07/10/2026
Ang pagpapa install ng S2S kahit walang kontrata ay hindi parang kanin na isusubo at kapag napaso ay qgad agad iluluwa. Hindi po ito katulad ng saging na nabili mo sa palengke pagdating mo sa bahay bulok pala ay agad mong isasauli sa tindera. Kaya nga mag research ka muna bago magdesisyon na magpa install. Kapag hnd ka satisfied sa ibinibigay na serbisyo ng internet provider ay kung anu anong salita ang nalabas sa bibig mo. Mas mahalaga ang pagiging mabuting tao kaysa sa internet connection. Dahil ang internet ay pwedeng i repair at maibalik sa dati ngunit lahat ng lumalabas sa bibig mo ay hindi mo na mababawi at nakasugat na ng damdamin ng kapwa. Hindi po kami AI na pwedeng murahin at pagsalitaan. Mga tao po kami, may damdamin.