Opportunity for Filipino Workers

Opportunity for Filipino Workers Tulungan ang mga kapwa natin ofw n mkapag invest at mkpag negosyo ng tama pra mtulungan din ang knilang pamilya..

 Ang pagod, puyat at pagtitiis sa aming trabho ay kayang kaya naming mga OFW dahil katumbas naman nito ay ang sahod na a...
25/06/2019


Ang pagod, puyat at pagtitiis sa aming trabho ay kayang kaya naming mga OFW dahil katumbas naman nito ay ang sahod na aming natatanggap buwan-buwan. Kayang kaya namin lahat iyan.
Pero alam niyo kung ano ang mas mahirap? Yung pangungulila at lungkot nang malayo sa pamilya. Karamihan pa sa mga OFW hindi na nasubaybayan ang paglaki ng mga anak. Kahit araw2 mo silang nakakausap at nakikita sa internet, iba pa rin ang hands-on na pag-aaruga ng magulang 😢

29/01/2019
11/01/2019

Ang lungkot nang buhay abroad subra.
✅Minsan nasisisi ka sa bagay na indi mo ginawa
✅Kahit naiirapan kana tuloy parin sa work
✅Nagkakasakit kana work paren
✅Kunting paingalang tatawagin ka nanaman
✅Kahit kumakain ka tinatawag ka parin
✅Pero ag masakit sa buhay nang abroad at ang pagbalik mo nang pinas na wala ka man lang nakitaan sa pinag irapan mo.

Kaya bakit mo sasayangin ag isang bagay na pinag iirapan mo. Bigay doon Bigay dito Gastu doon Gasto dito.indi naiisip na pag ikaw ag may porblima tintakbuan ka at iniiwasan. Kaya abang maaga pa magsimola kana at wag mag isip isip nang kung anu anung dahilan dahil I to pra di sa kinabukasan mo.

Aayaan mo pa bang pabaliklik ka sa buhay abroad na pagud lang ag napapala mo pero ag pera mo naoobus sa pangsiaping.

Indi masamang ibigay ag laat sa family pero isipin mo namn ung sayu😉😉😉

Bago mag busy busyhan  greet ko muna ang lahat Ng happy happy new year kabayan...Sanay maging good luck SA atin ang taon...
31/12/2018

Bago mag busy busyhan greet ko muna ang lahat Ng happy happy new year kabayan...
Sanay maging good luck SA atin ang taong eto
God bless po sa lahat ..

Ang tunay na bayani ay wala sa Pinas kundi nasa abroad, nagpapaalipin sa ibang lahi para sa pamilya Saludo po ako sa lah...
27/11/2018

Ang tunay na bayani ay wala sa Pinas kundi nasa abroad, nagpapaalipin sa ibang lahi para sa pamilya

Saludo po ako sa lahat ng OFW sa buong mundo

Share and Like this post kung OFW ka...

 GUTOM, pagod, puyat homesick at lungkot ito yun mga kadalasan nararanasan ng isang OFW ...           Hindi mo man amini...
01/10/2018



GUTOM, pagod, puyat homesick at lungkot ito yun mga kadalasan nararanasan ng isang OFW ...
Hindi mo man aminin ay sadyang napakahirap maging ganito...kaya marami sa atin nagtitiis ok lang mahirapan basta para sa pamilya....kaya saludo po ako sa inyo kapwa ko ofw na tulad nito....
Ang buhay ng ofw ay hindi biro, isang mahirap na desisiyon ang mapalayo sa pamilya para maitaguyod ang mga mahal sa buhay.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil sa mga sakripisyong ginawa mo ngayun wag mong hayaan mabaliwala yan pg katapos nang contrata mo dahil wala ring ipon at kong may ipon man kunti lang at alam po natin pag ofw umuwi sa pinas palabas lahat pera natin dahil akala nila marami tayong baon, mapipilitan ka ulit bumalik sa pagiging ofw sa ibang bansa kaya habang nandito pa tayo sabayan mo ko sa ginagawa kong negusyo para pareho tayong maka for good😊dahil ofw din po ako dito sa bansang kuwait alam ko gano kahirap maging katulong at malayo sa pamilya😉alam ko may pangarap ka wala pong imposible pag malaki tiwala mo sa sarili mo dahil sa panahon ngayun dina talaga kasya isang source of income lang kaya tara usap tayo pm mo ako kabayan magtulungan tayo😍😍

NAIYAK AKO SOBRA!!💔😭🙏ANG SINUNGALING NA INA😢KWENTONG PUNONG-PUNO NG ARALBASAHIN:Ang kuwento ay nagsimula noong bata pa a...
24/07/2018

NAIYAK AKO SOBRA!!💔😭🙏
ANG SINUNGALING NA INA😢
KWENTONG PUNONG-PUNO NG ARAL
BASAHIN:
Ang kuwento ay nagsimula noong bata pa ako; Ako ay isang anak ng isang maralitang pamilya. Wala kaming sapat na pagkain. Kapag oras na ng pagkain, madalas na binibigyan ako ng nanay ng kanyang bahagi ng kanin. Habang nilalagay niya ang kanyang kanin sa aking mangkok, sasabihin niya "Kainin mo na ito anak, hindi pa naman ako gutom."
Iyon ang Unang Kasinungalingan ni Nanay.
Nang lumaki na ako, ang nanay tuwing may bakanteng oras ay umaalis upang mangisda sa isang ilog na malapit sa aming bahay, umaasa siya na sa isda na mahuli niya ay mabigyan niya ako ng kaunting masustansyang pagkain. Pagkatapos ng pangingisda, magluluto siya ng ilang sariwang sinabawang isda, na nagpapataas ng gana ko. Habang kumakain ako ng sinabawang isda, ang nanay ay umupo sa tabi ko at kumain ng natirang laman ng isda na nasa buto pa ng isda na aking kinain. Naawa ako kay nanay nang makita ko iyon. Pagkatapos ay kumuha ako ng kaunti gamit ang tinidor at ibinigay ang natitrang isda sa kanya. Ngunit agad siyang tumanggi at nagsabing "Kainin mo lang yan anak. Hindi ko talaga gusto ang isda."
Iyan ang Ikalawang Kasinungalingan ni Nanay.
Pagkatapos, nang ako ay nasa Junior High School ...... upang pondohan ang aking pag-aaral, ang nanay ay nananahi ng basahan(pot holder) at binibinta sa kanto. Nagbigay ito sa kanya ng kaunting pera upang matustusan ang aming mga pangangailangan. Minsan isang gabe nagising ako mula sa aking pagtulog at tiningnan ko ang aking ina na gising pa rin, nakasindi ang isang maliit na ilaw ng kandila at may pagtitiyaga patuloy siya sa kanyang gawaing pananahi. Sinabi ko, "Nay, matulog ka na, at bukas ng umaga ay kailangan mo pa ring magtrabaho. Sumagot si nanay at sinabi" Magtulog ka na anak. Hindi pa naman ako pagod."
Iyan ang Pangatlong Kasinungalingan ni Nanay.
Nang dumating ang Final Exam sa School. Ang nanay ay humingi ng pahintulot mula sa trabaho upang samahan ako. Habang mainit ang araw, ang nanay ay naghintay para sa akin sa ilalim ng init ng ilang oras. At ng tumunog na ang bell na nagpapahiwatig na ang pangwakas na pagsusulit, si Nanay ay agad na sinalubong ako at nag alok sa akin ang isang tasa ng juice na dinala niya sa isang baso. Nakikita ko ang aking ina na natatakpan ng pawis, kaagad kong binigyan sa kanya ang juice at hiniling sa kanya na uminom din. Sinabi ni Nanay na "Inumin mo lng yan anak, hindi pa naman ako nauuhaw!"
Iyon ang Ikaapat na Kasinungalingan ni Nanay.
Matapos ang pagk**atay ng aking ama dahil sa karamdaman, ang aking nanay ay kailangang sumalo ng kanyang tungkulin at bilang nag-iisang magulang. Kailangan niyang pondohan ang aming mga pangangailangan. Ang buhay ng aming pamilya ay mas naging kumplikado. Walang araw na walang pagdurusa. Nagiging mas masahol pa ang kalagayan ng aming pamilya, at sa tulong ng aking tiyuhin na nakatira malapit sa aming bahay ay tinutulungan kami upang makaraos. Madalas pinayuhan ng aming mga kapitbahay ang aking nanay na mag-asawa muli. Ngunit ang nanay ay matigas ang ulo at binabaliwala lang ang kanilang payo; Sinabi niya "Hindi ko kailangan ang pag-ibig."
Iyan ang ikalimang Kasinungalingan ni Nanay.
Pagkatapos kong matapos ang aking pag-aaral at nakakuha ako ng trabaho, oras na para sa aking matandang ina na magretiro. Ngunit hindi niya gusto; pumupunta siya sa lugar ng pamilihan tuwing umaga, upang magbenta ng ilang gulay upang matustusan ang kanyang mga pangangailangan. Ako na nagtrabaho sa ibang lungsod, ay madalas na magpadala sa kanya ng pera para tulungan siya, sa kanyang mga pangangailangan, ngunit ayaw nya na tatanggapin ang pera. Kung minsan, ipinapadala pa rin niya ang pera sa akin. Sinabi niya "Mayroon akong sapat na pera."
Iyan ang ikaanin na Kasinungalingan ni Nanay.
Matapos makapagtapos sa isang Bachelors Degree, ay patuloy akong kumuha ng Masters Degree. Pinondohan ito ng isang kumpanya sa pamamagitan ng isang scholarship program. Sa wakas ay nakapagtrabaho ako sa kumpanya na may isang malaking suweldo. At dahil diyan ay nilayon kong dalhin ang aking nanay upang tamasahin at maranasan naman nya ang magandang buhay. Ngunit hindi gusto ng aking ina na mag-abala pa ako sa kanya. Sinabi niya sa akin, "Hindi ako sanay diyan."
Iyon ang ikapitong Kasinungalingan ni Nanay.
Sa kanyang katandaan, ang ina ay nagkaroon ng kanser sa tiyan at kailangang maospital. Ako, na nanirahan sa malayo na nasa ibayong dagat ay umuwi sa bahay upang bisitahin ang pinak**amahal kong ina. Nakahiga siya sa kanyang k**a matapos magkaroon ng operasyon. Si nanay na may katandaan na ay nakatingin sa akin na may malalim na pag-iisip. Sinubukan niyang ipakita ang kanyang ngiti sa kanyang mukha ... itoy kapansin-pansin na pinipilit nya lang ipakita. Maliwanag na ang sakit nya ay ang dahilan ng paghina ng kanyang katawan. Talangang makikita mo na siya ay mahinang mahina. Tinitigan ko ang aking ina na may mga luha na dumadaloy. Ang aking puso ay nasaktan, ... nasaktang makita ang aking ina sa kalagayang iyon. Ngunit ang nanay sa kanyang kunting lakas ay sinabing "Huwag kang umiyak mahal ko, wala naman akong nararamdamang sakit."
Iyon ang ikawalo at huling Kasinungalingan ni Nanay. Matapos sabihin ang kanyang ikawalong kasinungalingan, ipinikit na ng aking pinak**ahal na ina ang kanyang mga mata magpakailanman.

- Kung nabasa at nagustuhan mo ay pakisulat lamang ang "AMEN" at ishare kung mahal mu ang iyong kaisa-isang nanay.

Credit to the original owner

Isa akong doktor sa isang pang publikong hospital dito sa Batangas. Doktor na laging pagod sa duty, 48 hours straight an...
05/07/2018

Isa akong doktor sa isang pang publikong hospital dito sa Batangas. Doktor na laging pagod sa duty, 48 hours straight ang duty ko. Walang normal na oras ng pagkain, kakaunti ang tulog, malayo ang biyahe papunta sa trabaho. Sa sobrang dami po ng pasyente, kadalasan ay ako lamang mag-isa ang ang doktor sa buong ospital, Emergency room, ward management, minor surgical, nagpapaanak at tumitingin ng madaming pasyente sa outpatient department. Nakakalungkot dahil nagkakasakit na ako dahil sa trabaho ko. Minsan nga ay sumagi na sa isip ko ang mag-quit.

Ngunit isang araw, nasaksihan ko ang isang milagro. Ang pag "quit" sa trabaho bilang doktor ng gobyerno ay naglaho.
5:40 am kinatok ako ng nurse ko sa aking kwarto dahil may dumating na manganganak. Ang sabi ko sa aking nurse "Sige susunod ako."

"Dra, ngayon na po kase full na po ang pasyente, kanina pa pong nagpupumilit manganak sa bahay alas dos pa daw po kanina,” ang sabi ng nurse.

Sabi ko naman, "Ay baket dinala dito?"

Sagot ng nurse,
"Dra, breech presentation po, balikat po ang nakalabas."

Tumakbo ako sa delivery room. Dahil sa sobrang pagod ay di ko na maiwasang maiyak habang sinasabi ko sa sarili,

"Lord, pagod na pagod na po ako. Wala pa po akong pahinga. Kinakabag na ang tiyan ko dahil hindi pa ako naghahapunan sa dami ng mga pasyente."

Nakita ko ang patient. 20 years old, post term na, 42 weeks, nakaputok na ang panubigan at nakadumi na ang bata sa loob ng tiyan. Mababa na ang fetal heart tones. Tinawagan ko ang hepe ko. Ang sabi, ilipat ko daw ang pasyente sa Batangas Medical Center.

Sabi ko naman,
"Dra, malabo na po baka po dumiretso ng lumabas ang bata. Ang presenting part po ay pwet at hindi balikat."

Sabi niya, tawagan ko daw ang OB namen pero sabi ng OB,

"Dra, malayo pa ako hindi na ko aabot."

Umiri na ng umiri ang patient kaya pinilit kong ako na ang magpaanak. Habang pinapaanak ko ang pasyente, nailabas ko na ang pwet ng bata. Isa-isa kong hinila ang kanyang paa at hita. Nakita kong patay na ang bata...

Pinilit ko na lamang ilabas ang bata. Hanggang mailabas ko na ang ulo na napupuluputan pa ng pusod nito. Habang hawak ko ang baby na maputing-maputi, walang tibok ang puso at hindi na humihinga. Sinabi ko sa ina nito,

“Misis, im sorry! Patay po ang inyong anak,”

Ipinaliwanag kong mabuti sa ina ang dahilan ng unsuccessful delivery. Patuloy ang kanyang pag iyak. At patuloy din ang aking pag-iyak. Bilang duktor ay napakahirap ding tanggapin ng nangyayari. Sa mga oras na yun ay tila gusto ko pang humiling ng isang himala. Gusto kong muling mabuhay ang bata. Kaya nagdasal ako sa Lord.

"Lord, matagal na akong nagdadasal sayo. Pag hindi na po nabuhay ang batang ito magre-resign na po ako. Hindi ko po kayang gampanan ang lahat ng trabaho ko sa hospital na ito,”

Sa loob ng 10 minutes, nag suction ako, nag oxygen, nag CPR sa baby hanggang 15 minutes na wala pa ring nangyayari. Kung mabubuhay man ang baby, may abnormality na kase more than 15 minutes na hindi ko pa rin nare-revive. Sabi ng nurse,

"Dra, tama na po. Wala na po talaga ang baby,"

Ako naman, habang naiyak ay patuloy na nagdadasal.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na unti- unting huminga ang baby. Kumurap ang mga mata, umiyak at diretso nang nabuhay ang bata. Isang milagro ang naging tugon sa aking mga hinaing at katanungan. Nabuhay ang baby.

Kinausap ko ang ina ng bata at ang lola nito na nagdadasal din.

“Nabuhay po ang baby. I prayed to God in Jesus name! Milagro po ang nangyari,” ang sabi ko sa kanila.

Umiyak ang mag ina. Pinangalanan nila ang baby na Maria Teresa.

Minsan, napapagod tayong lahat. Pero natutunan ko na hindi tayo dapat sumuko sa ating pagod at mga problema. Isang rason marahil kung bakit nabigyan kami ng milagro nang oras na yun, "We, never gave up on the baby." Ang aking luha ng lungkot ay naging luha ng kaligayahan. Isang milagro ang pinaniniwalaan kong nangyari! Mapagmahal ang Dyos. Dinadala Niya tayo kung saan tayo nararapat para malampasan ang hirap, lungkot at ang ating pagod. Minsan ang sagot sa pagsubok sa ating buhay ay dasal at walang hanggang pananampalataya sa kanya .. .

- Kung nabasa at nagustuhan mo ay pakisulat lamang ang "AMEN" at ishaaare kung naniniwala ka na ngayon sa milagro ng Panginoon...

(Y) OFW Go Home Projecto

ROLL CALL TAYO MGA KABAYAN!SAANG BANSA KA NGAYON? ILAN TAON KANANG OFW?ipasa at comment mo sa baba(Y) OFW Go Home Projec...
08/06/2018

ROLL CALL TAYO MGA KABAYAN!

SAANG BANSA KA NGAYON?
ILAN TAON KANANG OFW?

ipasa at comment mo sa baba

(Y) OFW Go Home Project

RAMADAN, yung ibang OFW natutuwa dahil konti lang ang oras sa trabaho, PERO KARAMIHAN naghihinagpis dahil ibig sabihin n...
29/05/2018

RAMADAN, yung ibang OFW natutuwa dahil konti lang ang oras sa trabaho, PERO KARAMIHAN naghihinagpis dahil ibig sabihin nito PUYAT, WALANG PAHINGA, MARAMING BISITA, MARAMING GAWAING BAHAY, MARAMING UTOS, MARAMING LUTUIN, MARAMING LILIGPITIN.. Isang buwan na palaging PAGOD.

Ang pagod, puyat at pagtitiis sa aming trabho ay kayang kaya naming mga OFW dahil katumbas naman nito ay ang sahod na aming natatanggap buwan-buwan. Kayang kaya namin lahat iyan.

Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!

May alam akong pwede mong umpisahan na business with low capital and low risk at higit sa lahat, pwede mo gawin kahit part time. ☺
Comment "How"kung interesado ka at ituturo ko sayo kung paano!!

Nilisan natin ang ating bayan upang mangingibang bansa daladala ang mga pangarap para sa kinabukasan ng pamilya... makap...
27/04/2018

Nilisan natin ang ating bayan upang mangingibang bansa daladala ang mga pangarap para sa kinabukasan ng pamilya... makapag paaral ng mga anak, kapatid . Makatulong ng magulang at higit sa lahat makapag ipon.. Tinitiis ang hirap sa trabaho, puyat, pagod, gutom at pangungulila. Para lng mabigyan ng maliwanag na kinabukasan ang mahal sa buhay. Sinusugal natin ang ating sarili hindi natin alam anu ang kinahinatnan natin dito.
May pinapala rin nman meron din sawi.. may umuwing wala ng buhay meron din umuwing talunan..

Kabayan kon meron oportunity man lng lumapit sayo upang makatulong sayo at sa iyong pamilya na para di na panghabang buhay mangingibang bansa ka tatanggapin mo ba..? Wag mahiya mag comments po malay mo dito na masasagot ang matagal mo ng pinangarap para sa sarili mo at sa pamilya mo.. ..

Address

Phillippines
Batangas City
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Opportunity for Filipino Workers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share