11/06/2023
Story Time โผ๏ธ
Meron isang lugar kung saan masaganang masagana yung kinabubuhayan ng mga taga roon. Marami silang pagkain sa lugar nila, maganda yung mga pananim at pag-aani sa lugar nila, masagana yung mga bunga ng mga puno sa lugar nila, maraming isdaan at sobrang daming mga hayop.
Sa hindi inaasahan napansin nila na walong buwan ng hindi umuulan sa lugar nila. Natutuyo na yung mga pananim nila, marami ng isda ang namamatay at marami sa mga hayop nila ang nagkakasakit dahil sa sobrang init ng panahon at tumagal pa ito hanggang dalawang taon.
Nag announce yung Mayor sa lugar nila na magkakaroon sila ng prayer meeting sa may park ng 7pm at ang lahat ng nakatira sa lugar nila ay kailangang pumunta para manalangin upang magkaroon na ng ulan sa lugar nila.
Nagpuntahan na yung taong bayan sa may park sa sinabi ng Mayor at nagkatipon tipon ang karamihan upang manalangin na magkaroon na ng ulan sa lugar nila hanggang sa merong isang tao na kakaiba sa lahat na nakakuha ng atensyon sa karamihan, dahil yung taong yun tanging siya lamang yung may dalang payong sa park. End of story.
Ano yung moral lesson?? Maraming tao ang nananalangin sa Diyos at humihingi ng tulong pero hindi buo yung paniniwala nila na bago sila humingi sa Ama ay tinanggap na nila yun. Maliban sa isang taong may dalang payong, hindi pa man umuulan pero naniniwala na agad siyang tinanggap na niya agad yung ipapanalangin niyang umulan sa lugar nila at bilang patunay na tinanggap na niya yun ay meron siyang dalang payong. Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay walang bisa. ๐
God will provide what people need, but people still need to act and make a way.
๐ฎ๐น