22/07/2026
Para sa kaalaman ng lahat, ipinababatid na si Mr. Joenard D. Biton ay hindi na konektado sa Semper Fidelis Security Services, Inc. at wala nang awtoridad na kumilos o kumatawan sa Kumpanya bilang Head of Inspectorate at Lead Investigator, alinsunod sa kanyang pagbibitiw (resignation) na naging epektibo noong Hulyo 15, 2026.
Ang abisong ito ay epektibo kaagad at nagsisilbing opisyal na paunawa sa lahat ng aming mga kliyente, empleyado, business partners, at iba pang kinauukulan. Ang lahat ay inaabisuhang sumunod at kilalanin ang mga nakasaad sa memorandum sa lahat ng kaukulang transaksyon at opisyal na komunikasyon.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon.