19/09/2026
Mga Empleyado ng RTN, Nakiisa sa International Coastal Cleanup
“Clean Seas for Resilient Communities” — ito ang temang bitbit ng aming mga empleyado at mga volunteers mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan bilang pakikiisa sa sama-samang pagkilos para sa mas malinis na karagatan at mas matatag na mga coastal community.
Isinagawa ang coastal cleanup drive sa Sitio Marabahay, Barangay Rio Tuba, Bataraza, kung saan sama-samang nagsagawa ng pangangalap at pag-recover ng mga basurang nakikita sa coastal area. Higit pa sa paglilinis, layunin din ng aktibidad na mapalakas ang kamalayan sa wastong pangangalaga sa karagatan at mahikayat ang bawat isa na maging bahagi ng patuloy na pagkilos para sa malinis at ligtas na coastal communities.
Malinis na dagat, matatag na komunidad. Sama-sama sa pagkilos para sa ating karagatan.