16/04/2021
TIPS ko lang after nyo ma accept ang booking:
(Credits to the owner of this post)
1. Check the details of SENDER and RECIPIENT.
2. Call the SENDER para malaman kung tama ang info. Minsan kasi hindi exact location ung nakalagay sa booking.
3. After confirmation from SENDER proceed to sender location pero HUWAG MO MUNA ICLICK ANG ON MY WAY TO SENDER lalo na kung COD. Ito ay para makumpirma mo din ung bahay o opisina ng SENDER at macancel pa ni OPERATOR ung booking sakaling fake or scam lang.
4. Pag COD, WAG MUNANG MAG AABONO lalo kung 1000 pataas. Tawagan o itext muna si SENDER na kung pwede ay ipa GCash o ipa bank transfer na lang niya kay RECIPIENT ung bayad sa Parcel.
5. Kung ayaw pumayag ni SENDER na di ka mag abono, pwede mo ipacancel sa OPERATOR mo ang booking. May ibang CUSTOMER kasi tayong naninigurado lang din o kaya ay hindi maalam sa GCash, Paymaya, Bank Transfer, etc.
6. Once naconfirm mo ung Parcel na kaya mo ideliver saka mo pa lang iclick ang ON MY WAY TO SENDER, pero pag malaki at di kaya ng motor mo ideliver, may chance ka para icancel ang booking sa tulong ng iyong OPERATOR.
7. Before ka magproceed sa RECIPIENT, call the number of RECIPIENT or send a message lalo na kapag COD.
8. After mareceive ni RECIPIENT ang Parcel, mag THANK YOU at ITEXT ANG CONTACT NUMBER ng iyong OPERATOR para sa susunod sa OPERATOR mo na siya magbook. Tulong mo na din sa OPERATOR mo.
Sana makatulong.
ALWAYS RIDE SAFELY.
Your SAFETY is ALWAYS the PRIORITY.
GOD BLESS! ๐