07/09/2026
Senti mode on. Anniversary fever is real. 🥹🤍
Itong machine namin, sobrang proud kami dito. Anim na taon na mula nang binili namin ito, at hanggang ngayon, ito pa rin ang machine na kasama sa araw-araw na trabaho sa PrintingPark.
Lumang-luma na siya, halos kinakalawang na ang outer parts niya at marami na ring pinagdaanan. Sanay na rin kami sa cycle na may mga parts na nasisira at kailangang palitan— minsan, swerte na kung umabot ng isang taon bago bumigay. Pero kahit ilang beses na siyang nasira, ilang beses na rin namin siyang piniling ayusin kaysa basta sukuan.
Lately, bumigay na naman ang part ng head niya— at ito ang isa sa pinakaimportanteng bahagi para makapag-print siya nang maayos.
At hindi namin maikakaila, nakakalungkot. Kasi naman diba,
ilang linggo, halos buwan na ring tuloy-tuloy ang ulan at mga bagyo, kaya ramdam din ang paghina ng negosyo. Kaya naman nang sabayan pa ng pagkasira ng machine, mapapaisip ka rin talaga. Parang, “Lord, ngayon pa talaga?”
Pero siyempre, para sa amin, walang dumating— at wala pang darating— na problema na hindi namin susubukang malutas. Forever mantra namin ’yan. Hindi ibig sabihin na hindi kami napapagod o hindi nalulungkot, pero natutunan naming hindi manatili sa problema. Huminga, mag-isip, humanap ng paraan, at magpatuloy ulit.
And today, naayos ulit ang machine namin. 🫶🏻
Nag-send si Nap ng update habang ipinapakita niyang okay na ulit ito at nakakapag-print na. Pero ang mas nakakatuwa, random na naunang mai-print pagkatapos maayos ay:
“To God be the Glory!"
Amen, indeed. 🤍
To God be the Highest Honor and Glory!
Hindi man ito malaking bagay para sa iba, pero para sa amin, parang reminder ito ng faithfulness ni God. Kasi I know that God is faithful specially when we are broken, weak, or going through difficulties. At sa bawat pagsubok— maliit man o malaki— laging may dahilan para magpasalamat at mag-Honor Sa Kanya.
Magpasalamat sa lakas ng loob na ibinibigay Niya sa tuwing gusto na nating mapagod at sumuko. At higit sa lahat, magpasalamat dahil sa bawat problemang nalalampasan natin, natututo tayong lumalaban, gumawa ng paraan, at maging matatag.
Atsaka minsan, ang mga bagay na akala nating paghinto ay reminder lang pala para huminga, magtiwala, at magsimula ulit.
At bukas, sakto pa— 7th Year Anniversary na ng PrintingPark. 🥹
Oo, matagal na rin. Malayo na rin ang narating. Pero naniniwala kami na mas tatagal pa at mas malayo-layo pa ang mararating namin.
Hindi naging madali ang pitong taon, at sigurado kaming hindi rin magiging madali ang mga susunod. Pero kung may natutunan kami sa journey na ito, iyon ay hindi kailangang maging perpekto ang lahat para magpatuloy. Kailangan lang magkaroon ng tiwala, sipag, lakas ng loob, at pusong marunong magpasalamat.
Seven years down, and still choosing to keep going.
Happy 7th Anniversary, PrintingPark! 🖨️
Our bread and butter, our humble beginning, our blessing, and a beautiful reminder that sometimes, things break— not to make us stop, but to remind us to trust, rebuild, and begin again. ✨