01/10/2026
My 5th year with Sun Life. 🫶🏻✨
Hindi naging madali ang maging Sun Life Advisor. Maraming beses akong nagkaroon ng doubts sa sarili ko may magtitiwala kaya sa akin? Tatagal kaya ako sa industriya na ito? Makakatulong ba talaga ako sa mga clients ko?
Araw-araw kong hinaharap ang rejection, seen-zoned messages. May mga pagkakataong nakaka-discourage, pero pinili kong magpatuloy.
Looking back, bawat challenge, rejection, at lesson ay naging bahagi ng aking growth. At sa loob ng limang taon, mas lalo kong naunawaan na ang pagiging Financial Advisor ay hindi lang tungkol sa sales, ito ay tungkol sa pagtulong sa mga pamilyang magkaroon ng mas secure na kinabukasan. 🙏🏻
Kung may isang bagay na natutunan ako sa limang taon na ito, iyon ay ang huwag sumuko sa pangarap na alam kong may purpose.
Hindi ako sumuko. Sinikap kong maging present sa bawat branch meeting at unit meeting dahil alam kong doon ako matututo. Doon ako nakakakuha ng tips, best practices, at mga bagong kaalaman kung paano mas mapagsilbihan ang aking clients. Nakikinig ako sa mga speakers at patuloy na natututo sa mga itinuturo ng aking Unit Manager
Sa lahat ng nagtiwala sa akin, maraming salamat. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban at nagbibigay ng pinakamahusay sa aking trabaho. 🙏🏻🥰
At para sa mga taong may pangarap pero pinanghihinaan ng loob dahil sa rejections at setbacks huwag kang susuko. Minsan, ang breakthrough ay nasa kabilang side lang ng iyong perseverance.
Maraming salamat sa lahat ng aking clients, mentors, UM Lloyd, Kuya Dino, Azaleas family at sa mga taong nagtiwala sa akin. Thank you for being part of my journey.
And by God’s grace, marami pang buhay at pamilyang matutulungan sa mga susunod na taon. 🙏🏻
Cheers to 5 years of growth, purpose, and service. 💛☀️
Servicing 111 valued clients since 2021.
More lives to secure! ☀️
Your Advisor for Life,
Shailene Lou Cañas
Plan with Shai