04/10/2025
📢 Usapang Blockchain: Paano kung gumawa ng sarili nilang Token ang Gobyerno? 🤔 Ito ang mga posibleng paggamit.
Kung sakali na ang gobyerno natin ay gumawa ng sarili nilang blockchain token, paano ba ito gagana? At pwede ba itong i-trade sa mga crypto exchanges tulad ng Binance o Coinbase?
🔹 Case 1: CBDC (Central Bank Digital Currency)
👉 Example: Digital Peso, Digital Dollar, Digital Euro
Ito ang official na pera sa blockchain form.
Always 1:1 peg (Peg - a specified price used to determine the exchange rate between two assets; in crypto – a fixed asset price tied to a token) sa tunay na currency. (₱1 = 1 Digital Peso).
Gagamitin para sa sweldo, bayad ng buwis, subsidies, at pambayad ng bills.
Hindi ito pang-trade kasi wala itong price fluctuation tulad ng Bitcoin.
⚖️ Para lang itong “digital cash” – stable, secure, pero hindi pwedeng paglaruan sa trading.
🔹 Case 2: Utility or National Asset Tokens
👉 Example: Government bonds, land titles, mineral rights, carbon credits
Dito papasok ang tokenization ng assets.
Pwede itong i-trade sa special exchanges (regulated ng gobyerno).
Halimbawa:
Bumili ka ng digital bond token, pwede mo itong ibenta sa iba (parang stock or bond trading today).
Mas flexible ito kasi may market value at nagbabago depende sa demand.
🔹 Case 3: Hybrid Approach (CBDC + Crypto Interoperability)
Imagine: Meron kang Digital Peso wallet.
Pwede mong gamitin pambayad → groceries, bills, etc.
Pero kung gusto mo, pwede kang mag-convert ng Digital Peso → USDT o ETH sa licensed exchanges.
Controlado pa rin ng gobyerno para iwas money laundering at illegal transfers.
✅ Sa madling sabi:
Kung CBDC → hindi tradable, pang-cash lang.
Kung asset tokens → pwede i-trade, pero sa regulated platforms lang.
Kung hybrid → pwede i-convert sa crypto, pero dumadaan sa gobyerno at approved exchanges.
💬 Ano sa tingin nyo? Mas ok ba kung may sarili tayong Digital Peso, o mas gusto nyo yung tradable na asset tokens ng gobyerno?
See comment section.