Bo. Diezmo, Cabuyao, Laguna Phillippines

Bo. Diezmo, Cabuyao, Laguna Phillippines Freelance Hair and Makeupartist

After 2 years and 4 Months Sa wakas dumating din ang Aking National ID salamat po sa napakagwpong kartero namin Godbless...
16/02/2024

After 2 years and 4 Months Sa wakas dumating din ang Aking National ID salamat po sa napakagwpong kartero namin Godbless po

Lunes, Pebrero 14, 2024ANO ANG MIYERKULES NG ABO?Katesismo para sa Panahon ng Kuwaresma Ang Miyerkules ng Abo ang hudyat...
13/02/2024

Lunes, Pebrero 14, 2024
ANO ANG MIYERKULES NG ABO?
Katesismo para sa Panahon ng Kuwaresma

Ang Miyerkules ng Abo ang hudyat ng pagsisimula sa panahon ng Kuwaresma o ang Apatnapung Araw ng Paghahanda para sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa araw na ito, binabasbasan at pinapahiran ang abo sa mga noo ng mga tao. Ang wika ng pari sa bawat isang pinapahiran niya ng abo sa ulo, "Magbagong-buhay ka at sa Mabuting Balita sumampalataya," o kaya, "Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo rin sa wakas ang iyong babalikan."

Matutunghayan natin sa Matandang Tipan na ang abo ay tanda ng pagsisisi at pagbabalik-loob sa Diyos. Noong ipinahayag ni Propeta Jonas sa mga taga-Ninive na gugunawin ang Ninive pagkatapos ng apatnapung araw, ang lahat ng mga taga-Ninive; kahit ang hari ng Ninive, ay nagdamit ng sako, naupo sa abo at nag-ayuno, bilang tanda ng kanilang pagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Dahil sa ginawang pagsisisi at pagbabalik-loob ng mga taga-Ninive, hindi itinuloy ng Diyos ang Kanyang plano na gunawin ang bayan ng Ninive.

Sa pasimula ng Kuwaresma, hinihikayat tayo ng Santa Iglesia na magsisi at magbalik-loob. Katulad ng mga wika ng pari sa atin sa pagpapahid ng abo sa ating mga noo, "Magbagong-buhay ka at sa Mabuting Balita sumampalataya." Tinatawag tayo ng Panginoon na magbagong-buhay. Kinakailangang talikuran natin ang ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya. Ang Diyos ay punung-puno ng awa at habag sa ating lahat. Hinhintay Niya ang ating pagbabalik-loob sa Kanya, katulad ng paghihintay ng ama sa pagbalik ng alibugang anak (Lucas 15, 11-32).

Pinapaalala din sa atin ng Simbahan na pansamantala lamang ang ating buhay dito sa lupa. Sinasabi rin ng pari sa atin sa pagpapahid ng abo sa ating mga noo, "Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo rin sa wakas ang iyong babalikan." Ipinapaalala sa atin na hindi tayo mabubuhay magpakailanman dito sa lupa. Sa mga simpleng salita, ang ibig sabihin noon ay mamamatay din tayong lahat balang araw. Ang buhay natin sa mundo ay isang paglalakbay. Darating din ang araw ng pagtatapos ng ating paglalakbay dito sa lupa.

May ugnayan ang dalawang ito. Tayong lahat ay pinapaalalahanan ng Simbahan na pansamantala lamang ang ating buhay dito sa sanlibutan. Tinatawagan din tayo ng Simbahan na magsisi at magbalik-loob sa Diyos. Habang may panahon pa, pagsisihan natin ang ating mga kasalanan at magbalik-loob tayo sa Diyos. Ang panahon ng Kuwaresma ay banal sapagkat ito ay isang panahon ng pagbabalik-loob. Ngayong panahon ng Kuwaresma, lalung-lalo na sa Miyerkules ng Abo, talikuran natin ang kasamaan at manumbalik tayo sa Diyos. Ang Kuwaresma ay ang panahon ng pagtitika at pagbabalik-loob sa Diyos.

"Lagi po nating pakakatandaan na ang tunay na diwa ng araw na ito ay ang Pag-ibig natin sa ating kapareha, kapamilya, ka...
13/02/2024

"Lagi po nating pakakatandaan na ang tunay na diwa ng araw na ito ay ang Pag-ibig natin sa ating kapareha, kapamilya, kaibigan, maging sa ating sarili, ngunit higit sa lahat, sa Diyos na lumalang sa atin.
Happy Valentine’s Day po!

A Prayer to Our Lady of LourdesEver Immaculate Virgin Mother of Mercy, Health of the sick, refuge of sinners, Comforter ...
11/02/2024

A Prayer to Our Lady of Lourdes

Ever Immaculate Virgin Mother of Mercy, Health of the sick, refuge of sinners, Comforter of the afflicted, you know my wants, my troubles, my sufferings; look with mercy on me. By appearing in the Grotto of Lourdes, you were pleased to make it a privileged sanctuary, whence you dispense your favors; and already many sufferers have obtained the cure for their infirmities, both spiritual and corporal.

I come, therefore, with complete confidence to implore your maternal intercession. Obtain, O loving Mother, the grant of my requests. Through gratitude for your favors, I will endeavor to imitate your virtues, that I may one day share your glory. Amen.

Para po sa pinaka 'D Best Dad in the entire world Pudra Rudy Llanto isang maligayang maligayang kaarawan po ang aking hi...
09/02/2024

Para po sa pinaka 'D Best Dad in the entire world Pudra Rudy Llanto isang maligayang maligayang kaarawan po ang aking hiling at dalanggim sa ating poong maykapal ay bigyan at biyayaan pakayu ng mahaba pang buhay kyo ni mama ilayo sa sakit at karamdaman bigyan nawa kayu ng malulusog na pangangatawan at magkaroon pa ng marami pang kaarawang ating sabay sbay n ipagdiriwang maraming slamat po sa lhat lahat hindi ko na po iisaisahin pa basta maraming salamat po...kaming magkakapatid ay pinagpala nang isang amang katulad ninyo syempre.lalu na ang inang katulad ni Neng Llanto.. muli Isang Maligayang Pagbsti sa inyong Kaarawan

@58
#02-10-20

'Xin nian kuai le, 'Hao yun' , Kung Hei Fat Choi.Prayers and wishes Are all I can give this New Year. But I want you to ...
09/02/2024

'Xin nian kuai le, 'Hao yun' , Kung Hei Fat Choi.
Prayers and wishes Are all I can give this New Year. But I want you to know I wish you all the best! The hardworking are granted With what they wanted So I wish you this New Year, Good health and prosperity to come! As the old year ends, And the new year starts, I wish you another round Of peace and happiness-filled hearts! We wish you all the luck The best of luck and good health So that whatever endeavor you take You will always get success! I wish you my good friend, This Year of the Horse Strength and good health, Peace and happiness And all the best wishes. May the Year of the dragon Bring you this year, To your destination and goals With much speed. And may you be granted With strength and might So that this New Year will be bright! This New Year we wish your family Will be together all the time, Never encounter problems And be showered with love And gifts from above.



Isang Maligayang Maligayang Kaarawan Sissy Raquel Llanto Bella alammmuyan nawa ay magkaroon kapa ng marami pang kaarawan...
05/01/2024

Isang Maligayang Maligayang Kaarawan Sissy Raquel Llanto Bella alammmuyan nawa ay magkaroon kapa ng marami pang kaarawan na ating ipagdiriwang at siyempre Ang malusog at malakas na pangangatawan! Super thanks for everything hndi kona iisaisahin pa alam muyan bastah iam always here bukas palad sa lahat ng ibibigay nyong ayuda magiingat kayo palage Godbless

Maraming Salamat Po Mahal na PANGINOON sa aming mahal na Patron St. Felix of Cantalice sa lahat ng inyong gabay mga Biya...
21/11/2023

Maraming Salamat Po Mahal na PANGINOON sa aming mahal na Patron St. Felix of Cantalice sa lahat ng inyong gabay mga Biyaya na Hindi ko po inaasahan Hindi ko man po hininling pero inyo pong pinagkaloob sa lakas ng pangangatawan at pagkakaroon ng masayang pamilya ako po ay lunos na nagpapasalamat! Nawa mahal na PANGINOON inyo pong gabayan Ang aking mahal na Barangay na magkaroon po ng Pagkakaisa at Pagmamahalan Ang Bawat isa !Maraming Salamat po

Dahil sa Pulitika BOw!"NONGNANG" KUMARE NA KUMPARE PAUnat huli ko po itong sasabihin sa mga "Kumpare at Kumare" kong ang...
20/08/2023

Dahil sa Pulitika BOw!
"NONGNANG" KUMARE NA KUMPARE PA

Unat huli ko po itong sasabihin sa mga "Kumpare at Kumare" kong ang daming sinasabi sa likod ko tinitira ako patalikod ang sakit pakinggan ng mga sinsabi ninyo Saakin!
Nung Ako ay kinuha ninyong NONGNANG "NONGNANG" KUMARE NA KUMPARE PA ng mga inaanak ko Hindi ako tumanggi dahil Napakasarap sa pakiramdam dahil sa dinami Dami ng tao ako Ang inyong napili! Pero dahil lang sa PULITIKA kung ano ano na Ang sasabihin nyo saakin lahat nakakrating saaken at my ilang narinig ko mismo. Ang saklap.lang kasi dahil sa "PULITIKA" ginyan nyo ako saan ba ako nagkulang bilang inyong "NONGNANG" KUMARE NA KUMPARE PA may nagawa ba ako na hndi nyo nagustuhan?
Sana Respetuhin nyo ako kahit Hindi na bilang "NONGNANG" KUMARE NA KUMPARE PA kahit RESPETO bilang simpleng mamayan na may payak na pamumuhay! Payo kolang sa inyo sa susunod na kukuha kayo ng KUMPARE AT KUMARE ung kasama nyo nalang sa PUKITIKA para walang Bastusan . Huwag kayong magaalala lahat ng mga sinabi nyo about saken deadma nalang the damage has been done basta ito nalang masasabi ko NEVER AKONG NAGING BASTOS NA
"NONGNANG" KUMARE NA KUMPARE PA that would be all and I thank you!

Grabeh ang nangyring ito sa ibang panig ng ating Bansa! Bagyong Egay!Thessalonians 5:16-18“Rejoice always, pray continua...
27/07/2023

Grabeh ang nangyring ito sa ibang panig ng ating Bansa!
Bagyong Egay!

Thessalonians 5:16-18

“Rejoice always, pray continually, give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in Christ Jesus.”

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating Poong Maykapal sa ating Mahal na Patron ng St Felix of Cantalice dahil kahit anong bagyo ang dumating Ang aming Lugar ay laging ligtas sa kahit anung sakumamg dumating kaya nawa PANGINOON maalis na Ang mga taong palingharap dto sa aming Lugar mga makasarili mga nagmamagaling mga mahilig gumawa ng kwento na wlang katotohanan maging magaling Yan ang aking hiling mawala na Yung GANYANg paguugali. Nawa po PANGINOON Kabutihang Asal, Pagmamahalan Pagkakaisa at Pagiging Masaya lang Mamutawi iwasan na Ang pagaaway away lalu napo Ang mga taong namuhay nalang sa Pulitika mga taong feeling perfect! PANGINOON muli Maraming Maraming Salamat Po at kaming lahat ay Safe!Maraming Salamat po Mahal na PANGINOON at kaminay Hindi ninyo pinabayaan!



Address

Cabuyao
4025

Telephone

09296164068

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bo. Diezmo, Cabuyao, Laguna Phillippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bo. Diezmo, Cabuyao, Laguna Phillippines:

Share