Welcome to Cateel Davao Oriental

Welcome to Cateel Davao Oriental Para sang tanan na gusto mangutana, gusto mamabaligya, Barter, WELCOME

14/06/2026

Life becomes easier when you stop trying to control everything. Focus on what you can do today, trust the process, and let the rest unfold in its own time.

12/06/2026

HAMBASAN, Kay ilamon da ng sagbot.

11/06/2026

CATEEL SAGING-



















24/01/2026

Sa lahat ng tao rito sa page na ’to,
Sa mga taong naniniwala pa rin sa pag-ibig, sa mga nasaktan na, at sa mga natatakot pa ring masaktan ulit…
Ako ’yung tipo ng tao na akala mo hindi kaya ’yung ganito. Ako ’yong laging sinasabing “loyal”, “mabait”, “hindi gagawa ng mali”. Pero mali kayong lahat. Mali ako.
Nagmahal ako nang tapat noon. 6 years kami. Nagtitiis sa hirap, nagtatrabaho para sa pamilya namin balang araw, nagpapanggap na okay kahit sobrang pagod na. Pero isang araw, may dumating na iba. Hindi ko hinanap. Hindi ko sinadya. Pero nangyari.
Una, text lang. “Kumusta ka?” sabi niya. Tapos hanggang “miss kita” na. Tapos hanggang tawag sa gabi kapag tulog na siya. Tapos hanggang meet up “para magkausap lang talaga”. Hanggang sa naging haplos na ‘yung usapan. Hanggang sa naging halik. Hanggang sa naging higit pa do’n.
Alam ko mali. Tuwing natatapos kami magkita, umiiyak ako sa CR habang naghuhugas ng mukha. Kinukumbinsi ko sarili ko na “last na ’to”. Pero paulit-ulit. Kasi masarap ‘yung pakiramdam na may nagmamahal sa’kin nang walang kondisyon, walang reklamo, walang pagod na itsura. Masarap ’yung pakiramdam na hinahangaan ako ulit, na hinahabol ako, na parang ako lang ang mundo niya.
Pero sa likod niyon, nasasaktan ko ’yung taong pinaka-mahal ko. ‘Yung taong nagtiwala sa’kin nang buong-buo. ’Yung taong nagbigay ng lahat kahit wala na siyang matira para sa sarili niya. Tuwing nakikita ko siyang natutulog nang mahimbing, iniisip ko: “Paano kung malaman niya? Paano kung mawala siya? Paano kung hindi na niya ko matanggap?”
Naging mahina ako. Naging makasarili ako. Naging hayop ako sa sarili kong paningin.
Ngayon, tapos na. Natapos na ’yung affair. Natapos dahil nahuli ako. Hindi dahil sa kusa kong nag-sorry. Kundi dahil nahuli ako. At ’yung sakit sa mata niya habang binabasa ‘yung mga mensahe… hanggang ngayon, boses niya ‘yun sa utak ko tuwing gabi. “Bakit? Ano’ng kulang sa’kin?”
Wala. Walang kulang sa kanya. Ako ’yung may kulang. Kulang ako sa tapang. Kulang ako sa paninindigan. Kulang ako sa pagmamahal sa sarili ko kaya hinanap ko sa iba ’yung validation na dapat sa kanya ko lang hinahanap.
Ngayon, wala na kaming balikan. Tapos na. Pero hindi pa tapos ’yung parusa sa loob ko. Tuwing tinitingnan ko ’yung lumang pictures namin, parang dinudurog ’yung puso ko. Tuwing naririnig ko ’yung favorite song namin, parang sinaksak ulit. Tuwing may nagme-message sa kanya sa Facebook na “kumusta ka na?”, gusto kong sumigaw: “Huwag mo siyang iwan! Hindi mo alam kung gaano siya kasarap mahalin!”
Pero wala na akong karapatan. Wala na.
Sa mga babae (o lalaki) na nasa sitwasyon ko noon:
Huwag niyo hayaang mangyari ’to. Kapag naramdaman niyo ’yung unang haplos ng tukso, tumakbo kayo palayo. Kasi isang segundo lang ’yun, isang segundo na magpapabago ng buhay niyo magpakailanman.
Sa mga niloko:
Pasensya na. Hindi sapat ’yung “sorry” ko. Pero gusto kong sabihin: hindi dahil sa wala kayong kulang. Kundi dahil sa sobrang dami ng kulang sa amin sa amin na mga cheater.
At sa sarili ko:
Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ba ako. Pero araw-araw, sinusubukan kong maging mas mabuting tao. Hindi para makabalik sa kanya kundi para hindi na ako maging ganito ulit.
Kung sino ka man na nakabasa nito hanggang dito,
Salamat sa pakikinig.
At kung nasaktan ka rin dahil sa katulad ko,
Sana makita mo na hindi lahat ng tao ay gano’n.
At sana makita mo rin na kahit ako, kahit gaano kasama, may pag-asa pa rin magbago.
Paumanhin.
Sa lahat.

Isang dating cheater na sinusubukang maging mabuti ulit

Salamat Admin.

21/01/2026
21/01/2026

Address

Cateel
8006

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Welcome to Cateel Davao Oriental posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share