16/01/2023
Dignidad? Ano ba ang dignidad? Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat tayo, kahit sino, anuman ang iyong gulang, anuman ang iyong anyo o antas ng iyong kabuhayan, mayroon ka pa ring dignidad. Ngunit, ang dignidad ng bawat isa sa atin ay minsang nababaliwala. Maaaring may mga indigenous people na humaharap din sa kahirapan tayong nakakasalubong, nadadaanan o minsa'y sila pa ang lumalapit sa iyo. Bilang isang tao, may responsibilidad tayong tumugon sa kabutihan sa bawat oras, sa bawat pagkakataon. Ngunit sa kabila ng tulong at malasakit na nais nating maibigay sa kanila ay mayroon pa ding mga taong ninanais ang lumayo sa kanila dahil sa pangdidiri kahit na hindi nila alam ang totoong dahilan kung bakit ganoon ang kanilang mga anyo at itsura. Sa mga pagkakataong ito, lalong bumababa ang tingin nila sa kanilang sarili na nagiging dahil upang isipin nilang hindi sila karapat-dapat na galangin at pahalagahan, nagiging sanhi ito ng pagbawas ng dangal at pagkawala ng karapatan nilang umunlad bilang isang tao na kawangis ng Diyos. Hindi lang ang mga indigenous people ang nakararanas ng mga ganitong pangyayari, nariyan ang mga mahihirap, mga taong may kapansanan at maging ang mga taong bahagi ng komunidad na tinatawag na LGBT.
Mayroon tayong kasabihang βHuwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyoβ, ito tinatawag na "The Golden Rule" at nagpapakahulugan ito na kung ayaw mong mangyari sa iyo ang mga bagay na ikasisira ng iyong dignidad, huwag mo ding sirain ang dignidad ng ibang tao sa pamamagitan ng paggawa nang hindi tama. Ang dignidad ng tao ang siyang pagpakilala sa mga bagay na nais ng tao na maranasan. Huwag tayong gumawa ng bagay na makakapanakit sa ating kapwa, madalas na naririnig natin sa matatanda ang katagang "bago mo sabihin o gawin ang isang bagayay makasampu mo muna itong isipin" ito naman ay may kahulugang bago mo gawin ang isang bagay, isipin mo muna kung ito ba ay makatu