Anak ng mga apo sa mindanao MPC

Anak ng mga apo sa mindanao MPC cooperative farm,fishing,and business development

02/09/2020
23/07/2020

Dito po tayo magLIKE. Salamat. LIKE LIKE LIKE ----->>>>> Sa PCSO Go Na Tayo

04/08/2019

"Ang tatlong mga bayaning mandirigmang MUSLIM ng ating bansa! At ang pagdating ng mga Kastila at Kristiyanismo sa bansang Pilipinas. Alamin kung paano naging Kristyano ang halos karamihan sa ating mga Pilipino."

Ang Pagdating ng mga Kastila at Kristiyanismo sa Pilipinas nang dumating si Magellan sa Limasawa noong Marso 16, 1521, ang Pilipinas ay isa ng ganap na bansang Muslim (Muslim Country). 144 taon na ang Relihiyong ISLAM sa bansang Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila o ang Kristiyanismo. Isang bansang sumasamba sa nag-iisang tunay na Diyos.

Katotohanang nakatala sa kasaysayan ng bansang Pilipinas na nang dumating si Legaspi (kapalit ng namatay na si Magellan), ang komunidad ng mga Muslim ay ganap ng naitatag sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Cataduanes, Cebu, Samar, Manila, Palawan at Mindanao. Ang tatlong mga tapat at magigiting na mandirigmang Muslim (Mujahideen) na lumaban sa mga Kastila para sa kapayapaan ng bansang Pilipinas at para sa relihiyong ISLAM ay sina RAJAH SULAYMAN ng Amanillah (Manila), DATU LAPU-LAPU ng Subuh (Cebu) at si SULTAN MUHAMMAD DIPATUAN KUDARAT ng Mindanao!

Noong Hunyo 3, 1571 ay naglunsad ang mga Kastila ng isang malaking pakikidigma sa mga Muslim sa Maynila. Ang Maynila noon ay pinamumunuan ni Rajah Sulayman (It's a Muslim name). Buong tapang niyang ipinagtanggol ang Amanillah (Manila) para sa relihiyong ISLAM hanggang sa huling patak ng kanyang dugo sa Bangkusay sa baybay dagat ng Tondo, Manila. Matapos magapi ng mga Kastila si Rajah Sulayman at ang kanyang mga kapanalig ay pinagpapatay ng mga Kastila ang maraming Muslim sa Amanillah (Manila) bata man o matanda. Gayon pa man ang mga Muslim ay matatag at magiting na nagtanggol hanggang sa huling hibla ng kanilang hininga.

Dahil sa mahinang uri ng sandata na taglay ng mga Muslim noon (bolos at sibat) laban sa baril at kanyon ng mga Kastila, sila ay napilitang umatras at lumikas patungong Probinsiya ng Rizal at ang lugar na iyon ay kilala sa ngayon sa tawag na Morong Rizal, at yaong mga lumikas patungo sa gilid ng mga ilog ay tinawag ngayon na Tagalog (taga ilog) gaya ng Cavite, Laguna atbp. Ang mga Muslim sa bayan ng Rizal ay patuloy na nakipaglaban sa mga Kastila at ang lugar na iyon ay kinilala sa ngayon na Binangonan Rizal.

Ang mga Kastila ay nagtatag ng kanilang punong himpilan sa Maynila at ipinagpatuloy ang pagsakop sa Isla naman ng Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa labanan ay napilitang palitan ang Relihiyong ISLAM at ipinayakap ang Relihiyon ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa dulo ng Espada, sila'y ginamitan ng dahas para lamang iwanan ng mga Pilipinong Muslim ang relihiyong ISLAM, pinilit para maging Kristyano sa pagkat papatayin ng mga Kastila ang mga Pilipinong Muslim na hindi magcoconvert sa kanilang relihiyon (Christian). Ngunit ang mga tapat at matatapang na Muslim ay pinili pa ang libingan kaysa palitan ang pagsamba sa nag-iisang tunay na panginoon ang ALLAH.

Ang mga Kastila ay hindi tumigil sa pananakop at hinangad nila na sakupin din pati ang Mindanao ngunit ang mga Muslim dito tulad ng matapang at tapat na Muslim na si Sultan Kudarat at ang mga tribong Iranon, Maranao, Maguindanaon, Tausug, Yakan, Samal, Jama Mapun at Sangil ay buong tapang at buong giting na nagtanggol at hindi pinayagan ang nais ng mga dayuhan na palitan ang kanilang relihiyon o pagiging isang mga MUSLIM. Nagtanggol at nakipaglaban sila noon at patuloy pa ring ipagtatanggol ang relihiyong ISLAM hanggang sa ngayon.

Namayani ang mga Kastila sa bansang Pilipinas sa loob ng may apat na raang taon (400). Napakahabang panahon ng pagpipilit na lipulin ang lahat ng mga Muslim upang mabura nila sa kasaysayan ng Pilipinas ang Relihiyong ISLAM, ngunit sila ay nabigo, hanggang sa ang pamumuno ng mga Kastila ay magwakas noong 1898 nang agawin ng bansang Amerika ang Pilipinas.

Lumasap man ng pansamantalang pagkalupig ang bansang Pilipinas, ang Relihiyong Islam na bigay ng dakilang lumikha ang Allah ay mananatiling nakatayo at matatag na kailanman ay hindi matitinag. Ito ang dahilan kung bakit tinawag na "Balik Islam" ang mga Pilipinong Kristyano kapag sila'y nag Muslim.

ITONG NAKIKITA NYO SA LARAWAN NA TATLONG MGA MANDIRIGMA AY ANG ATING MGA MAGIGITING, TAPAT AT TUNAY NA BAYANI NG ATING BANSA! SILA ANG ATING MATATAPANG NA NINUNONG MUSLIM!

Copied..

Address

Poblacion Buluan, Maguidanao
Buluan
9616

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Anak ng mga apo sa mindanao MPC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share