16/10/2026
ISANG PAGPAPALA, ISANG BONUS, AT ISANG MAS MALAKING LAYUNIN. ❤️🙏
Para sa akin, ang earnings na nakikita natin sa dashboard ng Bacanay Prints ay isang pagpapala mula sa Panginoon. Naniniwala po ako na isa rin ito sa mga paraan ni Lord upang madagdagan ang ating source of income habang patuloy nating isinasabuhay ang purpose na ipinagkatiwala Niya sa atin.
Ang pangunahing dahilan kung bakit ako gumagawa at nagbabahagi ng content ay para makapag-encourage, makapag-inspire, at makapag-motivate ng mga tao saan mang panig ng mundo makarating ang ating mga videos. Ang earnings ay bonus lamang, at kung patuloy pa itong lalago, magiging malaking biyaya rin po ito para sa aming pamilya, sa mga elders na wala ng kakayahang maghanap buhay, sa mga balo at ulilang tulad namin at ganun din sa church. ❤️
Hindi ko po ito ibinabahagi para magyabang, kundi para magpasalamat sa Panginoon at sa lahat ng sumusuporta, lalo na sa mga patuloy na nanonood ng ating mga videos, nagrereact at nagkocomment.
Ang hangarin ko po ay kahit isang buhay lang ang maantig at ma-inspire, na siya namang maging instrumento upang maabot at ma-inspire pa ang iba, hanggang sa mas marami ang makakilala at mapalapit sa Panginoon.
Dahil para sa akin, higit sa anumang earnings, ang pinakamahalaga ay ang buhay na ating nahahawakan at ang kaluwalhatiang naibabalik natin sa Diyos. 🙏
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa Bacanay Prints! ❤️