01/07/2020
May 10days po ang sky direct to appeal sa CDO issued by the NTC., Lets just calmly wait po for updates baka sakali lang po maayos pa nila.,
As of now pag unawa lang po sa amin bilang dealer at installer ang hiling namin at hindi rin po namin kagustuhan ang nangyari sa sky direct.( hindi rin po kami informed na magsha shutdown ang sky nung 6/30/20, 3hours before shutdown tsaka nalang po nalaman ng mga distrobutors at dealers ng sky na CDO is issued by NTC.
Sa mga newly installed po konting unawa lang po muna at tiis muna ng konting panahon after 10 days at wala pa rin pinagbago. Welcome po kayo sa shop namin at pag usapan natin ang pwedeng gawin.
Sa mga gusto po talagang manuod talaga na old costumers namin. May mga available boxes ng gpinoy cignal at satlite pa naman kaming available. Box (stb) lang po ang papalitan yung dish (antenna/outdoor unit) ay hindi na po kaylangan palitan o i align pa maliban kung SATLITE ang bibilhin nyong box.
Fyi po hindi rin po namin alam kung babalik paba ang sky direct in service o tuluyan ng mapapatigil ng NTC.
Isa pa po may mga stocks pa po kami na skydirect unit. At cards na na stock at wala pa din pong matibay na statement si skydirect kung ito ba ay marerefund pa namin sa kanila..
po ang hiling namin sa aming mga subscriber maisasaayos din po natin to huwag po sana dadalhin ang init ng ulo pag kayo po ay pupunta sa pwesto namin. Inuulit ko po hindi kagustuhan ito.