21/07/2021
Because one of our main product focused on helping community and the environment, our CEO Garry Guanzon II was featured on Facebook by "Tugon Balita, a social media page mainly reporting about current events in Bulacan and other parts of the Philippines.
For product inquiry please call or text
(0927) 545 8404
(0935) 336 8315 For Zambales Area
PINAGSAMANG WIND AND SOLAR ENERGY PALAGANAPIN NATIN
JESSIE DE JESUS
MALAKING tulong ang magagawa ng imbensiyong ito na.pinagsamang lakas ng hangin at araw na inimbento at ipinalalaganap ng grupo ni G. Garry Guanzon II.
Sa ginanap na seminar sa Brgy. Bonga Mayor Bustos, Bulacan na dinaluhan ng mga mamamahayag, Ipinaliwanag ni Guanzon ang malaking katipiran sakaling tangkilikin ng mamamayang Pilipino ang pinagsamang electric power na magmumula sa hangin at araw.
Habang panahon ng walang montly bill sakaling makabitan ang bawat residente nito sa kani-kanilang mga tahanan.
Ipinaliwanag ni Guanzon na kapag mainit ang sikat ng araw ay ang solar energy ang kusang gagana at kapag gumabi o maging tag-ulan ay ang hangin ang magpapatakbo ng kuryente. Hindi na masyadong kailangan ang baterya na riserba sakaling maubos ito sa gabi o magkaroon ng mahabang tag-ulan.
Hindi nga naman naiiwasan na may pagkakataon na inaabot ng buwan ang tuloy-tuloy na tag-ulan.
Hindi na magiging problema ang power supply sakaling nais mong manirahan sa mas malayong kabundukan o kagubatan. Hindi mo na kakailanganin ang magastos na generator na gasolina ang nagpapatakbo.
Nakararaming mga Pilipino ang nagnanais na maipalaganap ito para sa kombinyenteng pamumuhay.
Bukod sa makatutulong sa ating ekonomiya ay hindi na problema sakaling mayroon kang malaking lupain sa malayong kabundukan dahil madali lang itong itayo kung nanaisin ng may-ari ng lupain na gamitin ang hybrid wind and solar energy.