21/02/2026
I’ve been doing part-time VA work since 2023, so almost three years na rin, and honestly, ang dami ko pa talagang kailangan matutunan at i-upskill.
Pero isa lang ang sure ako.
Kung gusto mong maging virtual assistant, kailangan mo talagang maging resourceful.
Most clients don’t hire VAs para turuan pa. They hire because sobrang busy na sila, and they need someone na magpapagaan ng load nila. Someone who can handle things, not someone na need pa nilang iaasist at icheck maya't maya.
And this week, sobrang reminder niya sa akin yun.
I’m assisting a client from Australia who is flying to Nepal tonight. First time ever kong gawin to. Ako lahat nag-book ng hotel, restaurants, van transfers, lahat ng kailangan niya. Then biglang hindi ko na makontact yung isang local provider na nakausap ko.
Kinabahan ako.
Sasabihin ko ba agad sa client ko?
Maghihintay pa ba ako?
Paano kung hindi na talaga sumagot?
Paano kung pagdating niya, walang van na dadating?
Tapos ang hirap kasi minsan Google/ChatGPT lang talaga yung base mo. Wala kang local knowledge, wala kang kakilala doon, at wala kang idea which ones are legit or reliable. Kaya kailangan mo talagang mag-research. Hahanapan mo ng paraan. You check everything you can check para lang masigurado mo na legit sila at okay kausap. Walang “bahala na.”
Buti na lang, yung hotel na nakausap ko sobrang helpful. I reached out and asked if kilala nila yung provider or if may way sila to help me contact them. And thankfully, oo. May connection sila. Tinulungan nila ako and finally sumagot yung provider. Naging busy lang pala these past few days.
Ayun, crisis solved.
At hindi ma-i-stress yung client ko pag-landing niya.
And ito talaga yung point ko.
Kung virtual assistant ka, hindi pwedeng ibabato mo yung problema kay client.
Hindi pwedeng “Di ko po alam.”
Hindi pwedeng “First time ko po.”
Hindi pwedeng tanong ka lagi sa bawat step.
Kailangan mong hanapan ng paraan.
Kailangan mong mag-isip.
Kailangan mong gawin lahat ng pwede mong gawin bago pa makarating yung problema sa client mo.
Yun talaga yung trabaho.
Resourcefulness.
Ownership.
Initiative.
Everything else matututunan mo along the way, pero itong tatlong ‘to, dapat lagi mong dala.
P.S. Intern ko pala. Mabilis namang maka gets maya’t maya nga lang ang meryenda. 😂