08/07/2026
⚠️ PUBLIC NOTICE⚠️
Sa sinumang sadyang pumutol, sumira, o nagtanggal ng aming internet cable at kagamitan.
Nais naming ipaalam na ang insidenteng ito ay hindi simpleng aksidente. Batay sa aming isinagawang inspeksyon, may malinaw na palatandaan na sinadya ang pagkasira ng aming linya
Ang ganitong gawain ay nagdulot ng abala sa mga estudyante, empleyado, negosyante, at mga pamilyang umaasa sa internet para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Nais naming ipaalam na kami ay kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon at pangangalap ng impormasyon. Ang sinumang mapapatunayang responsable ay haharap sa kaukulang kasong kriminal at sibil alinsunod sa umiiral na batas, kabilang ang pananagutan sa lahat ng pinsala at perwisyong idinulot sa aming network at mga subscribers.
Kung iniisip ng sinuman na ang ganitong gawain ay walang magiging kapalit, nagkakamali sila. Ang bawat insidente ay iniimbestigahan at ang lahat ng ebidensya at impormasyong makakalap ay ipapasa sa mga kinauukulan para sa nararapat na aksyon.
Sa mga may nalalaman o nakasaksi sa insidente, maari po kayong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pribadong mensahe. Mahigpit naming pananatilihing kumpidensyal ang inyong pagkakakilanlan.
Maraming salamat sa pakikiisa ng ating komunidad upang mapanatili ang maayos at tuloy-tuloy na serbisyo para sa lahat.
— Albrands Management