04/10/2025
๐๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ข ๐๐๐ง ๐
๐ซ๐๐ง๐๐ข๐ฌ๐๐จ ๐๐ ๐๐ฌ๐ข๐ฌ
๐๐๐ ๐ฎ๐ง๐๐ ๐๐๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐จ๐ง๐
Ngayong araw ay ginugunita natin ang kapistahan ni San Francisco de Asis, Segunda Patron ng ating bayan at ang patron ng kalikasan.
Katulad ni San Francisco, maipamalas nawa natin ang ating pagmamahal at pag-aaruga sa kalikasan, bilang mga itinalagang tagapangalaga nito.
Sa tulong ng kaniyang mga panalangin, patuloy nawang ibuhos ng Diyos ang mga biyaya at pagpapala na ating natatamasa mula sa ating kalikasan, partikular ang masaganang ani sa palayan at ang magandang hango ng isda sa Lawa ng Laguna.
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐ ๐จ๐๐๐
P**n, tulutan mong maging daluyan ako ng iyong kapayapaan:
kung saan may p**t, nawaโy magpunla ako ng pag-ibig;
kung saan may sakit, kapatawaran;
kung saan may alinlangan, tiwala;
kung saan may hapis, pag-asa;
kung saan may karimlan, liwanag;
kung saan may kalungkutan, galak.
O banal na Panginoon, nawaโy huwag kong asamin
na mapanatag sa halip na magbigay ng kapanatagan,
na maunawaan sa halip na umunawa,
na mahalin sa halip na magmahal.
Sapagkat nasa pagkakaloob ang kabiyayaan,
nasa pagpapatawad ang kapatawaran,
at nasa kamatayan ang buhay na walang hanggan.
Amen.
San Francisco de Asis, ipanalangin mo po kami.
๐ข๐ช ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ท ๐ท๐ฐ ๐ข๐ช๐น๐ช๐ธ, ๐๐ฒ๐๐ช๐๐ช'๐ ๐ค๐ถ๐ช๐ช๐น๐ช๐. ๐ฅ๐ฒ๐ฟ๐ช ๐ต๐ช ๐ฅ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฎ๐ท!