01/01/2021
THANK YOU 2020, HELLO 2021!
Hinding hindi namin malilimutan ang COVID19 LOCKDOWN kasi dito nagsimula ang business na to. Sa umpisa, try lang at awa ng Diyos, pumatok naman online. Free delivery, online ordering etc. Pero hindi madali. Maraming effort ang binuhos namin. Dumating sa point na halos wala ng kinikita dahil napupunta lang sa gas pagdeliver. PERO NEVER KAMI SUMUKO. Alam namin na ganun talaga sa umpisa, malulugi ka muna para matuto ka ng mga tamang diskarte.
Kaya kahit pandemic, lumalaban kami. Itong 2020, malupit yan. Pero mas malupit kami! HAHAHAHAHA Joke! ππ Gusto naming magpasalamat sa mga customer namin na nagtitiwala samin. Sa mga nagiging kaibigan namin sa industry. Tayo-tayo pa rin sa 2021! Sana madagdagan pa ang mga magiging business partner namin na mga CANTEEN, SARI-SARI STORE, GROCERY, PALENGKE at iba pa. Kakampi nyo kami sa pagbangon. :)
Happy New Year po sa ating lahat!!