20/08/2026
‼️ MAHALAGANG PAALALA AT BABALA SA MGA NAGPAPANULO SA GABI ‼️
Nananawagan po kami sa lahat ng nagpapanulo o nag-to-torch fishing sa ating baybayin.
PAKIUSAP: Huwag na huwag po tayong pumasok o lumampas sa mga bato papunta sa kinaroroonan ng ating mga Mangrove at Pagatpat trees.
Napapansin po natin na marami nang maliliit at bagong tubong puno ang NAAPAKAN at NASISIRA dahil sa kawalan ng paningin sa dilim tuwing gabi. Ang lugar na ito ay nakalaan bilang protektadong palakihan at paitlogan ng mga isda, alimango, at hipon. Kapag nasira ang mga batang puno, mawawalan din tayo ng huhulihang isda sa hinaharap.
🚫 STRICTLY PROHIBITED: Bawal ang pagpasok, pangingisda, at pag-ilaw sa loob ng mangrove protection area.
Pakiusap, mangingisda po tayo nang responsable sa tamang lugar lamang at huwag sirain ang ating kalikasan. Ang magpumilit at mahuhuling sumisira sa mga puno ay ire-report na po natin sa Barangay at Municipal Agriculture Office para sa kaukulang aksyon at multa.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon! 🌿🌊