03/08/2026
TPC MILLIONAIRES CLUB AKO FOR 2 CONSECUTIVE YEARS (2023–2024)
.nasanay ako na kumikita ng malaki dahil kay TPC.🥹 at ang hirap isustain na bumaba na ang kinikita ko monthly. THIS IS REALTALK!
Noong pandemic, napakaganda ng takbo ng TPC. Marami sa aming TPCians ang nakaranas ng income na hindi namin akalaing posible. May mga araw na paggising namin, may pumapasok na agad na 5-digits income sa phone. Yung tipong load all networks lang ang produkto pero umaabot sa 6 digits ang monthly income.
Noong mga panahong iyon, isa ang TPC sa mga pinakaaktibong loading platforms kaya talagang malakas ang negosyo.
Pero gaya ng lahat ng industriya, nagbabago rin ang sitwasyon. Ngayon ay bumalik na sa normal, kaya bumalik na rin sa normal ang load sales. Mula sa milyon-milyong load sales noon, nasa mas makatotohanang volume na tayo ngayon.
𝗕𝗼𝘁𝘁𝗼𝗺𝗹𝗶𝗻𝗲: 𝗕𝗲 𝘀𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗶𝗻𝘃𝗲𝘀𝘁 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗵𝗮𝗿𝗱-𝗲𝗮𝗿𝗻𝗲𝗱 𝗺𝗼𝗻𝗲𝘆 𝘄𝗶𝘀𝗲𝗹𝘆.
Dahil kung may isang bagay na itinuro sa akin si TPC, iyon ay ang kahalagahan ng tamang paghawak ng pera habang maganda ang takbo ng negosyo.
Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makaranas ng 6-digits income. Kaya sa lahat ng natanggap ko noon, wala akong reklamo—puro pasasalamat.
14 years na si TPC (Telepreneur Corp.) 🥹 At sa loob ng 8 years, naging pangunahing kabuhayan ito ng aming pamilya. Nalampasan namin ang maraming pagsubok dahil sa sistemang ibinigay ni TPC (Telepreneur Corp)
"Hindi man pareho ang kita noon at ngayon, habambuhay akong magiging grateful sa oportunidad na minsang nagpabago ng buhay namin. 💙"
Thank You Lord, may TPC kami 😇🙏