Borsagak-Aimsmart Review Center-Baguio City

Borsagak-Aimsmart Review Center-Baguio City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Borsagak-Aimsmart Review Center-Baguio City, Business Center, Upper Session Road , RCBC Bldg, Baguio City.

26/07/2026

MGA RCRIM: HINDI ITO LABAN NG SCORE. LABAN ITO NG BATAS!

EXEMPT KA NGA SA BATAS... BAKIT PARANG NAG-EXAM KA PA RIN?

Maraming nagtatanong na aking followers kung ano ba talaga ang ugat ng kontrobersiya sa 75% rating sa recruitment ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Bilang isang abogado at g**o sa Criminology, nais kong ilagay ang usaping ito sa tamang konteksto—hindi batay sa emosyon, kundi batay sa batas.

Ano ang nangyari?

Sa recruitment ng Fire Officer 1 (FO1), binigyan ang mga Registered Criminologists (RCrims) ng opsyon:

✔️ I-avail ang exemption na kinikilala ng batas at tanggapin ang equivalent rating na 75%; o
✔️ Kumuha ng bagong digital qualifying examination upang magkaroon ng mas mataas na score.

Marami ang pumili ng unang opsyon dahil naniniwala silang sapat na ang statutory exemption upang maging kwalipikado.

Ngunit nang ilabas ang ranking para sa susunod na yugto ng recruitment, maraming may 75% equivalent rating ang hindi nakausad dahil mas mataas ang nakuha ng ibang aplikante sa digital examination. Dahil limitado ang regional quota at ang susunod na yugto ay batay sa ranking, maraming exempted applicants ang naiwan.

Dito nagsimula ang kontrobersiya.

Hindi lamang ito usapin ng ranking.

Ito ay usapin ng tamang interpretasyon at implementasyon ng batas.

Ano ang sinasabi ng batas?

Sa ilalim ng Republic Act No. 11131 (Philippine Criminology Profession Act of 2018):

Section 34 ay kumikilala sa eligibility ng Registered Criminologists para sa mga posisyong nangangailangan ng naturang eligibility, alinsunod sa Civil Service laws.

Samantala, ang Section 35 ay nagsasaad na ang mga Registered Criminologists ay priority in the appointment at exempt mula sa entrance at qualifying examinations para sa appointment sa mga uniformed services na saklaw ng batas. Ito ang sinabi ng batas:

"Section 35. Preference of Appointment in Government Criminal Justice and Other Government Institutions. - Registered criminologists shall enjoy priority of appointment and shall not be required to take any qualifying or entrance examinations in the PNP, the NBI, the BJMP, the BFP, the Land Transportation Office (LTO) and other government positions related to criminology, police and law enforcement work, investigations and security, corrections and public safety of the following bureaus, departments, institutions or agencies of the government:"

Ang mahalagang salita rito ay:

EXEMPT.

Hindi "may equivalent na 75."

Hindi "required pa ring kumuha ng exam."

Hindi "qualified lamang kung pumasa ng 75."

Ang sabi ng batas ay EXEMPT.

Ang legal na tanong

Kung exempt ang isang tao sa qualifying examination, maaari bang lagyan ng administratibong polisiya na 75% equivalent ang exemption at pagkatapos ay gamitin ang naturang rating upang matalo siya sa ranking laban sa mga kumuha ng examination?

Iyan ang tunay na isyung legal.

Sapagkat kung ang exemption ay awtomatikong naglalagay sa isang aplikante sa mababang ranggo kumpara sa mga kumuha ng exam, nagiging makatwiran ang tanong:

Exemption pa ba iyon, o isang disadvantage na nakadikit sa exemption?

Hindi maaaring baguhin ng administrative policy ang batas.

Isa sa pinakamatatag na prinsipyo sa Administrative Law ay:

Administrative rules and regulations cannot amend, restrict, expand, or defeat the law they implement.

Ang implementing agency ay maaaring gumawa ng mga patakaran upang ipatupad ang batas.

Ngunit hindi nito maaaring baguhin ang kahulugan ng batas.

Kung sinabi ng Kongreso na exempt ang isang Registered Criminologist sa qualifying examination, hindi maaaring gawing kondisyon ng exemption ang isang mekanismo na sa aktuwal ay naglalagay sa kanya sa dehado.

Kung kailangan mo pang isugal ang iyong exemption upang magkaroon ng pagkakataong makakuha ng mas mataas na score, nagiging makatwiran ang tanong kung ganap pa bang naipatutupad ang legislative intent ng exemption.

Hindi ito usapin ng special treatment.

May nagsasabing:

"Kung gusto mong tumaas ang score mo, eh di mag-exam ka."

Ngunit ang punto ay hindi kung may choice o wala.

Ang punto ay kung ang pagpili sa exemption na ibinigay mismo ng batas ay dapat bang magdulot ng legal na disadvantage.

Ang exemption ay hindi pabor na ibinigay ng isang opisina.

Ito ay isang statutory recognition ng Kongreso na ang Registered Criminologist ay dumaan na sa:

✔ apat na taong propesyonal na edukasyon;
✔ mahigpit na CHED curriculum;
✔ Professional Regulation Commission Licensure Examination;
✔ regulasyon at pananagutan bilang isang licensed professional.

Kung hindi na sang-ayon ang panahon sa ganitong polisiya, ang tamang remedyo ay amyendahan ang Republic Act No. 11131 sa Kongreso—hindi baguhin ang epekto nito sa pamamagitan lamang ng administrative implementation.

Ang tunay na kompetisyon

Ang exemption sa qualifying examination ay hindi nangangahulugang automatic appointment.

Marami pang yugto ng recruitment na lehitimo at patas:

• Physical Agility Test (PAT)
• Medical Examination
• Neuro-Psychological Examination
• Background Investigation
• Panel Interview
• Final Ranking

Doon dapat sinusukat ang kakayahan ng bawat aplikante.

Hindi sa pamamagitan ng paglalagay ng isang statutory exemption sa posisyong maaaring maging hadlang sa mismong layunin nito.

Huling paalala

Ang isyung ito ay hindi laban ng Registered Criminologists at ng ibang aplikante.

Hindi rin ito paghingi ng espesyal na pribilehiyo.

Ito ay usapin ng Rule of Law.

Kapag malinaw ang batas, ang tungkulin ng lahat—maging aplikante, implementing agency, at maging ng mga abogado—ay igalang at ipatupad ito ayon sa tunay na kahulugan at layunin nito.

Bilang isang abogado at propesor ng Criminology, naniniwala akong ang pinakamalakas na sandigan ng bawat aplikante ay hindi opinyon, hindi social media, at hindi administratibong interpretasyon.

Ang pinakamataas pa ring batas ay ang mismong batas!

RCRIM si MPD Director👮‍♂️🥶
26/07/2026

RCRIM si MPD Director👮‍♂️🥶

Sigurado ka na dito buddy☝🏻
17/07/2026

Sigurado ka na dito buddy☝🏻

🎁
16/07/2026

🎁

Happy Birthday, sir 𝐌𝐚𝐫𝐤 𝐀𝐧𝐠𝐞𝐥𝐨, wishing you good health, happiness, and continued success.

Thank you for your guidance, support, and effort. May your year ahead be filled with many blessings and joyful moments.

Cheers to more years of inspiring and educating Future Criminologist, Sir. Have a wonderful celebration!

- From M&M Family 🩵🌷

FYI EXAMINEES ✍️
09/07/2026

FYI EXAMINEES ✍️

EXAMINATION ADVISORY!

Examinees are hereby informed that any examinee found carrying electronic devices — including, but not limited to, mobile phones, smartwatches, earpods, and laptops upon entry to the examination venue or room on any day of the conduct of the examination will be barred from taking the examination.

This notice is issued pursuant to Memorandum Order No. 57 and shall be strictly observed.

/end/

Ilista mo na ______ 🍆
06/07/2026

Ilista mo na ______ 🍆

Johnny Busagak "Father of spaks " baka lumabas sa Board take note mo na 👉👌

𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐈𝐒 𝐍𝐎𝐖 𝐎𝐏𝐄𝐍!BORSAGAK x AIMSMART - Baguio City is now accepting enrollees for the February 2027 Licensure Exam...
06/07/2026

𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐈𝐒 𝐍𝐎𝐖 𝐎𝐏𝐄𝐍!

BORSAGAK x AIMSMART - Baguio City is now accepting enrollees for the February 2027 Licensure Examination for Criminologists (LEC) Face-to-Face Review Program.

Secure your slot today and take the first step toward becoming a Licensed Criminologist!

📩 Send us a private message for enrollment details and slot reservation.

Don’t miss this opportunity—enroll now and review with confidence!

𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐈𝐒 𝐍𝐎𝐖 𝐎𝐏𝐄𝐍!BORSAGAK x AIMSMART - Baguio City is now accepting enrollees for the February 2027 Licensure Exam...
02/07/2026

𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐈𝐒 𝐍𝐎𝐖 𝐎𝐏𝐄𝐍!

BORSAGAK x AIMSMART - Baguio City is now accepting enrollees for the February 2027 Licensure Examination for Criminologists (LEC) Face-to-Face Review Program.
Secure your slot today and take the first step toward becoming a Licensed Criminologist!

📩 Send us a private message for enrollment details and slot reservation.

Don’t miss this opportunity—enroll now and review with confidence!

Address

Upper Session Road , RCBC Bldg
Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Borsagak-Aimsmart Review Center-Baguio City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share