banta ang City of Bacoor National High School–Camella Springville, Eastern National High School, at George Town National High School.

Ang menor de edad ay dinala sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Source: Cavite News Network

30/03/2026

Ikinagulat ng ilang namimili malapit sa Naic Public Market ang sunod-sunod na putok ng baril matapos pagbabarilin ang isang vendor pasado alas-5 ng hapon ngayong Biyernes sa gilid ng isang convenience store.

Agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar, ngunit nasawi ang biktima dahil sa tinamong mga tama ng bala.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Naic Municipal Police Station upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa krimen. Samantala, hustisya ang panawagan ng pamilya ng biktima.

(This is a Developing Story)

AWAY-MAGKAPATID HUMANTONG SA S@ks@k@n SA LOOB NG BAHAYIMUS CITY, Cavite — Nauwi sa madugong insidente ang simpleng pagta...
10/03/2026

AWAY-MAGKAPATID HUMANTONG SA S@ks@k@n SA LOOB NG BAHAY

IMUS CITY, Cavite — Nauwi sa madugong insidente ang simpleng pagtatalo ng magkapatid matapos mauwi sa saksakan ang kanilang alitan sa loob mismo ng kanilang bahay sa Alfonso Village, Brgy. Alapan 1-B, nitong Sabado ng umaga (Marso 7).

Ayon sa ulat ng Imus Component City Police Station (CCPS), bandang alas-10:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Block 18 Lot 34 ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, nililinis umano ng suspek ang kanilang bahay at pinakiusapan ang kanyang kapatid na pansamantalang lumabas upang maayos niyang magawa ang paglilinis.

Ngunit sa halip na sumunod, nagalit umano ang biktima at nauwi sa mainit na pagtatalo ang dalawa.

Habang tumitindi ang kanilang argumento, bigla umanong nagbanta ang biktima na s@ks@kin ang suspek at nagtungo pa sa kusina.

Dahil dito, agad namang kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaks@k ang kanyang kapatid sa likod.

Agad namang rumesponde ang mga opisyal ng barangay at isinugod ang sugatang biktima sa Las Piñas District Hospital kung saan siya kasalukuyang ginagamot.

Samantala, inaresto naman ng ibang barangay officials ang suspek na kinilalang si alias “John,” 2, residente ng parehong address sa Alfonso Village. Dinala siya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.

Ayon sa pulisya, inihahanda na ang mga dokumento upang maiharap ang kaso sa City Prosecutor’s Office ng Imus para sa pormal na pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

Patuloy pa ring nagpapagaling ang biktima habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek. #

26/02/2026

Probinsyanong Bacooreño. Panoorin nyo ito.

26/02/2026

Please Watch this Bacooreñong Probinsyano.

Address

M. Sakay Street
Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Probinsyanong Kabitenyo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share