17/02/2026
Mauubos ang pera mo kung hindi mo alam
kung saan ito napupunta.
Ganun kasimple.
Hindi mo kailangan ng malaking emergency
para ma-zero ka.
Hindi kailangan ng biglaang hospital bill
para magulat ka.
Minsan habit lang.
Kada sahod,
may konting saya.
May konting ginhawa.
Pero ilang araw lang,
parang unti-unting lumiliit ang balance.
Wala namang malaking binili.
Wala namang one-time na malakihang gastos.
Pero naubos.
Bakit?
Kasi hindi mo alam kung saan talaga napunta.
Bills.
Pagkain.
Delivery.
Subscription.
Mga “mura lang naman.”
Mga “deserve ko to.”
Ang problema, hindi gastos ang kalaban mo.
Blind spot ang kalaban mo.
Kapag hindi mo tinitingnan ang pera mo,
natural na mauubos yan.
Maraming tao,
ang inuuna bayaran ang lahat
kuryente, renta, utang, luho
maliban sa sarili nila.
Kaya laging walang ipon.
Isa sa pinakamagandang financial habit
na pwede mong simulan ngayong buwan:
Track your money.
Isulat mo lahat.
Kahit maliit.
Kahit 20 pesos.
Gumamit ka ng notebook
o app sa phone.
I-categorize mo:
needs, wants, utang, ipon.
Pag nakita mo sa papel
kung saan pinakamalaki ang labas ng pera mo,
doon ka magkakaroon ng control.
Hindi mo kailangan maging expert sa finance.
Kailangan mo lang maging aware.
Kasi ang perang hindi mo minomonitor,
hindi mo makokontrol.
At ang hindi mo makontrol,
hindi mo mapapalago.