30/06/2026
thank you po
Mahal na lahat ngayon, ’di ba? 😅
Pag pumunta ka sa grocery, mapapaisip ka na lang kung bakit ang kunti naman ng laman ng cart mo pero ang laki pa rin ng total na babayaran. 🥲
At gaya ng lahat, ramdam din ’yan ng maliliit na negosyo.
📈 Tumataas ang presyo ng papel, ink at iba pang materials.
⚡ May kuryente, internet at maintenance ng mga printers.
🛠️ May mga printer na biglang nagkaka-attitude sa kalagitnaan ng rush orders.
📦 May mga test prints, errors at materials na hindi na mababawi.
🕒 May oras, effort at skills na ilang taon ding inaral at hinasa.
Kaya kapag nakakita ka ng presyo mula sa isang small business, tandaan na hindi lang produkto ang binabayaran mo.
Binabayaran mo rin ang oras, karanasan, consistency, at dedikasyon sa likod nito. ❤️
Sa totoo lang, it’s not just paper and not just ink. Behind every cute printable or handmade product is a whole lot of sipag, gastos at puso.
Hindi namin goal ang manlamang.
Ang goal namin ay magpatuloy sa aming nasimulang negosyo.
Kaya sa bawat order, share, comment at recommendation... maraming salamat. 🙏
Ikaw, ano ang pinaka-napansin mong tumaas ang presyo nitong mga nakaraang buwan? 👇