08/10/2026
🎉 HAPPY 6TH ANNIVERSARY, JV GLASS & ALUMINUM WORKS! 💙🤍
6 years of hard work, pagsisikap, challenges, at blessings. 🙏
Mula sa simpleng simula hanggang sa unti-unting paglaki ng aming team at mga pangarap, hindi naging madali ang journey. Maraming pagsubok, maraming pagod, pero sa bawat project, bawat client, at bawat araw na sama-sama kaming nagtatrabaho, mas lalong nabubuo ang kwento ng JV Glass & Aluminum Works.
💙 Para sa lahat ng naging bahagi ng JV Glass & Aluminum Works—maraming maraming salamat.
Sa mga taong naging parte ng journey namin, sa mga tumulong, nagtiyaga, nagtrabaho nang maayos, at nagbigay ng oras at effort para sa kumpanya—hindi namin makakalimutan ang naging ambag ninyo sa 6 years na ito. Bawat isa ay naging bahagi ng kung nasaan ang JV Glass ngayon. 🙏
At para naman sa mga bagong kasama sa Team JV, WELCOME! 🤝💙
Sana maging maganda ang pagsasama natin, matuto tayo sa isa’t isa, magtulungan, at sabay-sabay nating abutin ang mas malalaking pangarap para sa JV Glass & Aluminum Works.
Hindi man perfect ang bawat araw, basta sama-sama, nagtutulungan, marunong rumespeto, at hindi sumusuko, mas malayo ang mararating natin. 💪
“Commit to the Lord whatever you do, and He will establish your plans.” — Proverbs 16:3
Sa 6 years, maraming nagbago, maraming dumating at may mga taong nagpatuloy sa ibang journey. Pero ang bawat isa ay may naging bahagi sa kwento ng JV Glass & Aluminum Works. 💙
6 years down, marami pang taon ang haharapin.
Mas maraming pang pangarap.
Mas maraming pang projects.
Mas maraming pang tahanan at negosyo ang aming mapaglilingkuran. 🏠🏢
Sa lahat ng clients, supporters, suppliers, team members, at sa bawat taong naniwala sa amin—MARAMING SALAMAT PO! 🙏💙
Happy 6th Anniversary, JV Glass & Aluminum Works! 🎊
6 YEARS STRONG — AT SIMULA PA LANG! 💙🤍
📍 Purok 6, National Road, Brgy. Bolbok, Batangas City
📞 0905 9245 862
📧 [email protected]