21/01/2026
🔥🎉
Hindi planado 'yung halos buong shift na episodes, nangyari na lang. Wala din namang nagreklamo sa aming apat. Siguro kasi sa bawat once a month na episode, nakakapagod man sa haba ng oras, itong PUB2025 'yung naging totoong pahinga namin. Laging looking forward sa podcast recording para mag overshare ng recent life ganaps, rants, at experience sa games na mga natapos namin.
In this finale episode of Project Ubos Backlogs 2025, ginawan namin ng tier list 'yung lahat ng backlogs na natapos namin.
Maraming salamat kay Norvin John sa pagtanggap sa pansamantalang pag hawak ng manibela nitong PUB (at sa pagtupad ng totoong vision nitong project), kay Tito TJ Ballares (Backlog Na Naman Budolcast) sa pagtanggap ng challenge considering na sobrang daming niyang ganap sa buhay, at kay Dar na nagbigay ng secret sauce para sa pagkumpleto ng silog meal na 'to. Salamat sa commitment at dedication sa project.
Syempre, maraming salamat din sa mga Patreon Subscribers. Ang hirap ng buhay ngayon, minsan hindi ko gets bakit niyo sinusuportahan ang TGS financially through subs. Salamat rin sa Trigon Studios na official partner ng PUB (Ang ganda nung trophies!).
And lastly, salamat sa'yo at sa inyo na sumubaybay sa project na 'to at patuloy na nakikinig/nanonood kahit madalas maraming spoilers at parang recorded catch up/chismisan lang ng barkada 'yung PUB.
Thank you.
True ending sa ComSec!