20/03/2026
Let's wait and see...
For inquiries on our Solar Packages, book a free survey from our Tech Team‼️🙌🙏
fans
https://www.facebook.com/share/1GtapXwPey/
ERC, Nagbigay-Linaw sa Posibleng Pagtaas ng Singil sa Kuryente Sanhi ng mga Kaganapan sa Gitnang Silangan at sa Padating ng Tag-init
20 March 2026
PASIG CITY — Sa isang panayam kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson and CEO Atty. Francis Saturnino C. Juan, ipinaliwanag niya ang posibleng pagtaas ng singil sa kuryente sa mga susunod na buwan dulot ng kombinasyon ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan at pagpasok ng panahon ng tag-init.
Ayon kay Chairperson Juan, ang mga kasalukuyang kaganapan sa gitnang silangan ay may direktang epekto sa presyo ng mga fuel tulad ng coal, natural gas, at langis—mga pangunahing ginagamit sa paglikha ng kuryente sa bansa. Dahil ang Pilipinas ay umaasa sa inaangkat na fuel, ang pagtaas ng presyo nito ay nagreresulta sa mas mataas na gastos sa generation, na kalaunan ay nagdudulot sa pagtaas ng singil ng kuryente.
Bagama’t wala pang eksaktong halaga ang posibleng pagtaas ng kuryente, ito ay nakadepende sa pinagkukunan ng suplay ng mga distribution utilities. Ang presyo ng kuryente ay nag-iiba batay sa kung ito ay nagmumula sa mga kontratang may nakatakdang presyo, o mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) kung saan ang presyo ay nagbabago depende sa aktwal na supply at demand.
Binigyang-diin din ng ERC na ang generation charge ay awtomatikong naa-adjust batay sa aktwal na gastos sa pagkuha ng kuryente—tumataas kapag mahal ang supply at bumababa kapag ito ay mas mura. Sa mga pagkakataong may biglaang pagtaas, maaaring ipatupad ang staggered o paunti-unting paniningil upang hindi mabigla ang mga konsyumer, habang tinitiyak pa rin na mababayaran ang mga obligasyon sa power suppliers at mapananatili ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.
Upang maprotektahan ang publiko, pinaigting ng ERC ang pagsubaybay sa mga planta at merkado ng kuryente upang matiyak na walang pagmamanipula ng presyo at sapat ang suplay ng kuryente. Palagian ding nakikipag-ugnayan ang Komisyon sa Department of Energy upang paghandaan ang posibleng kakulangan sa suplay at tiyakin ang maayos na operasyon ng sektor ng enerhiya.
Sa panig ng mga konsyumer, hinihikayat ng ERC ang mas maingat at episyenteng paggamit ng kuryente, gayundin sa mga alternatibong solusyon tulad ng paglalagay ng rooftop solar systems. Ang ganitong teknolohiya ay maaaring makatulong na matugunan o mabawasan ang sariling konsumo ng isang kabahayan, at kung may sobrang nalikhang kuryente, maaari pa itong maipadala pabalik sa grid upang makatulong sa kabuuang suplay ng kuryente sa komunidad. Ipinaalala rin ng ERC ang umiiral na Uniform National Lifeline Subsidy and Rate Program, kung saan ang mga kwalipikadong kabahayang may mababang konsumo ay maaaring makatanggap ng diskwento sa kanilang bayarin, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na maprotektahan ang mga pinaka-nangangailangan.
Tiniyak ni Chaiperson Juan na patuloy babantayan ng Komisyon ang sitwasyon at magsasagawa ng kinakailangang hakbang upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng sapat na suplay ng kuryente at proteksyon sa kapakanan ng mga konsyumer, lalo na sa gitna ng mga hamon sa pandaigdigang merkado at tumataas na demand sa panahon ng tag-init. # # #