26/05/2026
TIPS!!!๐๐๐
Freelancer na Subdealer๐
May warranty parin kaya ang aircon unit ko Sir pag sa Freelancer ako bibili? Tanong ng potential client sa akin.
Tara, alamin natin.
Pero bago ang lahat ay alamin muna natin ang patakaran ng mga Brand manufacturer sa nais magbenta ng mga Aircon unit nila.
Kung gusto mong magbenta ng Aircon ay mag a-apply ka bilang Authorized Dealer. Bago ka maging authorized dealer ay magpapasa ka muna nang sangkatutak na mga requirements gaya ng financial statements, at complete government permits at marami pang iba. Ang iba ay kailangan ay may bond ka na nagkakahalaga ng half a million.
Kung hindi mo kaya ang mga requirements as an Authorized Dealer ay pwede ka namang maging Sub-Dealer. Ano ito? Imbes na dumiretso ka sa Brand manufacturer ay sa authorized dealer ka kukuha ng mga units na ibebenta mo. Dito halos wala kang ipapasa na requirements.
Ang mga Freelancer na gusto din magbenta ng unit ay pwede na bumili sa authorized dealer o kaya ay sa Sub-Dealer.
Paano naman kaya ang warranty ni client kung sa freelancer bibili?
Kung si Freelancer ay bibili ng Aircon unit sa Sub-Dealer o Authorized Dealer ay malamang sa malamang ay may verbal agreement na sila regarding sa warranty ng unit mo. Ano ito? Maaring nagkatapos na sila ng usap na kung sakali ay mag claim ka ng warranty ay tutulong ang Sub-Dealer na makuha mo ang warranty sa authorized dealer at ang authorized dealer naman ay pupunta sa brand manufacturer para makuha ang claim mo na warranty.
Kadalasan para magkaroon ng proper documentation ang unit mo ay binibigyan ng start up form ang freelancer. Dito nakasaad lahat ang data ng Aircon at basic information mo. Ang start up na ito ay ibinabalik sa authorized dealer para i-submit naman sa brand manufacturer ng aircon. Sa ganitong proseso safe na ang warranty mo.
Medyo maproseso nga lang ang ganitong senaryo. Dahil pag nag claim ka ng warranty ay kailangan mong iko-ordinate sa freelancer at si freelancer ay makikipag ko-ordinate sa Sub-Dealer o kaya sa Authorized Dealer bago mo ma-claim ang warranty sa Brand manufacturer.
Meron namang freelancer na sya na mismo ang sasagot sa warranty ng unit mo. Ito ay depende na sa mapagkasunduan ninyo.