01/09/2021
KWENTONG BARBERO AT NEGOSYANTE:
💈BARBERO: Sir, alam mo hindi na ako
naniniwalang may kumikita talaga ng ganyan kalaki sa business niyo.
😎NEGOSYANTE: Bakit naman?
💈BARBERO: Tingin ka sa labas, ang
daming taong may problema. Kung may ganyan nga talaga na kumikita ng malaki, e di sana lahat ng sumali mayaman na at wala ng taong mahirap?
😎NEGOSYANTE: Ganon ba? Ako din, hindi ako naniniwalang may barbero.
💈BARBERO: Ha! Bakit naman? Barbero kaya ako.
😎NEGOSYANTE: Tingin ka sa labas, kung may barbero, bakit ang daming mahahaba ang buhok?
💈BARBERO: E kasi hindi ko naman sila
pwedeng gupitan kung ayaw nila.
😎NEGOSYANTE: Ganon din sa negosyo namin, hindi ko naman sila pwedeng tulungan at mabigyan ng magandang opportunity sa buhay kung sila mismo ayaw nila magpatulong at ayaw tulungan ang sarili nila.
*silence*
LESSON:
Halos lahat ng tao gusto makuha mga pangarap nila. Pero hindi lahat willing gumawa ng paraan, hindi lahat willing sumubok ng opportunity na makakatulong sa kanila para makuha nila gusto nila sa buhay.
We are destined to be successful, but God gave us the free will to choose our own destiny.
Everyone wants to eat, but few are willing to hunt.
Kung gusto mo magkaroon ng pagbabago sa buhay, dapat may gawin kang bago or pagbabago.