Life Changing Water Refilling Station

Directions Contact the business

Life Changing Water Refilling Station We do our best to give clean and good quality product and better services. Thank you and God bless ?

29/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 30, 2026

✨MAGPAPATULOY KASAMA NG DIOS
𝑆𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝐴𝑏𝑟𝑎𝑚, “𝐿𝑖𝑠𝑎𝑛𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎...𝑘𝑎𝑚𝑎𝑔-𝑎𝑛𝑎𝑘…𝑎𝑡 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑚𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑎, 𝑎𝑡 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑔𝑎𝑟 𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜” - 𝐺𝑒𝑛𝑒𝑠𝑖𝑠 12:1

📖 Basahin: 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗦𝗜𝗦 𝟭𝟮:𝟭-𝟴
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 20-21; 2 TIMOTEO 4

𝑁𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛, 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝐴𝑏𝑟𝑎𝑚, “𝐿𝑖𝑠𝑎𝑛𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎, 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑔-𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑚𝑜, 𝑎𝑡 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑚𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑎, 𝑎𝑡 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑔𝑎𝑟 𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜.
2 𝐺𝑎𝑔𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑦𝑎𝑔 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑖 𝑚𝑜.
𝑃𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑙𝑎𝑖𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑦𝑎𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛.
𝑆𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑚𝑜, 𝑚𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑙𝑎𝑖𝑛.
3 𝑃𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑙𝑎𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜.
𝑃𝑒𝑟𝑜 𝑖𝑠𝑢𝑠𝑢𝑚𝑝𝑎 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑚𝑝𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜.
𝑆𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑚𝑜, 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑙𝑎𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑢𝑛𝑑𝑜.”
4-5 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑢𝑚𝑎𝑙𝑖𝑠 𝑠𝑖 𝐴𝑏𝑟𝑎𝑚 𝑠𝑎 𝐻𝑎𝑟𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑝𝑢𝑚𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝐶𝑎𝑛𝑎𝑎𝑛, 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎. 𝑁𝑎𝑠𝑎 75 𝑡𝑎𝑜𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑠𝑖 𝐴𝑏𝑟𝑎𝑚. 𝑆𝑢𝑚𝑎𝑚𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔𝑘𝑖𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖 𝐿𝑜𝑡. 𝐾𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑠𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖 𝑆𝑎𝑟𝑎𝑖 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑖-𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑎𝑙𝑖𝑝𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑝𝑜𝑛 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝐻𝑎𝑟𝑎𝑛.
6 𝑃𝑎𝑔𝑑𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝐶𝑎𝑛𝑎𝑎𝑛, 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑠𝑖𝑙𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑛𝑜[𝑎] 𝑛𝑔 𝑀𝑜𝑟𝑒ℎ 𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑆ℎ𝑒𝑘𝑒𝑚. (𝑁𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑎ℎ𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛, 𝑛𝑎𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑝𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝐶𝑎𝑛𝑎𝑛𝑒𝑜). 7 𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠, 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑘𝑎𝑦 𝐴𝑏𝑟𝑎𝑚 𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎, “𝐴𝑛𝑔 𝑙𝑢𝑝𝑎𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑦 𝑖𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑖 𝑚𝑜.” 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑔𝑢𝑚𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑡𝑎𝑟 𝑠𝑖 𝐴𝑏𝑟𝑎𝑚 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.
8 𝑀𝑢𝑙𝑎 𝑟𝑜𝑜𝑛, 𝑙𝑢𝑚𝑖𝑝𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑢𝑛𝑑𝑜𝑘 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑠𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐵𝑒𝑡𝑒𝑙, 𝑎𝑡 𝑑𝑜𝑜𝑛 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑡𝑜𝑙𝑑𝑎, 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑔𝑖𝑡𝑛𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐵𝑒𝑡𝑒𝑙 𝑎𝑡 𝐴𝑖. 𝐴𝑛𝑔 𝐵𝑒𝑡𝑒𝑙 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑙𝑢𝑟𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝐴𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑠𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛. 𝐺𝑢𝑚𝑎𝑤𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑑𝑜𝑜𝑛 𝑠𝑖 𝐴𝑏𝑟𝑎𝑚 𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑡𝑎𝑟 𝑎𝑡 𝑠𝑢𝑚𝑎𝑚𝑏𝑎 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.

👉Ilang araw kami sa bansang Nepal para umakyat ng bundok. Maulan noon kaya mas malamig ang panahon. Naging mas mahirap tuloy na iwanan ang init sa loob ng tinutulyan namin. Sinabi ng aming gabay, “Tara na! ‘Di natin mahihintay na
gumanda ang panahon. ‘Wag kayong mag-alala. Kasama n’yo naman ako.” Malungkot kong hinarap ang hamog at ulan. May saysay pa ba ito; ano pa ang makikita namin? Pero paglipas ng maraming oras, lumiwanag na ang kalangitan at kamangha manghang tanawin ng matatayog na taluktok ang nakita namin.
‘Di namin makikita iyan kung hindi kami tumuloy.

Tulad sa Genesis 12, sinabihan ng Dios si Abram na tumungo sa Canaan, “Lisanin mo ang iyong bansa, ang mga kamag-anak mo, at kahit ang sambahayan ng iyong ama, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo” (T. 1). Tila wala naman siyang kapananabikan noon dahil mahirap ang paglalakbay na ito na dadaan sa lupa ng mga dayuhan kung saan may panganib at paghihirap ang naghihintay. Ito lang ang
mapanghahawakan niya: sasamahan siya ng Dios at gagawing “tanyag na bansa ang lahi [niya]” (T. 2). Kahit ganoon, sinunod niya ang utos ng Dios (T. 4). Maraming taon pa ang lilipas bago tinupad ng Dios ang Kanyang mga pangako.

Minsan, baka bigyan tayo ng Dios ng mahirap na trabaho, paglilingkod, o gawain na para bang walang gantimpala. Pero sa tulong Niya, maaari tayong magtiwala sa Kanya para magsimula nang humakbang. Lagi Siyang nandiyan para samahan tayo.
Makakapagpatuloy tayo dahil kasama natin Siya.
– Leslie Koh

📝Ano’ng pinagagawa sa’yo ng Dios at paano ka makapagpapatuloy?
🙏𝙈𝙖𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝘼𝙢𝙖, 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙜𝙞 𝙠𝙞𝙩𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙝𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙠𝙤 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙣𝙖𝙞𝙨 𝙈𝙤.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

28/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 29, 2026

✨PAG-ASA SA ISANG BAYANI
𝑀𝑎𝑔𝑎𝑙𝑎𝑘 𝑘𝑎𝑦𝑜, 𝑘𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑙𝑢𝑚𝑎𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛. - 1 𝐶𝑟𝑜𝑛𝑖𝑐𝑎 16:10

📖 Basahin: 𝟭 𝗖𝗥𝗢𝗡𝗜𝗖𝗔 𝟭𝟲:𝟭𝟮-𝟮𝟳
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 18-19; 2 TIMOTEO 3

12-13 𝐾𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑖𝑛𝑖𝑙𝑖 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑛𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑖 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑐𝑜𝑏 𝑛𝑎 𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎ℎ𝑎𝑛𝑖𝑛 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎-ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎, 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑖𝑚𝑎𝑙𝑎, 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑎𝑡𝑜𝑙.
14 𝑆𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠,
𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑢𝑛𝑑𝑜.
15 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑘𝑎𝑙𝑖𝑚𝑢𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑢𝑛𝑑𝑢𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑖𝑏𝑢-𝑙𝑖𝑏𝑜𝑛𝑔 ℎ𝑒𝑛𝑒𝑟𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛.
16 𝐴𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑢𝑛𝑑𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑦 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑎𝑦 𝐴𝑏𝑟𝑎ℎ𝑎𝑚,
𝑎𝑡 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑎𝑦 𝐼𝑠𝑎𝑎𝑐.
17 𝐼𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑢𝑛𝑑𝑢𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑘𝑎𝑦 𝐽𝑎𝑐𝑜𝑏,
𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑖𝑡𝑜 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑚𝑎𝑛.
18 𝑆𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑖𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎,
“𝐼𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑢𝑝𝑎𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝐶𝑎𝑛𝑎𝑎𝑛,
𝑖𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑛𝑎 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑛𝑔𝑘𝑎𝑛.”
19 𝑁𝑜𝑜𝑛 𝑖𝑖𝑙𝑎𝑛 𝑝𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠,
𝑎𝑡 𝑚𝑔𝑎 𝑑𝑎𝑦𝑢ℎ𝑎𝑛 𝑝𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑝𝑎𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝐶𝑎𝑛𝑎𝑎𝑛.
20 𝑁𝑎𝑔𝑝𝑎𝑙𝑖𝑝𝑎𝑡-𝑙𝑖𝑝𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎 𝑎𝑡 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎ℎ𝑎𝑟𝑖𝑎𝑛.
21 𝑁𝑔𝑢𝑛𝑖𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑝𝑖𝑛𝑎ℎ𝑖𝑛𝑡𝑢𝑙𝑢𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑛𝑎 𝑎𝑝𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑠𝑖𝑙𝑎.
𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑝𝑟𝑜𝑡𝑒𝑘𝑠𝑦𝑢𝑛𝑎𝑛 𝑠𝑖𝑙𝑎, 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎𝑦 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑎𝑟𝑖 𝑛𝑎 𝑘𝑢𝑚𝑎𝑘𝑎𝑙𝑎𝑏𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎.
22 𝑆𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎,
“𝐻𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑙𝑎𝑤𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑖𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑,
ℎ𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑘𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑟𝑜𝑝𝑒𝑡𝑎.”
23 𝐾𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑡𝑎𝑜 𝑠𝑎 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑢𝑛𝑑𝑜, 𝑢𝑚𝑎𝑤𝑖𝑡 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.
𝐼𝑝𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑙𝑖𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛.
24 𝐼𝑝𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑘𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎-ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎.
25 𝐷𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑑𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑝𝑎𝑡-𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑝𝑢𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛.
𝐷𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑘𝑢𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑔𝑖𝑡 𝑘𝑎𝑦𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑑𝑖𝑜𝑠,
26 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑜𝑠 𝑛𝑔 𝑖𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎 𝑎𝑦 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎𝑚𝑏𝑎ℎ𝑖𝑛,
𝑛𝑔𝑢𝑛𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑢𝑚𝑖𝑘ℎ𝑎 𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡.
27 𝑁𝑎𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑢𝑤𝑎𝑙ℎ𝑎𝑡𝑖𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛;
𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑔𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑛.

👉Sa isang pelikula tungkol sa bayaning lumalaban sa krimen, sinasabing nakikipaglaban siya sa isang problemang walang lunas. Puno na nga ng nakawan at karahasan ang bayan nila, natuklasan niyang marami ring tiwali sa kapulisan, sa husgado, at mga tao sa gobyerno. Makailang beses niyang naisip na sukuan ang bayan at lisanin na ito. Pero naisip ng bida na kailangan ng tao ang pag-asa kaya pinili niyang manatili.

Parang magkatulad ang palabas sa mga nangyayari sa mundo natin. Laganap ang kasamaan. Malimit na ‘di-maaasahan ang mga lingkod-bayan. Buti na lang ‘di iniiwan ng Dios ang mga hinirang Niya kahit pa gaano kadilim ang sitwasyon. Sa isang awit, pinuri ni Haring David ang Dios pagdating ng Kahon ng Kasunduan sa Jerusalem. Hinikayat niya ang mga tao na purihin ang Dios na ‘di-lumilimot sa Kanyang “kasunduan at pangako sa libu-libong henerasyon” (1 Cron. 16:15) at matapat Niyang ginabayan sila patungo sa lupang pangako (T. 18).

Kahit may mga banta ang malalakas na kalabang bansa na nasa paligid at may mga Israelitang nagrereklamo at sumamba sa ibang dios, “hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila” (T. 21). Ginabayan Niya ang mga Israelita sa paglalakbay nila sa
desyerto, at ipinamalas Niya ang Kanyang kapangyarihan, kahanga-hangang gawa, mga himala, at mga paghatol (T. 11-13). Dahil sa pag-ibig ng Dios na walang hanggan (T. 34), may pagasa sa kinabukasan ang mga hinirang Niya. Ganyan pa rin
ngayon. Makakaasa tayo na ‘di Niya tayo iiwan. Mas makapangyarihan Siya sa kahit anumang kasamaan.
– Karen Pimpo

📝Ano ang tila wala nang pag-asa? Paano pa rin kumikilos ang Dios?
🙏𝘼𝙢𝙖 𝙨𝙖 𝙇𝙖𝙣𝙜𝙞𝙩, 𝙗𝙖𝙩𝙞𝙙 𝙠𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙠𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙩𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙣𝙤𝙤𝙣. 𝙏𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙤𝙨 𝙈𝙤 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 ‘𝙙𝙞 𝙆𝙖 𝙡𝙪𝙢𝙞𝙡𝙞𝙢𝙤𝙩 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙠𝙤 𝙈𝙤.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

27/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 28, 2026

✨DAHIL SA DIOS!
𝑇𝑢𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑛’𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑑 𝑎𝑡 𝑝𝑢𝑛𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜. - 𝑆𝑎𝑙𝑚𝑜 86:5

📖 Basahin: 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟴𝟲:𝟭-𝟭𝟮
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 15-17; 2 TIMOTEO 2

𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑑𝑖𝑛𝑔𝑔𝑖𝑛 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑠𝑎𝑔𝑢𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 𝑎𝑘𝑜ʼ𝑦 𝑛𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑟𝑎𝑝 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛.
2 𝐼𝑛𝑔𝑎𝑡𝑎𝑛 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑘𝑜 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑎𝑘𝑜ʼ𝑦 𝑡𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜.
𝐾𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑖𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑖𝑡𝑖𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜.
3 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑚𝑎𝑎𝑤𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜.
4 𝐵𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑔𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑜𝑑, 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛.
5 𝑇𝑢𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑑,
𝑎𝑡 𝑝𝑢𝑛𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜.
6 𝑃𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛, 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.
𝐴𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑢𝑠𝑢𝑚𝑎𝑚𝑜 𝑘𝑜ʼ𝑦 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑛𝑔𝑔𝑖𝑛.
7 𝑇𝑢𝑚𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑜𝑟𝑎𝑠 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑔𝑖𝑝𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑠𝑎𝑔𝑜𝑡 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑘𝑜.
8 𝑊𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑜𝑠 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑡𝑢𝑙𝑎𝑑 𝑛ʼ𝑦𝑜, 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛;
𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑢𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜.
9 𝐴𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑛𝑠𝑎 𝑛𝑎 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑦 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑎𝑡 𝑠𝑎𝑠𝑎𝑚𝑏𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜.
𝑃𝑢𝑝𝑢𝑟𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛,
10 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑦 𝑘𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎-ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎.
𝐾𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔-𝑖𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠.
11 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑖𝑡𝑢𝑟𝑜 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛,
𝑎𝑡 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑑𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑎𝑡𝑎𝑛.
𝐵𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑘𝑜𝑡 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜.
12 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑏𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑛.
𝑃𝑢𝑝𝑢𝑟𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑚𝑎𝑛,

👉Magkadikit ang mga kamay ng anim na taong gulang na si Tiana. Nananalangin siya habang tumitingin sa pintuan at sa mga manonood ng konsyerto sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ama. Kumaway sa kanya ang mga kamag-aral sa kani-kanyang bisita. Kinawayan rin sila ng mga tatay at tatay-tatayan nila. Pero
walang kumaway para kay Tiana. Hinikayat siya ng kanyang g**o na pumunta sa entablado kasama ng choir, pero nanatili lang siya. Bigla, may nagmamadaling pumasok sa pinto. Ito ang tatay niya na kumaway sa kanya at humanap ng mauupuan. Ngumiti ang bata, humagulgol, at nagpunta na sa entablado.

Anuman ang edad natin, nasa atin pa rin ang malambot na pusong-bata na nananabik na makita, marinig, at mahalin. Sa Biblia, inilarawan ni Haring David na kinagigiliwan ng Dios na ipakitang nariyan Siya para sa mga anak Niya. Nanalangin si David na nagtitiwala sa pag-ibig na hindi nakakalimot, hindi nagkukulang, at hindi nang-iiwan. Iyan ang pag-ibig ng Ama natin sa langit. Inamin ng salmista ang pangangailangan niya at nanalangin siya nang may pagtitiwala sa katapatan ng Dios (Salmo 86:1-4). Ipinahayag niya na “napakabuti [ng Dios] at mapagpatawad at puno ng pag-ibig” (T. 5). Inawit ni David, “Tumatawag ako sa inyo sa oras ng kagipitan dahil sinasagot n’yo ako” (T. 7). Inaasahan niya ang Dios dahil napatunayan na Niya ang Kanyang katapatan (tal. 11).

Katulad ni Haring David, makikita natin ang Ama sa langit dahil sa Kanyang pangako. Makakaawit rin tayo ng, “Panginoon kong Dios, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman” (T. 12). Walang katulad ang nag-iisang Dios (tal. 8, 10).
– Xochitl Dixon

📝Paano ka mananalangin nang may pag-asa ngayon?
🙏𝘼𝙢𝙖, 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙄𝙮𝙤 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙄𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙤𝙨.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

26/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 27, 2026

✨KASAGANAAN SA PASASALAMAT
𝐼𝑛𝑖𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑎𝑡 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎… 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑙𝑎𝑦𝑢𝑛𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑏𝑖𝑦𝑎𝑦𝑎 [𝑁𝑖𝑦𝑎]. - 2 𝑇𝑖𝑚𝑜𝑡𝑒𝑜 1:9

📖 Basahin: 𝟮 𝗧𝗜𝗠𝗢𝗧𝗘𝗢 𝟭:𝟭-𝟯; 𝟲-𝟭𝟬
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 12-14; 2 TIMOTEO 1

𝑀𝑢𝑙𝑎 𝑘𝑎𝑦 𝑃𝑎𝑏𝑙𝑜 𝑛𝑎 𝑎𝑝𝑜𝑠𝑡𝑜𝑙 𝑛𝑖 𝐶𝑟𝑖𝑠𝑡𝑜 𝐽𝑒𝑠𝑢𝑠 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑙𝑜𝑜𝑏𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠. 𝑆𝑖𝑛𝑢𝑔𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑖𝑝𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑚𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑦 𝐶𝑟𝑖𝑠𝑡𝑜 𝐽𝑒𝑠𝑢𝑠.

2 𝑇𝑖𝑚𝑜𝑡𝑒𝑜, 𝑚𝑖𝑛𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘:

𝑆𝑢𝑚𝑎𝑖𝑦𝑜 𝑛𝑎𝑤𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑦𝑎𝑦𝑎, 𝑎𝑤𝑎 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑦𝑎𝑝𝑎𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝐴𝑚𝑎 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑦 𝐶𝑟𝑖𝑠𝑡𝑜 𝐽𝑒𝑠𝑢𝑠 𝑛𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛.

3 𝑁𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑛𝑎 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑙𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔𝑘𝑢𝑟𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑖𝑠 𝑛𝑎 𝑘𝑜𝑛𝑠𝑒𝑛𝑠𝑦𝑎, 𝑡𝑢𝑙𝑎𝑑 𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑛𝑖𝑛𝑢𝑛𝑜 𝑘𝑜. 𝑁𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑎𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑎𝑡 𝑔𝑎𝑏𝑖.

6 𝐷𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑑𝑖𝑡𝑜, 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑎𝑎𝑙𝑎𝑙𝑎ℎ𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑙𝑜 𝑘𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠𝑖𝑔𝑎𝑠𝑖𝑔 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑦𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑠𝑎 𝑖𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑛𝑎 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝 𝑚𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑡𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑦. 7 𝑆𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑏𝑖𝑛𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑛𝑔 𝑒𝑠𝑝𝑖𝑟𝑖𝑡𝑢 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑑𝑢𝑤𝑎𝑔𝑎𝑛, 𝑘𝑢𝑛𝑑𝑖 𝑒𝑠𝑝𝑖𝑟𝑖𝑡𝑢 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛, 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔, 𝑎𝑡 𝑑𝑖𝑠𝑖𝑝𝑙𝑖𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖.
8 𝐾𝑎𝑦𝑎 ℎ𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎ℎ𝑖ℎ𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑜𝑡𝑜𝑜 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑜 𝑡𝑢𝑛𝑔𝑘𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎. 𝑆𝑎 ℎ𝑎𝑙𝑖𝑝, 𝑠𝑎 𝑡𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠, 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑏𝑎ℎ𝑎𝑔𝑖 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑟𝑎𝑝 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑀𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎. 9 𝐼𝑛𝑖𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑎𝑡 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎, ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑘𝑢𝑛𝑑𝑖 𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑙𝑎𝑦𝑢𝑛𝑖𝑛 𝑎𝑡 𝑏𝑖𝑦𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑎 𝑖𝑏𝑖𝑛𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑛𝑖 𝐶𝑟𝑖𝑠𝑡𝑜 𝐽𝑒𝑠𝑢𝑠 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑝𝑎 𝑛𝑎𝑔𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑢𝑛𝑑𝑜. 10 𝑁𝑔𝑢𝑛𝑖𝑡 𝑛𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖 𝐶𝑟𝑖𝑠𝑡𝑜 𝐽𝑒𝑠𝑢𝑠 𝑛𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑇𝑎𝑔𝑎𝑝𝑎𝑔𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠. 𝑇𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑀𝑎𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎.

👉Limang buwan pagkatapos pinakulong si Dietrich Bonhoeffer ng mga N**i, pinadalhan niya ng sulat ang kanyang mga magulang noon Setyembre 13, 1943. Humiling siya sa kanila ng mga aklat at papel. Pinasalamatan din niya sila sa kanilang tulong at sinabing, “Kakaibang pakiramdam itong umaasa na lang ako sa
ibang tao, pero kahit papaano, natututo akong maging mapagpasalamat na lagi ko sanang maalala. Sa ordinaryong sitwasyon, hindi natin napapansin na mas marami tayong tinatanggap kaysa sa ibinibigay, at tanging sa pagiging mapagpasalamat lang tayo nagiging masagana.

Sa 2 Timoteo, nagpahayag din si Apostol Pablo ng taos pusong pasasalamat sa mga nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya (1:3-4, 16) habang nakagapos siyang tulad ng isang kriminal (2:9). Hiniling niya kay Timoteo na dalhin “ang mga
aklat ko, lalo na iyong gawa sa balat ng hayop” (4:13). At itinaas niya ang pinakamagandang regalong binigay ng Dios, “Iniligtas at tinawag tayo ng Dios para maging kanya, hindi dahil sa ating mga ginawa kundi ayon sa layunin at biyaya [Niya]” na “nahayag lang...nang dumating si Cristo Jesus” na nagtanggal ng
kapangyarihan sa kamatayan at nagpahayag “sa atin ng buhay na walang hanggan” (T. 9-10). Ang biyayang iyan ang nagbigay ng kapayapaan at layunin sa apostol kahit na nagdurusa siya.

‘Di na nakalaya si Dietrich Bonhoeffer. Pinatay siya noong Abril 9, 1945. Paniwala rin na namatay si Apostol Pablo ‘di katagalan matapos isulat ang 2 Timoteo. Gayunpaman, pareho nilang patototohanan ang kagadahang-loob ng Dios na mas higit pa kaysa sa maibibigay natin sa Kanya.
– Monica La Rose

📝Paano mo naranasan ang malasakit ng iba? Paano ka nabago ng pagiging mapagpasalamat?
🙏𝙈𝙖𝙥𝙖𝙜𝙗𝙞𝙮𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙤𝙨, 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙄𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙞𝙣𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

25/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 26, 2026

✨ALAM NG DIOS ANG PANGALAN MO
𝑇𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑚𝑜, 𝑎𝑡 𝑖𝑘𝑎𝑤 𝑎𝑦 𝑎𝑘𝑖𝑛. - 𝐼𝑠𝑎𝑖𝑎𝑠 43:1

📖 Basahin: 𝗜𝗦𝗔𝗜𝗔𝗦 𝟰𝟯:𝟭-𝟳
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 9-11; 1 TIMOTEO 6

Pero ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong lumikha sa iyo, O Israel: “Huwag kang matakot dahil ililigtas kita. Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin. 2 Kapag dumaan ka sa tubig, akoʼy kasama mo. Kapag tatawid ka ng mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag dumaan ka sa apoy, hindi ka masusunog; at ang liyab nito ay hindi makakapinsala sa iyo. 3 Sapagkat ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal na Dios ng Israel, na iyong Tagapagligtas. Ibibigay ko sa ibang bansa ang Egipto, ang Etiopia, at ang Seba bilang kapalit mo. 4 Ibibigay ko ang ibang mga tao bilang kapalit mo, dahil ikaw ay marangal at mahalaga sa aking paningin, at dahil mahal kita. 5 Huwag kang matatakot dahil kasama mo ako. Titipunin ko ang iyong mga lahi mula sa silangan hanggang sa kanluran. 6 Sasabihin ko sa mga bansa sa hilaga at sa timog na hayaang bumalik sa kanilang lupain ang iyong mga lahi, at hayaang umuwi saan mang sulok ng mundo. 7 Sila ang mga taong aking tinawag. Nilikha ko sila para sa aking karangalan.”

👉Isang magaling na paraan ng pagbebenta ng libro ang gumamit ng pagsusubasta para sa pagkakataong maisama sa paglathala ang pangalan ng mga mambabasa. May mga kasamahan silang nagbayad para mailagay ang pangalan nila para maging tauhan sa susunod na nobela ng isang tanyag na manunulat. Dumaan ang proseso sa bidding kaya nailagay ang pangalan ng mga nanalo rito. Ang lahat ng naipong pera ay ginamit para sa kawanggawa. Kasama ring naipakilala sa marami ang aklat.

Ikinatutuwa ng maraming tao na makita ang kanilang pangalan nakalathalang aklat. Isang paraan iyan para makita nilang “nakikita” sila. Pero makakaasa tayong may Isa na higit na mas mahalaga ang nakakaalam sa ating pangalan at nakakakita
na sa atin.

Noong ipinaalala ni Propeta Isaias sa mga Israelita ang pagibig ng Dios sa kanila, sinabi sa kanila ng Dios, “Tinawag kita sa pangalan mo, at ikaw ay akin” (Isaias 43:1). Ipinapaalala niya sa kanila ang kanilang kasunduan sa Dios na sinimulan sa kanilang
ninunong si Abraham (Tingnan sa Genesis 12:1-3). At kahit na pakiramdam ng mga Israelita na nakalimutan na sila ng Dios, paalalahanan sila ng propeta na batid ng Dios ang kanilang mga pangangailangan at kasama Niya sila (Isaias 43:2-5).

Kagaya nila, kilala rin ng Dios ang lahat ng mga nagtitiwala kay Jesus. Sinabi Niya sa Juan 10:3, “Tinatawag niya ang mga tupa sa kani-kanilang pangalan at inilalabas sa kulungan.” Dahil kilala tayo ng Dios, sundin natin ang Kanyang mga utos sa Biblia. Kilala at minamahal Niya tayo. Nakikita tayo ng Dios at alam Niya ang pangalan mga natin.
– Katara Patton

📝Paano mo ibabalita sa iba na kilala sila ng Dios?
🙏𝙈𝙖𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣𝙜𝙮𝙖𝙧𝙞𝙝𝙖𝙣𝙜 𝘿𝙞𝙤𝙨, 𝙨𝙖𝙡𝙖𝙢𝙖𝙩 𝙥𝙤 𝙙𝙖𝙝𝙞𝙡 𝙠𝙞𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙈𝙤 𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙖𝙠𝙤.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

24/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 25, 2026

✨ANG LARAWAN MO SA DIOS
[𝑁𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎] 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑙𝑢𝑠𝑜𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙. - 𝐸𝑥𝑜𝑑𝑜 2:2

📖 Basahin: 𝗘𝗫𝗢𝗗𝗢 𝟮:𝟭-𝟭𝟬
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 6-8; 1 TIMOTEO 5

𝑀𝑎𝑦 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑖 𝑛𝑖 𝐿𝑒𝑣𝑖 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔-𝑎𝑠𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑛𝑎 𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑖 𝑛𝑖 𝐿𝑒𝑣𝑖. 2 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑔𝑎𝑙, 𝑛𝑎𝑔𝑏𝑢𝑛𝑡𝑖𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖. 𝑁𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑙𝑢𝑠𝑜𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙, 𝑖𝑡𝑖𝑛𝑎𝑔𝑜 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑤𝑎𝑛. 3 𝑃𝑒𝑟𝑜 𝑛𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑚𝑎𝑖𝑡𝑎𝑔𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙, 𝑘𝑢𝑚𝑢ℎ𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑘𝑒𝑡 𝑛𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑠𝑎 ℎ𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑝𝑦𝑟𝑢𝑠 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑛𝑎ℎ𝑖𝑟𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑘𝑖𝑡𝑟𝑎𝑛. 𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠, 𝑖𝑛𝑖𝑙𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑏𝑎𝑠𝑘𝑒𝑡 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑙𝑢𝑡𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑡𝑢𝑏𝑖𝑔 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑎 𝑑𝑎𝑚𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝐼𝑙𝑜𝑔 𝑛𝑔 𝑁𝑖𝑙𝑜. 4 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑑𝑖-𝑘𝑎𝑙𝑎𝑦𝑢𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑡𝑖𝑛𝑔𝑛𝑎𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑦𝑎𝑟𝑖 𝑟𝑖𝑡𝑜.
5 𝑁𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛, 𝑙𝑢𝑚𝑢𝑠𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑛𝑔 𝐹𝑎𝑟𝑎𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝐼𝑙𝑜𝑔 𝑛𝑔 𝑁𝑖𝑙𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑔𝑜. 𝐻𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑙𝑖𝑙𝑖𝑔𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎, 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑢𝑡𝑢𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑔𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑑-𝑙𝑎𝑘𝑎𝑑 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑝𝑎𝑛𝑔. 𝑁𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑘𝑒𝑡 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑎𝑠 𝑛𝑎 𝑑𝑎𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑘𝑢ℎ𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑢𝑡𝑢𝑠𝑎𝑛. 6 𝐵𝑖𝑛𝑢𝑘𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑠𝑘𝑒𝑡 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑦𝑎𝑘 𝑛𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙, 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑎𝑤𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑟𝑖𝑡𝑜. 𝑆𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎, “𝐼𝑠𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝐻𝑒𝑏𝑟𝑒𝑜.”
7 𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠, 𝑙𝑢𝑚𝑎𝑝𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑠𝑎 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔, “𝐺𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑝𝑜 𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑢ℎ𝑎 𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒𝑛𝑔 𝐻𝑒𝑏𝑟𝑒𝑜 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑠𝑢𝑠𝑜 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔-𝑎𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜?”
8 𝑆𝑢𝑚𝑎𝑔𝑜𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎, “𝑆𝑖𝑔𝑒.” 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑢𝑚𝑎𝑙𝑖𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑 𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑛𝑢𝑛𝑡𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑎 𝑎𝑡 𝑑𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎. 9 𝑆𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑎, “𝐷𝑎𝑙ℎ𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑠𝑢𝑠𝑢ℎ𝑖𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛. 𝐴𝑙𝑎𝑔𝑎𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑦𝑎𝑟𝑎𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎.” 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑘𝑖𝑛𝑢ℎ𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙 𝑎𝑡 𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎𝑎𝑛.
10 𝑁𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑢𝑚𝑎𝑘𝑖 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑛𝑔𝑔𝑜𝑙, 𝑑𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎 𝑎𝑡 𝑖𝑡𝑖𝑛𝑢𝑟𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎 𝑏𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘. 𝑃𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑝𝑟𝑖𝑛𝑠𝑒𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑎 𝑛𝑎 𝑀𝑜𝑖𝑠𝑒𝑠, 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎, “𝐾𝑖𝑛𝑢ℎ𝑎 𝑘𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑡𝑢𝑏𝑖𝑔.”

👉Palabas sa telebisyon sa bansang Britanya ang Portrait Artist of the Year. Nagtutunggali diyan ang siyam na bagong pintor sa pagguhit ng larawan ng isang artista nila doon. May apat na oras sila para magpinta. Pinaiiksi lang sa isang oras na palabas. Nakakamanghang makitang unti-unting nabubuo ang mga larawan sa lonang walang sulat sa simula.

Sa Biblia, nasa Genesis ang kuwento ng paggawa ng Dios sa sanlikha, kung saan nilagyan ng Dios ng buhay ang mundo na wala pang laman at anyo, tulad lonang walang sulat. Sa Exodo 2, may kuwento rin ng panimula tungkol sa kapanganakan ni Moises. Parang mahahalintulad dito ang pananalita sa Genesis. Nakita ng nanay ni Moises na “malusog ang sanggol” (Exodo 2:2). Ginamit diyan ang salitang tov sa Hebreo na ang ibig sabihin ay “mabuti.” Ginamit din ang salitang ito sa Genesis
1:25, “Nasiyahan [ang Dios] sa nakita niya.” Nilagay ang sanggol na si Moises sa isang basket at pinalutang ito sa tubig para mailigtas siya. Ginamit din sa kuwento ng ‘arko’ ni Noe sa Genesis ang salitang Hebreo na ginamit para sa ‘basket’ ni
Moises. Nakikita natin diyan na binigyang buhay ng Dios ang larawan ng pinuno ng mga Israelita na mga hinirang Niya.

Paano naman pinipinta ng Dios ang buhay mo? Marahil nagsimula ka sa simpleng pamumuhay. O baka katulad ni Moises, pakiramdam mo hindi sapat ang kakayahan mo para sa mga haharaping gawain (Tingnan sa Exodo 4). Pero dahan dahang nabubuo ang larawan mo na pinipinta ng Dios. “Nilikha tayo ng Dios” at nakikipag-isa tayo kay Jesu-Cristo (Efeso 2:10). Habang pinipinta ng Dios ang larawan mo, makakaasa ka na tov (mabuti) ang binubuo Niya sa blangko mong lona.
– Kenneth Petersen

📝Ano ang itsura ng larawan mo na pinipinta ng Dios?
🙏𝙊 𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝘼𝙢𝙖, 𝙜𝙖𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙧𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙞𝙨 𝙈𝙤.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

23/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 24, 2026

✨TAHIMIK NA KATAPATAN KAY JESUS
𝑀𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑎𝑠𝑖𝑝𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑏𝑖𝑛𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛. - 1 𝐶𝑜𝑟𝑖𝑛𝑡𝑜 15:58

📖 Basahin: 𝟭 𝗖𝗢𝗥𝗜𝗡𝗧𝗢 𝟭𝟱:𝟱𝟭-𝟱𝟴
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 3-5; 1 TIMOTEO 4

51 𝑁𝑔𝑢𝑛𝑖𝑡 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑚𝑎𝑦 𝑠𝑎𝑠𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑖ℎ𝑖𝑚: 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦, 𝑛𝑔𝑢𝑛𝑖𝑡 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑎𝑦 𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛 52 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑔𝑙𝑎𝑝, 𝑠𝑎 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑠𝑎𝑝-𝑚𝑎𝑡𝑎, 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑏𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑢𝑛𝑜𝑔 𝑛𝑔 ℎ𝑢𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑟𝑢𝑚𝑝𝑒𝑡𝑎. 𝐴𝑡 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑢𝑛𝑜𝑔 𝑛𝑔 𝑡𝑟𝑢𝑚𝑝𝑒𝑡𝑎ʼ𝑦 𝑚𝑢𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑎𝑡 𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢𝑙𝑜𝑘. 𝐴𝑡 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑝𝑎 𝑎𝑦 𝑏𝑖𝑏𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛. 53 𝑆𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢𝑙𝑜𝑘 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑎𝑦 𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢𝑙𝑜𝑘 𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦. 54 𝐴𝑡 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢𝑙𝑜𝑘 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑏𝑢𝑏𝑢𝑙𝑜𝑘 𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦, 𝑚𝑎𝑡𝑢𝑡𝑢𝑝𝑎𝑑 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑠𝑢𝑙𝑎𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑎,

“𝑁𝑎𝑙𝑢𝑝𝑖𝑔 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛; 𝑔𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑢𝑚𝑝𝑎𝑦!”
55 “𝑁𝑎𝑠𝑎𝑎𝑛, 𝑂 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛, 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑢𝑚𝑝𝑎𝑦?
𝑁𝑎𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛?”

56 𝑀𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛𝑎𝑛, 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑚𝑎𝑦𝑟𝑜𝑜𝑛𝑔 𝐾𝑎𝑢𝑡𝑢𝑠𝑎𝑛. 57 𝑁𝑔𝑢𝑛𝑖𝑡 𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑏𝑖𝑛𝑖𝑔𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑢𝑚𝑝𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛𝑔 𝐽𝑒𝑠𝑢-𝐶𝑟𝑖𝑠𝑡𝑜. 58 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑔𝑎, 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑖𝑛𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑, 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑡 ℎ𝑢𝑤𝑎𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔ℎ𝑖𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑎𝑛𝑎𝑚𝑝𝑎𝑙𝑎𝑡𝑎𝑦𝑎. 𝑀𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑎𝑠𝑖𝑝𝑎𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑏𝑖𝑛𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑎𝑠𝑎𝑠𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑖ℎ𝑖𝑟𝑎𝑝 𝑛𝑖𝑛𝑦𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎.

👉Sa isang malaking pamantasan, may isang pintor na nagpinta ng sampung larawan ng mga taong nagpapatakbo ng operasyon. Ito ang mga mga naglilinis ng lugar, nag-aayos ng mga sirang gamit, nagtatrabaho sa kantina, at mga security guard. Sinabi ng pintor na si Moore, ipinta niya sila na “nasa posisyon ng kapangyarihan.” Iyon ang gusto niyang ipakita sa iba. Pinarangalan niya ang mga taong kadalasan hindi napapansin pero mahalaga ang ginagawa. Ayon sa isang lider sa pamantasan, naging daan ang mga nakapintang larawan upang gumaling ang mga sugat dulot ng pagkakaiba-iba ng lahi ng mga tao sa paaralan.

Nasasalamin niyan ang puso ng Dios. Habang isinasaalang alang ng mga taga-Corinto ang mga pangako ng Dios, hinimok sila ni Apostol Pablo na “magpakasipag...sa gawaing ibinigay sa inyo ng Panginoon” (1 Corinto 15:58). Dahil sa tagumpay na dulot ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus (T. 57), hindi sayang ang kanilang mga ginagawa para sa Kanya, hayag man ito o hindi. Kung nag-aalinlangan sila o pinanghihinaan ng loob dahil wala silang makitang resulta, nais ng apostol na magkaroon sila ng kaisipang makalangit. Ang pananaw na ito ang magpapatatag sa kanilang ugnayan sa Dios upang maging masipag sila sa paggawa ng mabuti. Nasa kanila ang imahe ni Jesus (T. 49) at hindi sayang ang paglilingkod sa Kanya.

Kung sa pakiramdam natin maliit at hindi napapansin ang paglilingkod natin, sana huwag tayong panghinaan ng loob. Nakikita tayo’t tinutulungan ng Dios sa mga ginagawa natin para sa Kanya. Mahalaga ang pagtatapat kahit hindi napapansin.
– Marvin Williams

📝Paano ka magiging mas matapat sa paglilingkod mo sa Dios?
🙏𝙊 𝘿𝙞𝙤𝙨, 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙬𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙜𝙖𝙜𝙖𝙬𝙖 𝙈𝙤 𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙞𝙣.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

23/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 23, 2026

✨KASAMANG ITINAWID
𝑁𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑎𝑡 𝑢𝑚𝑎𝑤𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑝𝑢𝑟𝑖 𝑠𝑎 [𝐷𝑖𝑜𝑠]. 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑙𝑢𝑙𝑢𝑔𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑎𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑎𝑡 𝑔𝑎𝑏𝑖. - 𝑆𝑎𝑙𝑚𝑜 92:1-2

📖 Basahin: 𝗦𝗔𝗟𝗠𝗢 𝟵𝟮:𝟭-𝟱, 𝟭𝟮-𝟭𝟱
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JEREMIAS 1-2; 1 TIMOTEO 3

𝐾𝑎𝑡𝑎𝑎𝑠-𝑡𝑎𝑎𝑠𝑎𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑛𝑎 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛, 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑏𝑢𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑎𝑡 𝑢𝑚𝑎𝑤𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑝𝑢𝑟𝑖 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜.
2 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑙𝑢𝑙𝑢𝑔𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑎ℎ𝑎𝑦𝑎𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑎𝑡 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑎𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑎𝑡 𝑔𝑎𝑏𝑖,
3 ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑢𝑡𝑢𝑔𝑡𝑜𝑔 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑖𝑛𝑠𝑡𝑟𝑢𝑚𝑒𝑛𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑤𝑒𝑟𝑑𝑎𝑠.
4 𝐷𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑠𝑎𝑦𝑎 𝑛ʼ𝑦𝑜 𝑎𝑘𝑜, 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎-ℎ𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑎𝑤𝑎.
𝐴𝑡 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑑𝑖𝑡𝑜, 𝑎𝑘𝑜ʼ𝑦 𝑢𝑚𝑎𝑎𝑤𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑎.
5 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑘𝑎𝑦 𝑑𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎 𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎.
𝐴𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑖𝑝𝑎𝑛 𝑛ʼ𝑦𝑜ʼ𝑦 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑛𝑎𝑤𝑎𝑖𝑛.

12 𝑈𝑢𝑛𝑙𝑎𝑑 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑎𝑡𝑢𝑤𝑖𝑑 𝑔𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑙𝑚𝑎,
𝑎𝑡 𝑡𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑛𝑜 𝑛𝑔 𝑠𝑒𝑑𝑟𝑜 𝑛𝑎 𝑡𝑢𝑚𝑢𝑡𝑢𝑏𝑜 𝑠𝑎 𝐿𝑒𝑏𝑎𝑛𝑜𝑛.
13 𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑢𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑖𝑛𝑎𝑛𝑖𝑚 𝑠𝑎 𝑡𝑒𝑚𝑝𝑙𝑜 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑛𝑎 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠,
14 𝑙𝑢𝑚𝑎𝑙𝑎𝑔𝑜 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑚𝑢𝑚𝑢𝑛𝑔𝑎 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑎,
𝑏𝑒𝑟𝑑𝑒𝑛𝑔-𝑏𝑒𝑟𝑑𝑒 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑑𝑎ℎ𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑛𝑎𝑛𝑎𝑡𝑖𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔.
15 𝐼𝑝𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛, 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝐵𝑎𝑡𝑜 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑙𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑡𝑢𝑤𝑖𝑑.
𝑆𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎ʼ𝑦 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑢𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑙𝑖𝑘𝑢𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑝𝑢𝑎𝑛.

👉Umabot sa 110 taong gulang si Lillie Cunningham pero ‘di pa rin siya gumagamit ng saklay o walker. Pero patuloy siyang nagbabasa ng Biblia tuwing umaga at gabi at dumadalo rin siya sa pagtitipon ng mga nagtitiwala kay Jesus tuwing Linggo. Ito
ang sinasabi niya tungkol sa kanyang buhay, “Mayroon akong pananampalataya sa Dios na aakayin Niya kami.”

Nagtitiwala at pinupuri ni Ginang Cunningham sa Dios dahil itinawid Niya siya sa kahirapan sa panahon ng giyera, pandemya, at pagpanaw ng kanyang asawa at mga kapatid. Kahawig ng buhay niya ang buhay ng salmista na nagpahayag ng
“pag-ibig at katapatan [ng Dios] araw at gabi” (Salmo 92:1-2). Pinatutunayan ng buhay niya ang mga salita ng salmista, “Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma.... Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating
Dios, lumalago at namumunga kahit matada na, berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag” (T. 12-14). At tulad ng salmista, ipinagpapasalamat niya lahat ng ito sa Dios (T. 15).

Marami tayong matututunan sa halimbawa kay Ginang Cunningham na nabuhay nang mahabang panahon. Tulad niya, mamuhay rin tayo na may pakikipag-isa at pasasalamat sa Dios sa paglalaan ng panahon sa pananalangin, pagbabasa ng Biblia, at pagpupuri sa Dios sa bahay-sambahan (T. 13). ‘Di man tayo mabuhay nang matagal sa mundo, sa pamamagitan ng Dios, maaari tayong manatiling matatag at parang berdeng-berdeng mga dahon (T. 14) habang hinahanda tayo ng Dios para
mabuhay nang walang-hanggan sa piling Niya.
– Alyson Kieda

📝Paano ka inakay at itinawid ng Dios sa panahon ng paghihirap?
🙏𝙊 𝘿𝙞𝙤𝙨, 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙝𝙪𝙢𝙖𝙠𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙡𝙖𝙙 𝙈𝙤 𝙖𝙧𝙖𝙬-𝙖𝙧𝙖𝙬.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

20/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐒𝐏𝐈𝐑𝐈𝐓𝐔𝐖𝐀𝐋
📅 Oktubre 21, 2026

✨BIYAYA SA PIGHATI
𝑆𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 [𝑛𝑖 𝐽𝑜𝑏], “𝐴𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑚𝑢ℎ𝑎 𝑛𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑢𝑟𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛!” - 𝐽𝑜𝑏 1:21

📖 Basahin: 𝗝𝗢𝗕 𝟭:𝟭𝟯-𝟮𝟮
Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 62-64; 1 TIMOTEO 1

13 𝐼𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤, ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑠𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑖 𝐽𝑜𝑏 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑎𝑦, 14 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑖 𝐽𝑜𝑏 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑢ℎ𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑖𝑏𝑖𝑛𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑛𝑖𝑡𝑜, “𝐻𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔-𝑎𝑎𝑟𝑎𝑟𝑜 𝑝𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑘𝑎, 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑠𝑡𝑜𝑙 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑠𝑛𝑜 𝑠𝑎 𝑑𝑖-𝑘𝑎𝑙𝑎𝑦𝑢𝑎𝑛, 15 𝑏𝑖𝑔𝑙𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑆𝑎𝑏𝑒𝑜. 𝐾𝑖𝑛𝑢ℎ𝑎 𝑝𝑜 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 ℎ𝑎𝑦𝑜𝑝 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎. 𝐴𝑘𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑘𝑎𝑠 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑏𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜!”
16 𝐻𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑝𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑢ℎ𝑎𝑛, 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑢ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑖 𝐽𝑜𝑏 𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖, “𝑇𝑖𝑛𝑎𝑚𝑎𝑎𝑛 𝑝𝑜 𝑛𝑔 𝑎𝑝𝑜𝑦 𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑡𝑢𝑝𝑎 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑠𝑡𝑜𝑙 𝑛𝑖𝑡𝑜, 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑠𝑢𝑛𝑜𝑔. 𝐴𝑘𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑏𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜!”
17 𝐻𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑝𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎, 𝑚𝑎𝑦 𝑖𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑏𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎, “𝑆𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑦 𝑝𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑡𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑘𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝐶𝑎𝑙𝑑𝑒𝑜. 𝐾𝑖𝑛𝑢ℎ𝑎 𝑝𝑜 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑒𝑙𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎. 𝐴𝑘𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑘𝑎𝑠 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑏𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜!”
18 𝐻𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑝𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎, 𝑚𝑎𝑦 𝑖𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑏𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎, “𝐻𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑦𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑠𝑎 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑑𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑝𝑎𝑡𝑖𝑑, 19 𝑏𝑖𝑔𝑙𝑎 𝑝𝑜𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑘𝑎𝑠 𝑛𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑤𝑎𝑠𝑎𝑘 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦. 𝑁𝑎𝑏𝑎𝑔𝑠𝑎𝑘𝑎𝑛 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦. 𝐴𝑘𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑏𝑎𝑙𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑛𝑦𝑜!”
20 𝑁𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑖 𝐽𝑜𝑏, 𝑡𝑢𝑚𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑝𝑖𝑛𝑢𝑛𝑖𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑑𝑎𝑑𝑎𝑙𝑎𝑚ℎ𝑎𝑡𝑖. 𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠, 𝑖𝑛𝑎ℎ𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑜𝑘 𝑠𝑎 𝑢𝑙𝑜 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑝𝑎𝑡𝑖𝑟𝑎𝑝𝑎 𝑠𝑎 𝑙𝑢𝑝𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑢𝑚𝑎𝑚𝑏𝑎 𝑠𝑎 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛. 21 𝑆𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎, “𝐼𝑝𝑖𝑛𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎. 𝐴𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑏𝑖𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦𝑟𝑜𝑜𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑎𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑢𝑚𝑢ℎ𝑎 𝑛𝑖𝑡𝑜. 𝑃𝑢𝑟𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑜𝑜𝑛!” 22 𝑆𝑎 𝑘𝑎𝑏𝑖𝑙𝑎 𝑛𝑔 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑟𝑖, ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑖 𝐽𝑜𝑏. 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑖𝑠𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝐷𝑖𝑜𝑠.

👉Nakita ng buong mundo aksidente kung saan bumagsak ang isang helikopter sa ilog. Nakalas ang elise at buntot at bumulusok sa tubig ang piloto at lima pang pasahero ng isang pamilya. Ilang araw pagkatapos niyan, pumunta roon ang isang
lalaking nagluluksa para sa kanyang kapatid na babae, bayaw, at tatlong pamangkin dahil sa trahedyang iyan. Nais niyang kilalanin ang mga mahal niya sa buhay. Sinabi niya, “Magkakasama silang lumisan.”

Sa isang iglap, maaaring magbago ang buhay natin kahit ‘di natin maipaliwanag o maintindahan. Nakasulat sa Biblia ang karanasan ni Job. Isang araw, ibinalita sa kanya na namatay ang kanyang mga tauhan, ninakaw, at namatay ang mga alagang
hayop (Job 1:13-17). Mas malala ang kasunod na balita. Umihip ang malakas na hangin at pinagbagsak ang bahay kung saan naroroon ang kanyang sampung anak. Namatay silang lahat (T. 18-19). Sa tindi ng pagdadalamhati, tumayo si Job, pinunit niya kanyang damit at inahit ang kanyang buhok sa ulo at dumapa siya sa lupa. Sinabi niya, “Ang Panginoon ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang Panginoon din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng Panginoon” (T. 20-21).

‘Di alam ni Job kung bakit siya nagdusa, subalit, pinuri niya ang Dios kahit sa pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay. Kinalaunan, ipinaalala ng Dios kay Job ang Kanyang dakilang karunungan at kapangyarihan kaya nagawang magtiwala ni Job sa kadakilaan ng mga plano ng Dios (Kab. 38-42). Di man natin maunawaan kung bakit nangyari ang trahedya, dalhin natin ang dalamhati sa Dios na umaaliw sa atin.
– Nancy Gavilanes

📝Kailan ka inaliw ng Dios sa gitna ng trahedya?
🙏𝙊 𝘿𝙞𝙤𝙨, 𝙩𝙪𝙡𝙪𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙈𝙤 𝙥𝙤 𝙖𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙞𝙬𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙄𝙮𝙤 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙣𝙖𝙜𝙙𝙪𝙧𝙪𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙤.

Ibahagi sa comments ang iyong pagninilay.
—
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc.®
Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.
© 2025 Our Daily Bread Ministries. Ginamit nang may pahintulot.

Address

Barangay Barerra
Cabanatuan City
3104

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm
Saturday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Life Changing Water Refilling Station posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Life Changing Water Refilling Station:

Shortcuts

Share