14/05/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐
๐๐๐๐: ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐/๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐จ๐ฏ๐๐ ๐๐ โ ๐๐๐๐๐๐
Sa layuning mapigilan ang mga fixer at mapalakas ang seguridad sa online transactions, inanunsyo ng MARINA na lahat ng bagong appointment bookings para sa pagkuha ng Seafarerโs Identity Document (SID) at Seafarerโs Record Book (SRB) ay daraan na sa eGovPH app.
Bahagi ng sistema ng eGovPH ang single sign-on (SSO) feature kung saan iisang verified account lamang ang ginagamit ng bawat user para sa government transactions. Sa pamamagitan nito, mas napapalakas ang account verification at nababawasan ang posibilidad ng pekeng bookings at ilegal na transaksyon ng mga fixer.
Ayon sa MARINA, makatutulong ang integrasyong ito upang maging mas ligtas, mas organisado, at mas transparent ang pagkuha ng appointment ng mga marino at iba pang kliyente ng ahensya.
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐; ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Samantala, nilinaw naman ng MARINA na hindi apektado ng bagong patakaran ang mga nakapag-book na noon gamit ang dating Online Appointment System o OAS. Mananatiling valid ang kanilang mga naunang appointments at hindi na nila kailangang muling magparehistro sa eGovPH para rito.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na iwasang magbigay ng personal na impormasyon sa mga hindi awtorisadong indibidwal o fixer.