29/09/2025
Thank you CAFAD - Student Council. 😍
𝐒𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐤𝐥𝐚𝐛 𝐧𝐠 𝐒𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚, 𝐊𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐩𝐨𝐲 🔥
Nag-aalab ang simula, nagkakaisa ang lahat ng Cafadeño.
Sa bawat pintig ng tambol, bawat guhit ng disenyo, bawat halakhak sa pasilyo — sumiklab ang 𝗔𝗟𝗔𝗕 𝟮𝟬𝟮𝟱 bilang isang masiglang pagdiriwang ng bagong yugto ng pagkatuto.
Taos-pusong pasasalamat sa mga kaagapay naming apoy:
Nano Print Alangilan
Pulido - Digital Prints
RAPG Art Supplies
Vertex Prints Alangilan
BrightHub Study Lounge & Co-working Space
Arkiteknik
Azereth Fried Noodle House
ALDZZ Shawarma
Mango
Kayo ang kulay sa aming canvas, ang init sa aming mesa, ang lakas sa aming hakbang.
Hindi lang kayo naging sponsor — kayo ang naging sinag sa aming paglalakbay.
Sa inyong ambag, naging tahanan ang ALAB para sa mga Cafadeñong sabik muling matuto, maglikha, at mag-alab.
Hanggang sa susunod na pag-aalab —
Sama-sama tayong lilikha ng mundong mas makatao, mas makulay, at mas buhay.
Likhang diwa ni Nicole Charisse Catorce
Sa panunulat ni Louise Obias