15/10/2024
Para sa mga beginners, narito ang ilang tips upang makatipid at masiguradong maayos ang alaga ng crayfish mo:
1. Siguraduhing naka-cycle o stock ang tubig sa pond mo ng ilang araw bago ilagay ang crayfish para maging ligtas ito sa kanila.Pwede gumamit ng water treatment ( aqua care) If masyado matapang ang Chlorine.
2. Gumamit ng aerator para sa oxygen, pero mas maganda kung may submersible pump para may water circulation sa pond.
3. Mag-set up ng maayos na filtration system, gamit ang filter foam, uling, at ceramic rings o lava rocks.
4. I-acclimate ang crayfish sa loob ng 20-30 minutes gamit ang dripping method( search you tube) na ginagawa bawat 5-10 minuto.
5. Lagyan ng tuyong dahon ng talisay o saging ang pond para mapanatili ang water quality.
6. Maglagay ng aquatic plants tulad ng duckweed, hornwort, hydrilla, o pothos para makatulong sa pag-control ng nitrates sa tubig.
7. Siguraduhing may sapat na mga taguan at space para sa crayfish.
8. Pakainin sila nang isang beses sa isang araw, preferably mga 5 PM pataas.
9. Gawin ang 20-50% weekly water change para mapanatiling malinis ang tubig.
10. Iwasang palaging silipin o galawin ang crayfish kapag naka-set up na ang pond.
11. Tanggalin ang mga natirang raw food kinabukasan para iwas sa dumi at bacteria.
12. Siguraduhing may takip ang pond dahil likas na mahilig tumakas ang mga crayfish.
13. Iwasan ang kakahawak sa kanila or sa tubig nila lalo galing ka palang mga sabon, gumamit ng alcohol at iwasan mg spray ng insecticide sa bahay.
14. Lagyan sila ng maaakyatan ( ex. BATO) para kung sakaling mG k problema sa tubig nila ay makaka survive sila sa amonia.
15. Huwag palaging ginagalaw sila, Para hindi ma Stress. Stress ang Kadalasang Ikinamamatay Nila.
16. Huwag Silang Gugutumin Kasi mag kakainan sila. ( Cannibalism)
Sa pagsunod sa mga tips na ito, mas mapapadali ang pag-aalaga ng crayfish at para hindi masayang ang Pera na pinag hirapan nyo.
# HappyCrayfishFarming