29/08/2020
✨ DIABETES DISCUSSED...
'Ang mga Komplikasyon ng Diabetes at Paano ito Maiiwasan'
▪️Ano ang diabetes?
Ang diabetes ay isang metabolic disorder na naglalarawan ng mataas na blood sugar (hyperglycemia) na mula sa mga defects sa insulin production, insulin action, o parehas. Ang insulin ay isang hormone na nanggagaling sa pancreas at ito ay importante sa pag control ng blood glucose levels at pag gamit ng cells sa glucose ng normal.
▪️Ang paglaganap ng Diabetes
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang bilang ng taong may diabetes ay 422 milyon noong 2014 habang 108 milyon lang noong 1980. Ang paglaganap ng diabetes ay tumataas sa low and middle-income na mga bansa kaysa sa mga high-income na bansa.
▪️Pagkakaroon ng Diabetes at mga Klase nito
Mayroong tatlong klase ng diabetes:
type 1 diabetes (kulang na insulin production) type 2 diabetes (insulin resistance), at gestational diabetes (tuwing pagbubuntis)
Ang karaniwang sintomas ng diabetes ay frequent urination, hunger and fatigue, dry mouth, itchy skin, blurred vision, feeling very thirsty, weight loss, numbness in the hands or feet, and slow healing bruises. Ang ibang type 2 diabetic ay hindi halata ang sintomas. Kung ikaw ay mayroon na isa sa mga sintomas, bumisita sa inyong doktor agad para malaman ang inyong glucose level sa pamamagitan ng fasting blood sugar test, two-hour postprandial blood sugar test, at glycated hemoglobin test.
▪️Diabetes Risk factors
Ang mga taong madalas may ganito ay mas malaki ang tyansa magkaroon ng type 2 diabetes:
Obesity
Ang may impaired glucose tolerance o prediabetes, lalo na kapag hindi nag ehersisyo o hindi sumusunod sa low carbohydrate diet
Ethnic groups katulad ng mga instik o indians
Nagkaroon ng gestational diabetes
Mayroong sedentary lifestyle
Positive family history
Babaeng may polycystic o***y syndrome (PCOS)
▪️Ano ang mga komplikasyon ng Diabetes?
Ang uncontrolled diabetes ay delikado sa iyong kalusugan. Ang mataas na glucose level ay nakakasira ng maliliit na arteries at nakaka apekto sa halos lahat ng organ sa ating katawan. Ang listahan ng mga potensyal na komplikasyon ay mahaba at karaniwang nakikita sa mga diabetic na may hindi magandang sugar control at hindi sumusunod sa dietary at lifestyle recommendations mula sa doctor.
Ang karaniwang komplikasyon ng diabetes ay heart disease, stroke, neuropathy, kidney failure, blurred vision at decreased immunity.
▪️Paano pangalagaan ang sarili sa Diabetes?
Ang pangunahing paggamot sa diabetes ay mapanatili ang blood sugar level sa normal na range. Ito ay paniguradong makakaiwas o mapapabagal ang komplikasyon para mabuhay ng mas malusog.
Ang pag ehersisyo, pagkain ng tamang pagkain at pagbawas ng pagkain ng carbohydrates ay importante sa paggamot ng diabetes. Ang pagkakaroon ng active lifestyle ay maganda ang epekto sa pagbawas ng insulin resistance. Kahit 30 minuto ng pag ehersisyo araw-araw ay nakakatulong. Huwag din uminom ng alak dahil nakaka apekto ito sa blood sugar. Ang pagtigil ng paninigarilyo ay nakakatulong din bumaba ang tyansa magkaroon ng heart disease at stroke.
Importante na malaman ang blood sugar palagi para mapabuti ang paggamot natin sa diabetes. Bumisita sa inyong doktor palagi para manatali sa tamang landas sa paggamot ng diabetes.
Pwedeng uminom ng gamot o mag insulin injection para mapanatili ang glucose level sa normal na range. Ang gastos sa araw-araw na paggamot ay mas mahirap kaysa sa pag-iwas o pagpabagal ng delikadong mga komplikasyon.
CTTO | Repost