Kamu-kamo

Kamu-kamo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kamu-kamo, Business service, Sitio cetro camias san miguel bulakan, Bulacan.

27/07/2022
04/10/2020

SAMPUNG DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT PASALAMATAN SI TITSER
-John Kevin T. Garcia

Sampu. Sampung buwan niyang titiisin ang buong ikaw. Ang kadaldalan mo. Ang hindi mo pakikinig. Ang laging pagliban mo sa klase. At ang walang katapusan mong dahilan kung bakit ka lumalagapak sa mga quizzes, activities at performance. Isipin mo, titiisin ka niya lahat ng iyon sa loob ng sampung buwan. Kaya umayos ka!

Siyam. Para silang pusa na animo'y siyam ang buhay. Kahit di kayang pumasok, papasok pa din. Kahit na nilalagnat at inuubo sige pa rin. Tuloy ang laban dahil alam nilang may iilan sa inyong naghihintay at umaasang matututo sa kanila.

Walo. Walong beses siyang magtitiis. Walong beses ka niyang kukulitin na ika'y magpass na ng project upang kahit papaano ay pumasa ka naman. Walong beses ka niyang pagsasabihan na ayusin mo. Pero madalas paaasa ka lang. Pero tiis pa rin. Parang walo, infinite.

Pito. Pitong ulit niyang sasabihin sa'yo na kaya mo. Na hindi hadlang ang pinagdadaanan mo para hindi maabot ang mga pangarap mo. Pitong beses ka niyang tutulungan tumayo upang ika'y magpatuloy. At sa kabila ng mga pagkukulang mo sa kanya, perpekto pa rin ang tingin niya sayo na kaya mo.

Anim. Anim na oras siyang nagsasalita habang nakatayo, samantalang ikaw hindi maawat sa likod sa kakadaldal. Tagaktak ang kanyang pawis dahil sa init ng silid. Tapos kadalasan ay putak lang ang iyong igaganti.

Lima. Limang araw sa bawat linggo'y pinapanalangin ika'y hindi liliban. Ngunit madalas Ang komputeran ang ginawang eskwelahan. Yan na ba ang pinaniniwalaan ng ating pambansang bayani? Na kayo ang pag-asa ng ating bayang naghihinagpis?

Apat. Apat na "quarter" ka niyang aalalayan. Tutulungang humakbang patungo sa magandang kinabukasan. Pag ika'y lumiliban na maraming beses, home visition ang ganapan. Lalakbayin at susuungin ang lahat para ika'y mapuntahan.

Tatlo. Tatlong salitang hindi madalas sabihin. Ngunit ito'y araw araw pinapadama sa iyong damdamin . Sa kabila ng sakit ng ulo, loob, pasakit, hindi pagsunod, pagsagot ng pabalang, ay isang mapaghal na puso na handang umintindi sa kabila ng iyong pagkukulang. Dahil ang tunay na pagmamahal ay hindi lang dinadaan salita, ito rin ay pinapadama.

Dalawa. Pangalawang magulang mo sila. Magulang na handang magmahal para sa kanilang mga anak.

Isa. Isang bayaning maituturing. Isang huwarang karapatdapat tularan. Hagdan na kaagapay ng kinabukasan. Tulay patungo sa pag asa. Isang gurong nagmalasakit upang ika'y matuto sa tunay na laban ng buhay. Isang gurong umagapay. Isang gurong iyong naging kaibigan. At higit sa lahat isang gurong tunay na nagmahal sa'yo na walang inaasahang kapalit. Hindi pa ba sapat ang mga dahilan na iyan upang iyong ibigay ang ISANG matamis at taos pusong pasasalamat para sa kanya?



-credit to the uploader Of the photo

04/10/2020

TIPS PARA SA MGA NAG-MOMODULE 😊

1. Magbasa.
Wag sagot nang sagot mga bata. Magbasa muna po ah. Wag masyado excited sa mga sasagutan. Hindi paunahan ang labanan dito. (Wag masyado magmadali.) I-prepare ang sarili para sa mga sasagutan. Dyan ka kasi sa binabasa mo makakakuha ng sagot.

2. Magsulat.
Kapag tapos ka na magbasa, isulat mo yung mga importanteng details dun sa binasa mo. Para kapag ibinalik mo yung module, meron ka pa ring notes. May babalikan ka.

Kapag may di ka naintindihan, it's time to ask for help. Kung may internet, pwede kay pareng Google. Kung wala, yung mga andyan sa bahay nyo, tanungin mo. Kung wala ka talagang makuhang sagot, ang best option ay kay Teacher, syempre. Sila ang mas nakaka-alam at mas may accurate na explanation sa mga tanong mo. Wag mahihiya magtanong. Be polite sa pagtatanong. Hindi yung apurado ka, remember, hindi lang ikaw ang estudyante ng teacher mo. Okay po?😊☺️

3. Mag-answer.
Ayan. Heto na ang pinakahihintay mo. Pwede ka na mag answer. Pero syempre, hindi naman masama magkamali. Dyan ka kasi matututo. Mas importante na may matutunan ka.
At isa pa, ang answer key tinitingnan kapag tapos ka na mag answer ha.
Hindi yung habang nag aanswer titingnan mo. Sinong niloloko mo po? Diyan kasi makikita kung may natutunan ka nga ba o wala. Puro check nga yang papel, tapos wala ka naman nagets. USELESS. Kaya BE HONEST para matulungan ka ng teacher mo kung kailangan mo ng tulong.♥️🥰

Most important tip: MagPRAY bago magbasa/answer ng module. Ask for knowledge, wisdom and guidance kay Papa GOD. His ways are different from our ways. Mas ok yung gumagawa ka niyan na may peace of mind para chill ka lang. Wag makikipag unahan sa pag answer. Kapag pagod na, magpahinga rin. Sa school nga may recess (favorite 😊) Hindi yung puro ka rant sa social media na pagod na pagod ka na tapos andami mo palang mga posts at share sa fb pero di ka pa nga nakakaabot ng page 5 sa isang subject mo.✌️😁😂

God bless everyone. Sana makatulong sa inyo.
That in all things God may be glorified!



Kung may ipprint kay Kamu KAMO lang pumunta..

01/06/2020
25/05/2020
05/04/2020

QUESTIONS TO KEEP YOUR BRAIN ACTIVE.
No cheating please.
[1] Kung ikaw na si Batman, sino ang bahala sa yo? Give three examples.
[2] Sino ang kumagat sa logo ng Apple, at bakit hindi niya ito inubos?
[3] Kung may UPCAT, bakit walang UPDOG? Elaborate.
[4] Sa produktong Crayola, ano ang pinagkaiba ng yellow green sa green yellow? Explain using logarithmic functions.
[5] Kung ang 1 kg ay may 1000 g, ilang grams naman ang meron sa Instagram? Show your solution.
[6] Kung sa Kasaysayan ng Pilipinas may “”Panahon ng Amerikano, Hapon, Kastila at Pre-Colonial”, kailan naman matatagpuan ang Panahon ng Kopong-kopong? Ilahad ang mga mahalagang pangyayari at magpakita ng archaeological evidences.
[7] If men are from Mars and women are from Venus, bakit sila nagpunta sa Earth?
[8] Should you give up or should you just keep chasing pavements? Expound.
[9] Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sa kanya? Explain.
[10] Masasabi mo bang fair ang Ms. Universe kung lahat ng contestants at judges ay galing sa Earth? Explain.
[11] Kung walang kamay ang mga ibon, then why do birds suddenly APIR? Ipaliwanag.
[12] Sabi ng iba, napuntahan niya na lahat ng sulok ng mundo. Paano mo masasabi na may “sulok” ang mundo kung Oblate Spheroid naman ang hugis nito? Explain and draw your answer on a 1/4 sheet of graphing paper.
[13] May nalunod na ba sa lalim ng gabi? Kung meron, enumerate.
[14] Bakit ang tawag sa *building* building kung tapos na siya? Justify.
[15] Is this the real life? Or is this just fantasy? EXPLAIN.
[16] Gaano kadalas ang minsan? Enumerate.
[17] How did Adele set fire to the rain? Write the chemical formula.
[18] Kapag ang ipis nahulog sa tubig na may sabon, dudumi ba ang tubig o lilinis ang ipis?
[19]Bakit pababa nang pababa ang ispaghetti? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.
[20] Does the moonlight shine on Paris after the sun goes down?
[21] Kung ang nakatusok na baboy ay barbeque, ang nakatusok na saging ay bananacue, bakit ang kabayo, carousel?
[22] Ilan ang butas sa isang cracker ng skyflakes? Illustrate.
[23] Bakit pag rush hour tsaka mabagal ang daloy ng traffic? Explain your answer using sign language.
[24] Nasaan ang Edge of Glory? Write your final answer in nautical miles.
[25] Ang breakfast ba at dinner, pwedeng ilagay sa lunchbox? Prove your answer."

28/03/2020

May natanggap na ba kayo sa 3 ayuda na ito?
3 ayuda na pala dapat ..pkibasa...
Kamusta na Relief Goods Nyo me nakarating naba sa sinabi ni USEC MALAYA na 3 waves ng Ayuda

1ST WAVE - GALING DAPAT SA BARANGGAY ito po ay maaari nilang kunin sa kanilang QUICK RESPONSE FUND or QRF na sinabi ni
President DU30 ng nilagay nya ang buong LUZON sa ENHANCED QUARANTINE (Question - NATANGGAP MO NA BA ITO?)

2ND WAVE - ITO NAMAN AY MANG GAGALING SA ATING MGA BUTIHING MAYOR eto ay ang Pondong nakalaan pag ang isang Lugar ay nailagay sa STATE OF CALAMITY MEJO MALAKI ITO kumpara Sa QRF ng Baranggay na Dapat agad maibigay sa mga mamamayan BOTANTE MAN O HINDE (Question - NATANGGAP MO NA BA ITO?)

3RD WAVE - ITO AY AYUDANG MANG GAGALING SA ATING PRRSIDENTE ITO AY ANG naipasa sa Kongreso at Senado nitong nakaraan ito ay ang 5K FOOD Assistance at 5k-8k Cash Allowance Depende sa Region Wage Percentage (Question - KELAN ITO MATATANGGAP DAHIL ITO AY ISINASAAYOS NA)

BUKOD SA 3WAVE AY MERON DIN ANG BAWAT DEPARTAMENTO

DOH - PARA SA MGA HEALTH WORKERS 100K PAG NAGKASAKIT AT 1M PAG NAMATAY ANG HEALTH WORKER ng dahil sa COVID 19 BUKOD PA DITO ANG TINATAWAG NA HAZARD PAY

DSWD - ITO AY ANG TINATAWAG NA TUPAD O (Tulong para sa mga Displace Employee) DITO NAMAN PASOK ANG MGA NAGTITINDA SA BANGKETA ,DRIVER NG JEEP TRIKE PADYAK CONSTRUCTION NA WALANG FORMAL EMPLOYER AT YUNG MGA ARAWAN ANG KITA
makakakuha SILA NG RELIEF GOODS AT SILA ANG DAPAT UNAHIN MABIGYAN SILA DIN AY SASAHOD NG MINIMUM WAGE SA LOOB NG 10DAYS SA PAG DIDISINFECT NG KANILANG MGA BAHAY ang kagamitan ay makukuha sa baranggay at CASH KUNG IKAY NASA NCR MGA 5,370 SA LOOB NG( TEN DAYS ONE TIME LANG ITO ) ALAM NYO NA BA ITO TANUNGIN ANG INYONG KAPITAN DAHIL NAGLAAN NA NG 100M ANG GOBYERNO PARA DITO

DOLE - ITO NAMAN AY PARA SA MGA FORMAL NA EMPLEYADO KAYO NA NAAPEKTUHAN NG ECQ makakakuha kayo ng 5k Financial asistance na dapat iapply ng inyong mga employer sa DOLE

RRGION VII LTO DOTR AY Nakinig sa hinaing ng mga tao na pano naman ang mga naka MOTOR kung ANG KOTSE PINAPAYAGAN NG MARAMI paano ang mga maghahatid sa kanilang pamilya papasok dibat MAS SAFE NA ANG KASAMA MO MISMO SA BAHAY ANG MAGHAHATID SAYO AT MAS DELIKADO KUNG SASABAY KA SA PUBLIC.
ITO AY TINUGUNAN NG NG LTO REGION VII AT DOTR NA PWEDE NG MAY ANGKAS SA EXEMPTION NA IIMMEDIATE FAMILY MEMBER LANG ANG PWEDENG IANGKAS

SA MGA MUNICIPALIDAD NA MABAGAL AT TATAMAD TAMAD MAARING I REPORT ITO SA HOTLINE NG DOLE UPANG GOBYERNO NA ANG MAG TAKE OVER KUNG MAPATUNAYANG WALANG GINAGAWA ANG INYONG NASASAKUPAN

STAY HOME BE SAFE DONT HESITATE TO REPORT ANOMALY

GOD BLESS PHILIPPINES🇵🇭

Ctto

copy paste,para malaman ng lahat.
iba na ang may alam.☺️

Address

Sitio Cetro Camias San Miguel Bulakan
Bulacan
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kamu-kamo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share