20/05/2026
𝗧𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗶 𝗝𝘂𝗮𝗻 𝗡𝗼. 𝟭𝟳:
“𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼, 𝗕𝗜𝗥. 𝗢𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗹𝗹𝗲𝗿 𝗽𝗼 𝗮𝗸𝗼. 𝗜𝗯𝗶𝗻𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗻𝗴 𝗰𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗱𝘂𝗸𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗲𝗻𝘁𝗮 𝗸𝗼 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗻𝗮-𝗱𝗮𝗺𝗮𝗴𝗲 𝗶𝘁𝗼 𝗱𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝘆. 𝗠𝗮𝘆 𝗿𝗲𝘀𝗶𝗯𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮-𝗶𝘀𝘀𝘂𝗲, 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗸𝗼?”
𝗔𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗴𝘂𝘁𝗮𝗻:
Para sa mga online sellers, ang tamang pagtrato sa mga produktong ibinalik (sales returns) dahil na-damage ito habang ay dine-deliver ay nakadepende sa kung pinalitan mo ang item (Replacement) o kung ibinalik mo ang pera ng customer (Refund).
Dahil nakapag-issue ka na ng Sales Invoice, sundin ang mga sumusunod na hakbang para maitama ang iyong accounting records at hindi ka magbayad ng maling buwis:
𝗦𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗔: 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗲𝗺 (𝗥𝗲𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁)
Kung nagpadala ka ng kapalit na produkto na kapareho ang halaga, hindi mo na kailangang kanselahin ang unang invoice o magbawas sa iyong idinedeklarang benta:
𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝘀𝘀𝘂𝗲 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗹𝗲𝘀 𝗜𝗻𝘃𝗼𝗶𝗰𝗲 para sa pamalit na item upang maiwasan ang dobleng pagpataw ng buwis sa iisang benta.
𝗚𝗮𝗺𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗹𝗶𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗥𝗲𝗰𝗲𝗶𝗽𝘁 (𝗗𝗥) para sa pagbiyahe ng bagong produkto at ilagay sa deskripsyon: "Replacement for damaged item under Sales Invoice No. [Ilagay ang lumang invoice number]".
𝗦𝗲𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗕: 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗿𝗮 (𝗥𝗲𝗳𝘂𝗻𝗱)
Kung tuluyan nang kinansela ang transaksyon at binalik mo ang bayad sa bumili, kailangan mong maihabol ito bilang Sales Return.
✔️𝙈𝙖𝙜-𝙞𝙨𝙮𝙪 𝙣𝙜 𝘾𝙧𝙚𝙙𝙞𝙩 𝙈𝙚𝙢𝙤 / 𝘾𝙧𝙚𝙙𝙞𝙩 𝙉𝙤𝙩𝙚
Gumawa ng supplementary document tulad ng Credit Memo kung saan malinaw na nakasulat ang pangalan ng buyer, orihinal na Sales Invoice number, petsa, detalye ng produkto, at dahilan ng pagbabalik (damaged item).
✔️𝙈𝙖𝙧𝙠𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙪𝙥𝙥𝙡𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩𝙖𝙧𝙮 𝘿𝙤𝙘𝙪𝙢𝙚𝙣𝙩
Tandaan na sa ilalim ng Revenue Regulations No. 7-2024 ng BIR, ang mga katulad na supplementary document (Credit Memo) ay kailangang may naka-print na linyang: "THIS DOCUMENT IS NOT VALID FOR CLAIM OF INPUT TAX."
✔️𝙄-𝙙𝙚𝙙𝙪𝙘𝙩 𝙨𝙖 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙏𝙖𝙭 𝙍𝙚𝙩𝙪𝙧𝙣
I-report ang halagang ito bilang bawas sa iyong Gross Sales (Sales Returns and Allowances) sa susunod mong pag-file ng Quarterly Income Tax Return (BIR Form 1701Q/1702Q) o VAT/Percentage Tax Return para hindi mo na ito kailangang bayaran ng buwis.
Mahahalagang Paalala para sa Proteksyon mo:
✔️Ang mga Ebidensya
Itabi ang mga screenshot ng chat sa e-commerce platform (Shopee, Lazada, o TikTok), refund confirmation, at larawan o video ng sira o nadamage na produkto bilang patunay sa BIR kung sakaling magka-audit.
✔️Huwag Burahin o Sirain ang kopya ng Invoice
Panatilihing buo ang iyong kopya (Seller's copy) ng naisiyung invoice para sa iyong bookkeeping at huwag itong buburahin o babaguhin nang walang kaakibat na Credit Memo.
Legal Bases:
National Internal Revenue Code (Tax Code), Section 106(C)(2).
RR 7-2024 = https://share.google/SyixUpAkJLbqLWgJn
Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines)