Puhon Wala sa ngiti ang totoong kwento-
Madalas,sa gabing katulad nito.

And maybe today, this is your reminder:You are not late in life.God is simply writing your story differently.
27/05/2026

And maybe today, this is your reminder:

You are not late in life.God is simply writing your story differently.

“Feeling mo nahuhuli ka na sa buhay kasi everyone around you seems to be moving forward already.”

Some are getting married.
Some are building successful careers.
Some are starting families.
Some are reaching dreams you’ve been praying for too.

And meanwhile, you feel stuck, delayed, and pressured by your own timeline.

And honestly, comparison can quietly make people feel like they are failing in life.

But one thing the Bible constantly reminds us is this:

God never rushes His plans.

Joseph waited years before the promise was fulfilled.
David was anointed king long before he sat on the throne.
Abraham waited a long time before receiving God’s promise.

Because sometimes God prepares people privately before blessing them publicly.

So stop measuring your progress using someone else’s story.

Your process is different.Your timing is different.And your journey with God is different too.

“For the vision is yet for an appointed time… though it tarry, wait for it; because it will surely come.” — Habakkuk 2:3

And maybe today, this is your reminder:

You are not late in life.God is simply writing your story differently.

Love and Care,
Mrs. Pammy

19/03/2026

Sa Anino ng Aking Kaalaman

May yabang ang liwanag na hawak ko—
isang apoy na matagal kong inakalang araw.
Pinainit nito ang aking paniniwala,
ngunit unti-unting sinunog
ang mga bahaging dapat sana’y natuto.

Sa bawat pagtanggi kong maituwid,
may bahagi sa akin na tahimik na namamatay—
hindi sa sakit ng pagkakamali,
kundi sa takot na amining ako’y mali.

Ang pagwawasto’y tila patalim sa dilim,
humihiwa sa laman ng aking ilusyon.
At doon, sa pagitan ng kirot at katahimikan,
sumisilip ang katotohanang matagal kong ikinubli.

Sapagkat ang hindi marunong yumuko
ay unti-unting nagiging bato—
matigas, malamig,
at walang kakayahang tumibok.

Ano ang silbi ng talino,
kung ito’y kulungan?
Ano ang halaga ng kaalaman,
kung ako rin ang nakakadena?

Kaya’t sa gabi ng aking pagbasag,
ako’y napapabulong sa kawalan:
“Wasakin Mo ako—
huwag Mo akong hayaang manatiling buo
kung ang kabuuang ito’y kasinungalingan.”

Sapagkat sa pagkawasak ko lamang
maririnig ang tinig na hindi ko mapatahimik—
na ako’y hindi pa tapos likhain,
na ang dilim na kinatatakutan ko
ang siyang pintuan ng aking pagbabago.

18/03/2026

“Iba na ang Laban” (Mas Matindi)

Hindi na ako ang dating ako—
‘yung kumakapit sa galit
na parang iyon lang ang sandata,
‘yung sumisigaw sa mundo
na para bang may makikinig sa pagod kong kaluluwa.

Dati, akala ko lakas ang hindi pagsuko—
na ang tunay na mandirigma
ay ‘yung hindi lumuluhod.
Pero mali—
dahil may mga laban na kahit anong tapang mo,
ikaw pa rin ang dudurog sa sarili mo.

Ngayon—
kapag masakit, hindi na ako sumasabog,
lumuluhod ako.
Hindi para tumakas—
kundi para aminin
na hindi ako Diyos ng sarili kong gulo.

Kapag mas lalong masakit,
mas lalo kong binibitawan—
dahil natutunan ko,
hindi lahat ng hawak mo
dapat mong ipaglaban.
May mga digmaan
na hindi sinasadya para mapanalunan—
kundi para ipasa
sa Mas Malakas kaysa sa’yo.

At oo—
naiiyak pa rin ako,
nasasaktan pa rin ako,
pero hindi na ako nakikipagpatayan
sa laban na matagal nang tapos.
Hindi na ako nagpapanggap na kaya ko lahat—
dahil ang totoo,
yung mga gabing halos hindi na ako makahinga,
doon ko natutunang ang pag-asa
ay hindi sa sarili ko nanggagaling.

Kung hindi ko kaya—
hindi ko na pipilitin.
Hindi kahinaan ang pagsuko—
kung alam mong kanino ka susuko.

At kung makita ako ng dati kong sarili,
baka isipin niyang duwag na ako—
pero hindi niya alam,
mas matapang ang taong
marunong lumuhod
kaysa sa taong pilit na nakatayo
kahit wasak na wasak na.

Kasi ngayon—
pinipili ko na ang laban ko.
At ang iba…
pinipili kong ipagkatiwala

18/03/2026

“Trabaho, Edad, at Pakikitungo”

Alam mo ba kung paano magsimula?
Yung unang hakbang mo sa trabaho—
Hindi ‘yan simpleng pagpasok,
Para ‘yang pakikipaglaban
Nang wala ka pang sandata.

Bitbit mo ang diploma, oo—
Pero sa totoong mundo,
Hindi sapat ang papel
Kung ang kalaban mo
Ay duda sa sarili mo.

“Ang bagal mo…”
“Hindi ka ba marunong?”
“Ganito lang ‘yan, di mo pa magawa?”
Mga salitang hindi lang dumaan sa tenga—
Kundi dumiretso sa puso,
At doon… nanirahan.

Unti-unti kang kinain ng tanong—
“Sapat ba ako?”
“O isa lang akong pagkakamaling nagkataong natanggap?”
Pero hindi ka sumuko.
Kahit bawat araw parang paulit-ulit kang binabasag,
Binuo mo ulit ang sarili mo—
Tahimik.

Walang palakpakan.
Walang nakapansin.
Habang ang iba nagpapahinga,
Ikaw—lumalaban pa rin,
Kahit pagod ka na,
Kahit ubos ka na.

At habang tumatagal…
Napansin mo—
Hindi lang trabaho ang nagpapagod sa’yo,
Kundi mga taong akala mo kakampi mo.
Yung ngiting may kasamang panlalamang,
Yung tulong na may kapalit,
Yung respeto—
Na ibinibigay lang kapag may pakinabang ka.
Doon ka natutong tumahimik,
Hindi dahil wala kang sasabihin—
Kundi dahil pinili mong ‘wag nang lumaban
Sa laban na hindi mo naman dapat sinimulan.

At habang nadadagdagan ang edad mo,
Mas lalong luminaw ang katotohanan—
Hindi lahat ng matagal, magaling.
Hindi lahat ng mataas, marangal.
At hindi lahat ng mabait sa harap mo,
Totoo sa likod mo.

Pero alam mo kung ano ang mas matindi?
Sa kabila ng lahat—
Pinili mong maging mabuti.
Pinili mong umintindi
Kahit ikaw ang hindi maintindihan.
Pinili mong rumespeto
Kahit minamaliit ka na.
Pinili mong magpatuloy—
Kahit walang kasiguraduhan kung saan ka dadalhin.

Kaya kung pagod ka na,
Kung pakiramdam mo wala kang nararating—
Tingnan mo kung sino ka ngayon.
Hindi ka na yung taong takot magsimula.
Hindi ka na yung taong madaling masaktan.

Ikaw na yung taong—
Kahit sugatan,
Kahit pagod,
Kahit tahimik—
Lumaban.
At patuloy na lumalaban.

Dahil sa mundong puno ng kompetisyon at pagkukunwari,
Ang manatiling totoo—
Iyon ang pinakamahirap…
At iyon ang pinaka-matapang😍

Tayo pa rin 🩷
01/12/2025

Tayo pa rin 🩷

Tayo pa rin naman ‘yung mga batang sabik makatanggap ng regalo tuwing pasko.

Tayo pa rin ‘yung mga batang namamangha sa bawat bituin sa langit, tumakbo sa ulan, hindi napapagod sa laro, at nagtatago sa ilalim ng kumot para sa mga kwentong nakakatakot.

Tayo pa rin ang mga batang natatawa sa pinakamababaw na bagay, at umiiyak kapag nasaktan kahit kaunti lang.

Tayo pa rin ang mga batang ‘yon—binago lang talaga tayo ng mga responsibilidad at obligasyon.

—AdyWrites

16/11/2025

SHOUT OUT TO ALL TEACHERS‼️
I have read this and sharing for awareness ....
Mental health matters...😍

I felt so sad about what I experienced in the jeep tonight. I sat next to a teacher (I based her identity on her uniform, bags and on the story I am about to tell you).

At first I did not pay much attention to what she was nagging about. I thought she was talking to someone on the phone. I wasn’t looking at her, but I could hear her clearly; obviously because she was sitting next to me and she was talking loudly. As I listened, I noticed the shifts of her statements. She’s been talking from one topic to another without connections.

There I tried to glance at a mirror in front of me to check if she was really talking to someone on the phone. But to my surprise, SHE WAS NOT!

That was when I paid more attention to her. At first, I felt unsecured of what she might do next, thinking that she might hurt me or anyone else inside the jeep. Her volume wasn’t normal. She went humming; then talked so loud that got everybody’s attention.

I listened more intently. She’s been mentioning about payment of bills, phone lines, mga nagbalak na mangutang sa kanya na hindi nya pinautang dahil wala din daw siya pera, yung okay na siya sa sahod na 21, talking about marriage, kalandian ng mga babae kakilala nya, mga sakunang nagaganap sa Pilipinas, prayer, kandila, comparing situations before and today, talking about 199 na presyo with matching turo sa labas ng bintana, Jesus Christ, presyo ng folder na hindi nya naman daw nakita, nakikipagtalo siya sa mga students, parents, 5:41 am pa lang daw nakaIN na siya, nagtatrabaho daw siya para sa kapatid nya and many more... she was talking all by herself. but what caught my attention was her statement “pag ganyan madeDEPRESS ka talaga”. 😔She lost her sanity.

It pained me to listen to her sentiments. I felt so bad for her. Kaya I ENCOURAGE all the TEACHERS out there to find someone to talk to and open all your hurts about your work. Not all understand how hard it is to become a teacher. We battle everyday to educate and discipline our students, but we do not get all the appreciations and commendations. Sometimes, we are seen as an enemy by our students and sadly also by some parents. So teachers, as we fight in this profession, let us not forget to keep our health as our main priority; keep our emotions and systems stable.

We will lose the battle if we lose ourselves. Please prioritize your mental health. Let's pray for one another. 😞 🙏

CTTO MAM MONALISA L MANGADLAO

16/11/2025
16/11/2025
25/10/2025

Gusto ko sanang ikuwento ang mga alimpuyong paulit-ulit na umiikot dito sa isipan ko.
Binalak ko sanang ibahagi itong bigat ng mga bagyong nananalasa sa aking puso,
Kung hindi lang ako pinangunahan ng mga salitang "ang drama mo naman"—
Kaya, huwag na lang.

Nais ko sanang sabihing pagod na ako.
Naghahangad sana ako ng balikat na masasandalan at ng kausap.
Kung hindi lang humadlang ang mga salitang "ang arte mo naman"—
Kaya, huwag na lang.

Ibig ko sanang magpakatotoong naiisip ko na ang sumuko,
Na itong ngiti sa aking labi ay hindi naman totoo,
Kung hindi lang humarang ang mga salitang "para iyon lang"—
Kaya, huwag na lang.

Aaminin ko na sanang hindi ko na kaya,
Na nawawalan na ako ng gana at dahilan para umusad,
Kung hindi lang ako hinusgahan ng mga salitang "ang hina mo naman—
Kaya, huwag na lang.

Madalas, mas mabuti pa ang manahimik na lang,
Kaysa ipaunawa ang mga salitang hindi naman nila gustong unawain at pakinggan.
Hindi pa kase nila naranasan—
Kaya, huwag na lang.

Ika-22 ng Hulyo 2022

25/10/2025

THIS IS A WAKE-UP CALL TO EVERYONE.

Someone lost their life — not because they were weak, but because they carried too much pain alone. Because the weight of past trauma, bully*ng, and words that cut too deep became unbearable. 💔

And it breaks my heart to think that maybe… someone around us right now feels the same — smiling in front of everyone, but silently screaming inside.

Please, let’s do better. Let’s be kinder. Let’s stop using words as weapons. You’ll never know how heavy someone’s heart is until it’s too late.

Check on your friends.
Check on your siblings.
Check on your loved ones.
Ask them how they really are — and mean it. Let them know your ears and your heart are open for them, no matter what. Sometimes, being there is more powerful than any advice you could give.

We don’t lose anything by being kind, but we could save someone just by showing a little more love and empathy.

Mental health matters — more than opinions, or pride.
Let’s spread kindness, not hate.
Let’s be the reason someone decides to stay. ❤️ 🕊️

‎ ‎

Address

Butuan City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Puhon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share