21/08/2026
Tita Kap, Kakang Tinay, Ate Kap — iba-iba man ang tawag sa kanya ng bawat isa, iisa ang pagkakakilala namin sa kanya: isang taong laging handang tumulong, maaasahan, at buong pusong naglilingkod sa kanyang mga kabarangay at sa mga taong nangangailangan.
Bilang Kapitan ng aming barangay, hindi lamang niya ginagampanan ang kanyang tungkulin. Para sa kanya, ang paglilingkod ay isang responsibilidad na ginagawa niya nang buong puso. Sa tuwing may nangangailangan, nandiyan siya—kahit anong oras, kahit pagod, puyat, o minsan ay isinasantabi na ang sarili niyang kapakanan.
Ngayon, siya naman ang nangangailangan ng ating tulong.
Dumaraan ngayon si Tita Kap Kakang Tinay sa isang napakalaking pagsubok. Ngayong araw, sasailalim siya sa emergency surgery o Evacuation of Hematoma matapos magkaroon ng blood clot/hematoma sa kanyang brain na kailangang maalis sa lalong madaling panahon.
Kaya kami—ang kanyang pamilya, mga kaibigan, supporters, kabarangay, at lahat ng taong nakakakilala at nagmamahal sa kanya—ay sama-samang kumakatok sa inyong mga puso.
🙏 Una sa lahat, hinihiling namin ang inyong panalangin.
Ipagdasal po natin ang ligtas at matagumpay na operasyon ni Tita Kap Kakang Tinay, ang kanyang mga doktor at medical team, at ang kanyang mabilis na paggaling.
Kasabay nito, humihingi rin po kami ng financial assistance para sa kanyang hospital at medical expenses.
Sa ngayon, umabot na sa ₱525,000 ang partial hospital bill, at inaasahan naming madadagdagan pa ito dahil sa operasyon, confinement, gamot, at iba pang kinakailangang gastusin.
Alam naming hindi maliit ang halagang ito. Ngunit sa ganitong pagkakataon, anumang tulong, gaano man kaliit o kalaki, ay malaking bagay para kay Tita Kap at sa kanyang pamilya.
DONATION DETAILS
BDO Unibank
Account Name: Jhaimiel Hornilla
Account Number: 007580183088
Maaari rin po kayong mag-donate gamit ang QR code na kalakip ng post na ito.
Kung hindi man po kayo makapagbigay financially, malaking tulong na rin po ang inyong panalangin at pagbabahagi ng post na ito upang makarating sa mas maraming taong maaaring makatulong.
Sa lahat po ng makikiisa, magdarasal, magbibigay, at magbabahagi—maraming, maraming salamat po. ❤️
Ngayon, panahon naman natin na iparamdam kay Tita Kap Kakang Tinay na hindi siya nag-iisa.
Marami kaming kasama niya. Marami ang nagmamahal sa kanya. At sama-sama natin siyang ipaglalaban sa pamamagitan ng panalangin at tulong. 🙏❤️
Lord, hawakan Mo po si Tita Kap Kakang Tinay. Gabayan Mo ang kanyang mga doktor at buong medical team. Bigyan Mo siya ng lakas, matagumpay na operasyon, at mabilis na paggaling. Sana ay bigyan Mo pa siya ng maraming taon upang makasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga taong kanyang patuloy na pinaglilingkuran.
AMEN. 🙏❤️