25/03/2025
Sa Kinakaharap na Crisis Ngayon, Gaano Kaya Katibay Ang Iyong Financial Foundation?
Tulad ng ng tinitirahan nating bahay dapat ito ay sigurado at nananatiling matibay na nakatindig parin sa pagdating ng mga Krisis sa buhay.
Dapat itong binubuo ng Tama, Matibay simula sa Ibaba Pataas.
Narito ang tamang pagkasunod sunod:
1. Healthcare - Ito dapat ang umpisahan, dahil isang sakit lang pwede maubos ang lahat ng naipon, Kung sa ngayon meron ka galing sa kumpanya, dapat alam mo na di mo na yan magagamit kung ikaw ay nagretiro na kung saan may edad ka na , higit mo na itong kailangan dahil posible ka madalas na magkasakit, kung kaya't dapat ito'y long term.
2. Income Protection (Insurance) - Kung sa di inaasahang bagay mawala ang bread winner, paano na kaya ang pamilya? makakapagaral pa kaya ang mga anak at makakapagsimula pa ba ang pamilya sa kanilang buhay?
3. Eliminate Debts - Ang utang ang pinakamalakas sumira ng pundasyon, Kung mas marami at mas malaki ang intrest ng utang kumpara sa mga Investments, hindi talaga makakaipon.
4. Emergency Funds - Sa Pilipinas napakaraming Emergency pero walang Fund, Hindi talaga maiiwasan ang mga biglaang pangangailangan, kung walang emergency fund, ang siguradong solusyon at takbuhan ay pangungutang.Ito ang matiding nararanasan ngayon ng karamihan lalo na kung kumukita pa lang ng active income malamang no work no pay ngayon ang kalagayan, malamang sa panahon ngayon ay tiyak na mahihirapan kung walang Emergency Fund.
5. Investments- ito ang tuktok, dapat ito ay nakalaan para sa ibat ibang important Goal mo sa buhay at ito'y higit na lalago kung tuloy tuloy at hahayaang long term. dahil pwede kang malugi kung kukuhain mo kaagad para gamitin sa emergency at kung sakaling may magkasakit, kung bago pa lang sigurado na hindi pa siya kumikita.
Sa panahon ngayaon na napakababa ng Stock Market at naka-sale ang mga shares, ngayon ay opportunity para bumili dahil siguradong mura at maraming shares na mabibili.
Kumusta na Financial Foundation mo? Strong ba o Weak kung sa kinakaharap natin ngayong Crisis?
Start now with your Kaiser Longterm Healthcare.
©