01/10/2024
Happy October 1st☺❤
Happy October 1st!
Hello. Sa mga nagtatanong. Yung course po natin is self-paced. Meaning, flexible and walang strict deadline. No need niyong madaliin. Flexible ito sa mga busy talaga pero gusto pa rin matuto at the same time. Kasi magiging useless kung papanoorin niyo ang mga tutorials na hindi stable yung mind niyo, inaantok or pagod kayo. Hindi niyo ma-aabsorb yung learnings na gusto niyong matutunan. Hawak niyo ang schedule nyo dito. Mag set lang kayo ng schedule niyo na kahit this week, maglaan kayo ng ilang oras to watch na feeling niyo peace yung mind niyo.
Kaya wag kayong magsorry kung di pa kayo nakapag start manood kasi okay lang. this course is designed for people exactly just like you. Kaya nga dinisable ko yung posting sa group natin at ginawa kong private para di magulo. As soon as papasok kayo sa group, wala kayong ibang makikita kundi mga tutorials only posted by me. Hindi overwhelming tignan na parang ang dami-daming post ng iba't-ibang members. Kasi alam ko yung feeling na na-didistract ka kasi may ibang nagpopost. At isa pa, yung membership niyo dito is lifetime. Forever niyong pwedeng balik-balikan yung mga video tutorials kung gusto niyo lang naman magrefresh.
I can also provide e-certificates after you finish every guide para pwede niyong magamit to showcase it to your clients that you gained new skills and knowledge. This certificate may not carry the same formal recognition or credibility just like from other accredited institutions, but this can also serve as a token of your achievement. Acknowledges the time and effort you've invest in my course. Magagamit niyo pa rin to if you plan to apply to other online jobs, parang backup lang to prove that you have knowledge and skills sa mga platforms and learnings in relate sa job na papasukin mo.
Part of my course is how to manage your Business Page and kahit yan lang is one qualification na, na need ng mga foreign clients ngayon. Kung magtatanong potential client mo if you have experience in Social Media Management, you can actually showcase your own page and how you gained your followers organically. Plus points na yan sa kanila. Kung hindi lang talaga ako nagkaproblema ngayon sa life ko gaya ng pagkawala ng baby ko. Siguro is marami na akong foreign clients ngayon. Kaso lang takot pa lang talaga ako makipag interview. Takot nga akong makita niyo face ko. Haha! Marami na akong natatanggap ng mga job interview invitations pero ako lang yung hindi sumusulpot kasi nauuna ang takot ko. Trauma from the recent incident.
Pero since ayoko na masayang yung mga natutunan ko and itong mga skills ko. I am sharing this to you at a very affordable rate. May nag PM nga sakin kung bakit ang mura daw ng bigay ko eh ang iba nga jan, focusing on SMM only, naka 1500-3000 na. I don't care. Haha! My course, my rules. P499 for now is enough for me, seeing my coachees learned from me is actually a better earn than actual money. Mas nakaka proud sa feeling that they learned these things from you. They believed in you.
May mga nakikita na ako sa mga coachees ko na inaapply na nila yung mga natutunan nila sakin. May mga sariling brand colors na sila. Ang gaganda tignan. Nakakaproud.
So if you guys want to learn with me, just PM me.
Open pa rin slot ng 30% off natin, still P349. Limited slots nalang. See youuu!
Hehe, gising na pala ako. Grabeng 10hours na sleep yan. Haha!