12/10/2025
MARK ANTHONY LOPEZ: “PILIPINAS, MAY PAG-ASA KA PA BA?”
Mariing ipinahayag ni Mark Anthony Lopez ang kanyang pagkadismaya sa kalakaran ng kasalukuyang administrasyon, lalo na sa umano’y doble-standard na hustisya na umiiral sa bansa.
Ayon kay Lopez, buong puwersa ng gobyerno ang ginamit upang itapon at ipabilanggo sa ibang bansa ang dating pangulong aniya’y “nag-angat ng dignidad ng Pilipino sa buong mundo.” Samantala, isang kongresista naman na sangkot umano sa multi-billion peso corruption ang hinahayaan lang umanong magpakasaya sa kanyang “plundered wealth” sa ibang bansa.
Binatikos din niya ang bagong talagang Ombudsman, na ayon sa kanya ay mas inuuna ang pagbusisi sa ₱125 milyon confidential fund ng Bise Presidente kaysa sa mahigit ₱200 bilyong budget insertion para sa mga ghost flood control projects.
Dagdag pa ni Lopez, nakakadismaya raw ang biglaang “pagbaligtad” ng mga dati’y tinatawag ang kasalukuyang liderato bilang “mandarambong,” ngunit ngayo’y tila bumilib at sumuporta na rito.
“Ang biglang paghimod sa pwet ngayon ng mga self-proclaimed disente at self-righteous kakampink sa dati nilang sinusuka at kinasusuklaman na pamilya ng kasalukuyang presidente,” ani Lopez.
Tinapos niya ang pahayag sa isang mabigat na tanong:
“Pilipinas, may pag-asa ka pa ba?”