01/08/2025
Maraming salamat 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋-𝐂𝐂𝐂 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 sa pagtitiwala 💓✨
𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 Inkspired By Yazz, 𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠, 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐝𝐛𝐨𝐤𝐚𝐬𝐢𝐲𝐚.
Bilang mga mag-aaral na patuloy na naghahanap ng saysay sa bawat kilos at layunin sa bawat proyekto, lubos naming kinikilala ang naging mahalagang papel ng 𝐈𝐧𝐤𝐬𝐩𝐢𝐫𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐘𝐚𝐳𝐳 sa tagumpay ng 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋-𝐂𝐂𝐂 𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 sa Banyuhay 2025.
Hindi lang tinta ang inilimbag ninyo, kundi diwa ng kolaborasyon at malasakit. Sa bawat materyales na inihain ninyo, naging mas malinaw ang mensahe ng kabataang may paninindigan, at mas matingkad ang kulay ng kolektibong pagkilos para sa bayan.
Sa panahong ang bawat espasyo at entablado ay dapat may layunin, pinatunayan ng 𝐈𝐧𝐤𝐬𝐩𝐢𝐫𝐞𝐝 𝐛𝐲 𝐘𝐚𝐳𝐳 na may mga negosyong hindi lang nakatuon sa serbisyo kundi nakikibahagi rin sa pagbabago.
Bilang mga estudyanteng mulat, saludo kami sa inyo.