05/08/2026
🚨 PUBLIC ADVISORY | GALOTECT NETWORK 🚨
Nais po naming ipabatid sa lahat na may taong sadyang pumutol sa fiber optic cable ng Galotect Network, na naging sanhi ng pagkaantala ng internet service ng aming mga subscribers sa apektadong lugar.
⚠️ Ang sadyang pagsira o pagputol ng fiber cable ay may kaukulang pananagutang legal. Ito ay nakaaapekto hindi lamang sa aming kumpanya kundi pati na rin sa mga estudyante, manggagawa, negosyo, at iba pang umaasa sa maayos na internet connection.
🙏 Hinihiling po namin ang pakikiisa ng lahat: ✅ Huwag putulin o sirain ang fiber cable. ✅ I-report agad kung may makitang kahina-hinalang gawain malapit sa aming mga linya. ✅ Tulungan nating pangalagaan ang ating internet infrastructure para sa kapakanan ng buong komunidad.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pang-unawa.
GALOTECT NETWORK
📶 Internet na Maaasahan. Serbisyong Totoo.