12/06/2026
Ngayong Araw ng Kalayaan, ipinagdiriwang natin hindi lamang ang kalayaan ng ating bansa kundi pati na rin ang diwa ng pagkakaisa, sipag, at malasakit sa kapwa at kalikasan.
Kami sa CARPEL ay patuloy na naninindigan sa aming misyon na pangalagaan ang kalikasan habang nagbibigay ng pag-asa, oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa lahat. Pangarap at layunin namin na sa pamamagitan ng pagre-recycle ay makapagbigay kami ng maayos na kabuhayan, malinis na kapaligiran, at positibong pagbabago na magbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa bawat komunidad na aming naaabot.
Para sa maraming nangangalakal, ang pagre-recycle ay hindi lamang hanapbuhay. Isa rin itong daan tungo sa pag-ahon sa kahirapan, pagbangon ng pamilya, at pagkakaroon ng maayos at marangal na kinabukasan. Sa bawat pagsusumikap nila ay may kasamang pag-asa para sa mas magandang buhay.
Higit pa sa isang kumpanya, kami ay isang pamilyang nagkakaisa sa iisang layunin na makapagbigay ng positibong pagbabago para sa ating bayan, komunidad, at kalikasan.
Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭
Carpel Environment Corporation
Caring for the Environment ♻️