13/05/2021
Mga benipisyo ng pag-inom ng tubig pagkagising.
💧 NAKAPAGPAPABILIS NG METABOLISM
Ang pag-inom ng tubig ng wala pang laman ang tiyan ay nakapagpapataas ng metabolic rate o nakapagpapa-improve ng diges-tive system. Kaya para malinis ang colon, uminom kaagad ng tubig pagkagising sa umaga.
Nakatutulong din ito upang mabilis na ma-absorb ang nutrients. Maiiwasan din ng pag-inom ng tubig pagkagising ang pagtaas ng timbang dahil sa overeating.
💧 NAKAGAGANDA NG SKIN
Magandang skin, iyan ang ninanais ng mga kababaihan. Lahat nga ng paraan ay sinusubukan kahit na may kamahalan, ma-achieve lang ang magandang skin.
Ngunit hindi naman kailangang gumastos tayo ng mahal para lang makamit ang magandang skin.
Sa pamamagitan lang ng pag-inom ng tubig, makukuha mo na ang matagal mo nang inaasam-asam.
Ang pag-inom ng tubig ay nakagaganda ng complexion. Nakita sa ilang pag-aaral na ang pag-inom ng tubig habang wala pang laman ang tiyan ay nakatutulong upang maiwasan ang wrinkles.
Tinatanggal din ng tubig ang toxins sa katawan na nagiging dahilan upang maging healthy, clear at glowing ang skin.
💧 NAIIWASAN ANG KIDNEY STONES
Ang pag-inom din ng tubig pagkagising ay nakatutulong upang maiwasan ang kidney stones. Sa pag-inom ng tubig habang wa-lang laman ang tiyan ay nakatutulong upang matunaw ang acid na nagiging sanhi ng stones sa kidney.
💧 PARAAN PARA MAKABAWI ANG KATAWAN
Matapos nga naman ang pagtulog ng walong oras, paniguradong dehydrated na ang katawan. Kaya’t mainam ang pag-inom kaagad ng tubig pagkagising nang mapanatiling hydrated ito.
Sa pamamagitan din ng pagiging hydrated ng katawan, mare-restore nito ang body functions, gayundin ang pagpo-produce ng blood cells.
Nakatutulong din ang pag-inom ng tubig sa umaga o pagkagising pa lang upang maging alerto ang isipan.
💧 PINATATATAG ANG IMMUNE SYSTEM
Kailangan nating panatilihing malakas ang ating immune system. At isang paraan para maging balanse ang lymphatic system ay ang pag-inom ng tubig pagkagising.
💧 NATUTULUNGANG MAIWASAN ANG IBA’T IBANG SAKIT
Maraming sakit ang nagkalat sa paligid. At kapag hindi tayo nag-ingat, paniguradong mahahawa o madarapuan tayo.
Isa sa paraan upang malabanan ang kaliwa’t kanang sakit na nagkalat sa paligid ay ang pag-inom ng tubig sa umaga pa lang pagkagising.
For orders and deliveries please contact this numbers:
📱 Globe: 0915-694-7232
📱 Smart: 0928-112-0329
📍 Sitio Kulayo, Brgy. Simlong, Batangas City