10/06/2026
LUMA, REQUAL, o BAGONG TANKE, ugaliing..
i-leak test (using soapy water) ang pressure relief valve (PRV) ng cylinder valve. Ito ay bubula pag may tagas.
i-leak test (using soapy water) din ang neckring kung saan naka install ang cylinder valve. Ito ay bubula pag may tagas.
Kung may leak lagyan ng basang basahan ang portion na may tagas, ilabas ang tanke at ilagay sa ventilated area.
Tumawag at PAPALITAN sa dealer o retailer na inyong nabilihan.
Pag napaliran na ang tanke, ulitin ang proseso para makatiyak na LIGTAS at PATAS ang GAS na inyong gamit. - LPG Technicians of the Philippines