26/02/2026
Habang dumarami ang solar at wind sa ating energy mix, may isang mahalagang tanong:
Paano natin sisiguraduhin na kahit pabago-bago ang hangin at sikat ng araw, tuloy-tuloy pa rin ang kuryente?
Sa ilalim ng Department Circular No. DC2026-02-0008, pinalakas ng DOE ang Energy Storage Systems (ESS) Policy upang gawing mandatory ang pag-integrate ng energy storage sa malalaking variable renewable energy (VRE) projects na 10 MW pataas. Kinakailangan na may katumbas na hindi bababa sa 20% storage capacity bilang bahagi ng kanilang development.
โ๏ธ Kapag sobra ang renewable energy, may maiimbak.
โ๏ธ Kapag bumaba ang supply, may huhugutin.
โ๏ธ Mas stable ang boltahe at frequency ng kuryente.
โ๏ธ Mas handa ang grid sa mas mataas na renewable pe*******on.
Isasama ang ESS sa transmission at distribution planning, mula sa grid-connected hanggang sa off-grid areas, para masigurong maaasahan ang suplay kahit saan sa bansa.
Basahin ang kabuuan dito: https://doe.gov.ph/articles/3340048--doe-strengthens-renewable-energy-reliability-through-mandatory-energy-storage-integration-under-updated-ess-policy